Chapter Twenty-Five

Start from the beginning
                                    

"Medyo eh." Sabay sulyap niya muli sa menu. Gusto ko sanang sabihin na kakakain lang namin kanina tapos "medyo" gutom na siya ngayon. Pero baka hampasin ako neto kaya wag nalang.

"Uhmm, isang order ng onion rings tsaka nachos please." Aniya.

"Right away ma'am." sagot nung waiter.

Tumalikod naman si Mika sa table at sumandal ng onti doon.

"Ayaw mo sumayaw?" Medyo pasigaw na niyang sabi saakin.

"'Yoko!"

"Bakit naman?"

"E! Di ko trip ngayon!" sigaw ko pabalik.

Tumango nalang siya, sinyales na naintindihan niya ang sinabi ko. Samantala kaming hindi nagusap hanggang sa dumating yung order niya.
Nang maibaba nung waiter yung food, sinunggaban na agad ni Mika iyon at halata sakanya na sarap na sarap siya.

Hindi talaga kami kumain kanina, ano?

Habang lumalapang tong katabi ko ay mas lalo namang rumami ang mga tao. Kaya nahirapan akong hanapin sila Kim. Pero napagod na akong hanapin sila dahil sa pagkahyper ng mga tao sa loob eh nakuha pang tumalon-talon habang sumasayaw. Hayst.

Bumaling naman ako kay Mika at sakto namang tumunog ang phone niya.

"Jeron kulit Calling.."

Bigla namang naiba ang mood ko ng makita ko kung sino ang tumatawag. Psh. And to think may 'kulit' pa sa name. Makulit na nakakairita ba yun? O kulit na cute? Tss di naman cute yon.

"Wait lang ha?" Sabi ni Mika saakin at tinanggap ang call.

"Hello?.. Oh! Napatawag ka?.. Oo nasa bar ako! Hahaha!.. Nako sa Laguna to baka wala na kami dito pag dating mo.."
Mukhang may balak pa atang pumunta. Tss buti nga at malayo.

"Yeah I'm fine.. I have Vic here with me.. Choppy ka na, sige byee." Dama ko po yung reaksyon ni epal este ni Jeron hanggang dito. Hihi. 1 point for Galang!

"Sino yun?" Kahit alam ko naman kung sino. Mema lang.

"Ah si Jeron-- tinuhtanongg kungsh ashan daw ako." Sabi niya habang nginuya yung nachos.

"Ahhh." Yun nalang ang tangi kong nasagot. Halata naman na kasi yung ibang pinagusapan nila base sa mga sagot ni Mika nung kausap niya si Jeron kaya di na ako nagtanong kung ano pa ang sinabi niya. Pero dahil sa may nabuo sa isipan ko muli akong nagtanong.

"Kung ligawan ka ba ni Jeron.. Sasagutin mo siya?"

Nasamid naman tong isang to at dahil sa mabait ako syempre binigyan ko ng tubig. Hehe.

"Anong klaseng tanong yan?" Sabay ubo niya.

"Edi tanong. Dali sagutin mo na."

"Bakit ba?"

"Wala lang. Gusto ko lang malaman. Bawal ba?" Balik kong tanong sakanya.

"Eeeeeh. Hindi naman."

"Oh hindi naman pala. Go na sagot na."

Hindi naman kaagad eh sinagot niya yung tanong ko. Medyo napaisip pa ata siya.

"Siguro."

"Anong klaseng sagot yan?"

"Edi sagot." Aba'y binabawian pa ata ako nito. Tss.

"So may chance?"

"Pwede." Ay takte.

"Uwi ka na, ang panget mong kausap." Sabi ko sabay pabiro kong sampal sakanya.

"Wow ah! Che! Ikaw tong nagtatanong sa akin, saktan kita dyan eh." Natawa naman ako sa sagot niya. Pikon po.

"Sorry na, pikon." Natatawa ko paring sabi. Tumalikod naman siya saakin at nagcross arms pa. Ay ang tindi magtampo?

"Hala siya? Sorry na ngaaaa! Hahaha!"

"Che! Bahala ka dyan, 'di tayo bati. Di kita kilala." Sagot niya ng nakatalikod parin sakin.

Parang bata lang? Baliw rin to eh.

"Oy sorry na nga kasiii. Kasalanan ko bang pikon ka?"

"Wow ah! Wag mo talaga ako kausapin hindi kita kilala!" Kahit mukhang seryoso na siya eh nakuha ko paring tumawa. Cute kasi.

Kahit nacucute-an ako sakanya eh tumigil muna ako kakasorry. Baka kasi mainis na talaga sakin eh baka mas lumala pa yung sitwasyon.

Hindi ko muna siya kinibo. Pero balak ko parin naman magsorry.

...

Ilang minuto na ang nakalipas at hanggang ngayon, hindi parin kami nagkikibuan.

"Ano, di mo parin ako kilala?" tanong ko.

Hindi niya ako sinagot, bagkus eh inirapan pa ako. Hala hanggang ngayon parin? Nakakaloka ang lola niyo.

M i k a

"Ano, di mo parin ako kilala?"

Gusto ko sanang matawa pero inirapan ko nalang siya. Minsan lang naman ako magtaray kaya pagpasensyahan niyo na.

Bigla naman niyang tinawag yung kuya na kumuha ng order ko at may binulong sakanya. Tumango naman yung kuya at lumapit sa akin.

"Ah ma'am, kilala niyo na daw po ba siya?" Hindi ko na napigilang ngumiti dahil sa pinaggagaawa ni Vic.

"Hindi parin." Sagot ko kay kuya. Sinigurado kong maririnig rin ni Vic.

Bigla naman siyang tumayo at lumakad papalayo sa pwesto niya kanina at lumabas. Hala?

San pupunta yun?

"Nako ma'am mukhang napikon na rin po ata." Sabi sakin ni kuya waiter.

"'yaan natin siya dyan. Babalik rin yan." confident kong sabi.

Ngunit lumipas na ang ilang minuto hindi parin siya nakabalik.

"Ma'am hindi niyo parin po ba susundan? Ang tagal na niya pong wala oh." Sabi ulit ni kuya waiter sa akin.

"Jacob Jacob!!" Tawag ng isa pang waiter kay kuya na kausap ko. Bakas sa lalaki yung pagkataranta niya.

"Oh bakit?"

"Tulungan mo ako may babaeng nahulog sa pool!!"

-----

Vote and comment and Happy Reading!! ✨



~Tadhana~Where stories live. Discover now