Chapter One

2.7K 39 8
                                    

VIC 811

M i k a

"Anak o heto.. Baon mo." Abot ni Mama sakin ng adobo na nasa baunan.

"Ma. Isama niyo nalang ito sa mabebenta niyo sa karenderia natin. Okay lang ako ma" ngiti ko sakanya. Pero alam kong hindi magpapatalo ito. Si Mama pa?

"Anak. Kunin mo na. Magtatampo ako kapag hindi ko kinuha at kakainin yan." Alam niyang kahit kelan ay hindi ko siya matitiis. Hay mama talaga.

"Hayst. Oo na oo na. Nga pala Ma.. Eto." Abot ko ng 1500 pesos. "Dagdag niyo na po yan sa pang bayad sa kuryente at tubig natin. Galing po yan sa raket ko kagabi. Tsaka nakabayad ako ng tuition ni Miko sa school. Para naman hindi lumaki masyado yung ibayad natin sa katapusan niya ng eskwela."

Pagkatapos kong sabihin yon ay may namumuong luha sa gilid ng mga mata ni Mama.

"Ma? Bakit? Pasensya na kung maliit lang yung nahulog ko sa tuition ni Miko.. Nagkalyo kasi ulit yung mga daliri ko kagabi kakagitara sa bar eh." Kamot ulo kong sabi.

Nagulat ako dahil niyakap ako ni Mama. Hala nagdrama nanaman po siya.

"Anak s-salamat ha? Nako ano bang ginawa ko at binayayaan ako ng katulad niyo ni Miko?" Masaya niyang sabi sakin. Natawa naman ako sa sinabi niya.

Kahit hindi kami mayaman, wala kaming magarbong kotse at bahay ay masasabi kong mayaman naman kami sa masasayang alaala katulad nito. Magkayakap kaming tatlo. Hahaha hay. Si Papa nasa abroad. Sea man kasi. Pero kahit ganun pinapakita niyang mahal niya kami through skype, tawag at text.
Todo padala rin iyon ng pera saamin. Kahit na wala na atang natitira sakanya. Hay.

"Kaya ikaw Miko! Nako! Kapag nalaman kong papetiks-petiks ka lang sa school at may girlfriend ka na nako. Papagitarahin kita sa trabaho ko." Biro ko sakanya.

"Grabe ka sakin Ate. Syempre naman nag-aaral ako ng mabuti! Tsaka wala sakin yang girlfriend- girlfriend na yan! Libro at grades lang ang nililigawan ko ate" sabi ni Miko. Haha eto talaga.

"Baliw! Hahaha!" Sabay yakap ko sakanya at gulo ng buhok. Bigla namang tumunog yung cellphone ko.

Calling: Papa

Agad ko namang tinanggap ang tawag ni papa.

M: Pa! Bat kayo napatawag?

P: Bawal na bang tumawag sa prinsesa ko?

M: Ay nako Papa hahaha! Bakit naman napatawag ang hari ng Reyes Kingdom? Biro ko sakanya at may awtoridad sa aking boses

P: Nako ikaw talagang bata ka! Hahaha gusto ko lang malaman kung okay ba kayo dyan. Ang Mama mo?

M: Okay naman Pa! Eto po teka.

~~

Inabot ko naman ang aking telepono. Ilang saglit silang nagusap at kinausap naman ni Papa si Miko. Pagkatapos nun ay nagpaalam na si Papa dahil mas lalo daw niya kaming namimiss hahaha. Bigla namang may kumatok sa aming pintuan. Binuksan ko naman iyon at bumungad ang makulit na tinuturing ko na ring kapatid.

"Mikaaaa!" Sabay yakap niya sakin ng makita niya ako. Yinakap ko naman ito pabalik. Grabe wala talaga itong respeto. Mas matanda ako eh!

"Himala at ako ang sinusundo mo ngayon ah!" Biro ko ng bumitaw na kami sa yakap.

"Grabe ka! Mama B oh." Pagsusumbong niya kay Mama.

"Hoy Mama ka dyan. Mama lang namin yan. Nakikipamilya ka naman." Sabi ko sakanya.

"Ikaw talaga Mika. Syempre pwede naman niya akong tawaging Mama." Ngiting sabi ni Mama sa isang ito. Tss.

"Ano ka ngayon? Hahaha pahiyaaaa!" Asar niya sakin. Ay nako naghahamon pa talaga to ng asaran eh malalate na kami sa rehearsals.

"Psh ewan ko sayo! Tara na malalate pa tayo sa trabaho niyan eh!" Sabi ko sakanya habang hinahatak ito palabas ng bahay.

"Selos ka lang eh! Bye Mama B! Bye Miko!" Sabi niya bago ko isinarado ang pinto ng bahay.

"Ang kulit mo talaga eh noh?" Sabi ko habang inaayos ko sa bag ko.

"Gwapo naman." Sabi naman niya ng may papogi gestures pa. Hala siya.

"Tara na nga Noreen! Ang hangin hangin mo kahit kelan!" Sabay hatak ko sakanya papunta sa linya ng mga trycicle. Tawa lang ng tawa tong babaeng ito. Tss.

Tatawid na sana kami ng may mabilis na kotseng muntik na kaming mabangga.

"Hoy! Baliw ka ba?! Muntik mo ng mabangga kami ng kapatid ko oh!" Minsan kasi napagkakamalan kaming magkapatid nito ni Noreen dahil sa kutis. Pinalo ko yung harap ng kotse ng kumag na ito. Bumaba naman ito ng sasakyan. Morena ng onti, di naman matangkad di rin naman maliit, nakashades, tas yung buhok panglalaki.

"It's your fault." Sabi niya samin. Hala! Kami pa talaga?! Mahhigh blood ako sa isang ito eh!

"Hoy! Kami pa talaga?! Eh ikaw nga yung makamaneho dito kala mo ikaw may-ari ng daan!!!" Sabi ko sakanya. Inaawat naman ako ni Noreen para di ko masuntok tong si kumag. Kainis ah!

"Ye huy tara na ang daming ng nakatingin." Bulong ni Noree sakin. Wala akong pakialam!

"Eto kasi eh!" Sabay turo ko dito sa bastos na ito. Di nalang magsorry eh! Ang malala parang wala pa siyang emosyon!

"I can buy this street." Walang emosyon niyang sabi aba! Mayabang pa!

"Eh gago ka pala eh! Di nalang magsorry nagmamayabang ka pang kaya mong bilhin itong kalsada!" Mahigpit na yung hawak sakin ni Noreen. Kung di lang ako pinipigilan nito ay nabasag ko na ang bungo nitong kumag na ito.

Sumakay naman na ito sakanyang sasakyan at pinaharurot ang kotse niya. BASTOS TALAGAAA! URGH! Nakita ko naman ang plate # nito. VIC 811 HA! PAPADEMANDA KITA!!! Kala mo kung sino!!

Hindi ko namalayan na pinasok na ako ni Noreen sa isang trike tumabi naman ito sakin.

"Ang warfreak mo talaga." Pailing iling niyang sabi. Psh.

"Manong sa barangay tayo!!" Sabi ko sa trycicle driver. Alas-quatro palang naman. Alas-singko yung rehearsals namin.

"Oh bat sa barangay? Dun ka na ba raraket Mika?" Tanong ni Noreen sakin.

"Magdedemanda tayo!"

"Ano?!"

~Tadhana~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon