Chapter Twenty-Five

972 34 22
                                    

1 point for Galang

V i c t o n a r a

"Guys please! Uuwi na kayo bukas eh!" Kianna convinced.

Nag-aaya kasi siyang mag-bar. Hindi na katulad ng bar niya. As in bar na maingay, tequilla and all at sa taas nito ay five-star hotel. May swimming pool pa. Oh diba ang lamig na nga eh.

"Yun na nga, Kianna. Eh baka sumakit yung ulo namin sa pag-iinom sa biyahe bukas." Sagot ni Mika.

Nagising siya kanina lang. Kahit na labag sa kalooban ko na gisingin siya mula sa aking bisig dahil sa parang ang sarap na ng tulog niya. Pero no choice kasi natapos na si Kianna sa pag-gawa ng food. Baka malipasan naman si Mika kung hindi siya kumain.

"Fine, don't drink. Punta lang tayo! Sige na please? Let's just have fun!" She insisted again.

Nagkatinginan naman kaming tatlo ni Kim. Si Kim okay lang naman daw sakanya na mag-bar. Psh. Porket ako mag-ddrive bukas malakas loob niya mag-bar. Tsk.

"Ano tara?" Ako na ang nagtanong sa dalawa.

Mika sighed as a sign of defeat.


---

Wala pa kami sa loob ng bar pero rinig na rinig mo na yung party music na galing sa loob. It got louder by the time we got inside. Ang daming tao ah. Pano pa kaya pag biyernes? Pag pasok namin saktong-sakto nagdrop yung beat that made the people wild.

Tinignan ko naman ang mga mukha ng mga kasama ko. They seemed excited to join the crowd.. Except Mika.
Yung mukha niya parang hindi mo mapinta. Akala mo first time niya sa ganito eh no.

"Wooooh!" Sabi ni Kianna at Marck sabay pasok sa crowd.

"Dun ako!" Kim nearly shouted dahil sa ingay sabay turo kung saan nag-oorder ng mga drinks. Tumango naman kaming dalawa ni Mika.

Pagkaalis ni Kim naramdaman kong may pumulupot sa braso ko. "Wag mo 'ko iwan." Mika said that made me smile.

Tumungo muna kami sa medyo hindi crowded na part ng place dahil medyo naging sagabal kami sa harap dahil may mga taong lumalabas at pumapasok sa pinto.

"Dun tayo?" I asked.

"Tara." Sabay hila niya sa akin.

Nakita namin si Kim dahil medyo may kalapitan yung pwesto niya sa pwesto namin. Kaya ng makita niya kami nagpaalam siya sa kasama niya. May kasama agad-agad. Naks.

"Hanap kita ng boylet?"

"NO." Sagot ko para kay Mika. Sorry na nabigla pero mukhang hindi nagets ni Kim kaya buti nalang. May benefits pala ang pagkaslow nito.

"Hindi ikaw. Alam ko namang pusong lalake ka. Si Mika kasi," sabay baling niya muli kay Mika. "Marami akong nakikitang gwapings para sayo." she teased. Siraulo talaga 'to.

"Sorry," ani ni Mika. "Di ako interesado eh." she continued. Nice.

"Ayy. Bakit? Magaling ako maghanap ng papi pramis." konti nalang, iisipin ko na talaga na bad influence tong si Kim.

"Oh baka naman, ayaw mo sa boys.."

"Hindi ah!" Mabilis na sagot niya.

"Ay grabe di ako pinapatapos oh. Hahaha. Ayaw MUNA. Ganon." at inemphasize niya talaga yung 'MUNA'.

Tumawa nalang si Mika at nanghingi ng menu sa waiter. May mga food rin pala, hindi lang puro drinks.

"Nagugutom ka?" Tanong ko.

~Tadhana~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon