Chapter 27

1.1K 26 4
                                    

Rachel's POV

Kinabukasan ay maaga kong nagising para asikasuhin ang isang mahalagang plano ko, ang surprise party para sa nalalapit na birthday ni Jovs. Dahil weekend ngayon at mamaya pa ang mga training namin niyayaya ko ang buong Army team para pag usapan ang plano namin. Sigurado naman ako mamaya pa magigising to si Jovs dahil pag weekend lang ito nakakabawi at nakakatulog ng mahaba.

Makalipas ang isang oras na brain storming ay nakabuo din kami ng konkretong plano para sa birthday ni Jovs. Kanya kanyang toka kami sa mga kakailanganing asikasuhin. At dahil ako ang punong abala kailangan ako din ang mag asikaso sa pag imbita at pagplano ng sorpresa kasama ang pamilya ni Jovs at ibang kaibigan namin na wala dito sa Army team kaya naman ngayon pa lang ay uumpisahan ko na dahil 1 week nalang ang natitira sa amin.

Mabilis akong nag ayos at nagbihis para pumunta sa cafe ni Aby. Dun ko sila titipunin para pag usapan ang plano sa birthday ni Jovs. Matapos akong mag ayos ay humalik lang ako sa pisngi ni Jovs at nagmamadali ng umalis. Sobrang excited ko talaga para sa birthday suprise na ito. Sa tagumpay din kasi nito nakasalalay ang lovelife ko. Plano ko na din kasi mag confess kay Jovs sa araw na yun. Sa tingin ko yun na ang perfect time para magkaaminan na kami sa tunay naming nararamdaman. Lalo na ngayon at nararamdaman kong nahuhulog na uli sakin si Jovs. Kagabi nga kung di lang biglang binuksan ni Ate Joanne ang pinto siguradong nauwi na sa halikan yung pagtitigan namin habang nakatayo kami sa tapat ng pinto. Sobrang nanghihinayang pa din ako pag naiisip ko ang naudlot na "kissing scene" namin. Kaya naman gagawin ko ang lahat para maging maayos ang birthday surprise na to para naman masigurado kong muli kong matitikman ang matamis na halik ni Jovs na matagal ko ng inaasam.

Pagdating ko sa Tyang Aby's Cafe ay sina Aby at Dindin palang ang naabutan kong nandun. Sila ang aatasan ko para asikasuhin ang pag imbita sa Petron Team at sa mga kasamahan namin sa National Team na nagrepresent sa Pilipinas nitong nakaraang SEA Games. Maya maya ay dumating na din si Aiza na sya namang aatasan ko na mag imbita sa mga kapwa nila Ilongga na nandito din sa Manila ngayon. Kasunod ni Aiza ay ang pagdating naman ni Iya na sya namang mag aasikaso sa pag imbita sa mga taga Air Force. At ang pinaka huling dumating ay sina Remy na mag iimbita ng taga FEU at Sarah Jean ang kapatid ni Jovs na sya namang mag iimbita sa mga kapamilya at kamag anak nila. Masayang masaya naman ako dahil kahit papano ay naging maayos ang unang meeting namin ng mga kakuntsaba ko. Kung magtutuloy tuloy lang ito ay sigurado kong magiging maayos at matagumpay ang birthday surprise ko kay Jovs.

Makalipas ang halos isang linggo ay naging sobrang abala ako sa pag aasikaso sa birthday surprise kay Jovs kaya naman halos hindi na kami nagkikita. Pabor din naman sakin yun dahil di ako sanay na naglilihim kay Jovs at baka mahalata nya din na may tinatago ako sa kanya kung magkakasama kami ng matagal ngayon kaya sinasamantala ko na din ang pagiging busy ko para pansamantalang makaiwas sa kanya. Minsan nga ay nararamdaman ko na ang pagtatampo nya pag tinatawagan nya ko at sinabi kong di ako makakauwi ng maaga. Naisip ko nalang na kailangan lang namin tiisin to kahit 1 week lang at babalik na din sa dati ang lahat. O kung seswertihin pa nga ay baka mas maging malapit pa kami kung tatanggapin nya ko at maging girlfriend ko na sya.

Pag naiisip ko ito ay parang nawawala lahat ng pagod ko sa pag aasikaso sa birthday nya. Kung tutuusin ay sobrang busy ko din naman talaga sa volleyball at modelling career ko pero talagang hinahanapan ko ng paraan na maasikaso ko ang birthday ni Jovs dahil gusto kong mapasaya sya ng sobra at talagang maramdaman nya kung gaano sya kaespesyal sakin. Buti nalang at bukas na ang birthday nya kahit papano ay matatapos na din ang pag iwas ko sa kanya. Miss na miss ko na kasi sya at gusto ko na uli sya parating makasama.

-------------------

Jovs' POV

Isang linggo ng gulong gulo ang isip ko. Isang linggo ko na kasing nararamdaman na parang iniiwasan ako ni Ate Chel. Mula nung gabing mag date kami at muntik ng magkahalikan ay naramdaman ko ng lumalayo na sya sakin. Nung sumunod na araw kasi non ay hindi ko na sya naabutan sa barracks kahit na hapon pa naman ang training nya samantalang noon ay lagi kaming nagba-bonding muna pag weekend bago kami pumunta sa kanya kanyang training namin. Tapos buong maghapon syang wala at nung umuwi naman ay natulog lang agad kaya di na kami nakapag kwentuhan man lang.

Girl Crush (GonzaQuis)Where stories live. Discover now