Chapter 10

1.1K 29 1
                                    

Rachel's POV

Ilang linggo na din ang lumipas mula ng magkasundo kami ni Jovs na mag-iwasan. Ilang linggo ko na din halos patayin ang sarili ko sa trabaho para lang matakasan ko ang lungkot na mabuhay ng di ko man lang makita o makausap si Jovs. Ewan ko ba kung tutuusin naman dahil din sakin kaya kami nag iiwasan pero bakit parang mas apektado ako? Bakit pakiramdam ko mas nahihirapan ako? Kaya nga ngayon kahit na nagsimula na naman kami ng training para sa bagong season ng Superliga ay tinatanggap ko pa din lahat ng mga photoshoot at endorsement na inooffer sakin para lang wag ako mabakante. Dahil pag wala akong ginagawa ay di ko maiwasan na maalala sya. At pag naaalala ko sya ay namimiss ko sya ng sobra. Kaya mas pinili ko nalang na mapagod sa trabaho kesa naman mapagod ako sa pangungulila ko sa kanya.

Tulad nalang ngayong araw na to, dumaan pa muna ako sa isang photoshoot kaya ngayon ay nagmamadali akong makarating sa lunch meeting namin ng team. Buti nalang at hindi traffic kaya kahit papano nakarating naman agad ako sa restaurant.

"Ang tagal naman nila coach nagugutom na ko!" yan ang narinig kong reklamo ni Mayette habang papasok ako sa restaurant.

"Hi girls!" nakangiting bati ko sa kanila. Kanya kanyang bati din naman sila sakin.

"Ate buti dumating ka na. Malapit na din daw sina coach." sabi sakin ni Jen.

"Naku buti pala naunahan ko sila. Galing pa kasi ako sa photoshoot ko sa Makati kaya ako natagalan." paliwanag ko naman. Mukang bukod kasi kina coach eh ako nalang ang hinihintay.

Tumabi ako kina Dindin at nakipag chikahan sa kanila. Medyo matagal din kaming di nagkitakita. Makalipas lang ang ilang minuto ay dumating na din ang buong coaching staff at may kasama sila. Ang imports namin ngayong season na sina Erica at Rupia. Ngayon ko lang sila nameet pareho dahil kakadating lang ni Erica 3 days ago at si Rupia naman kagabi. Ito ang first team lunch namin with them.

"Hi girls! Pasensya na medyo na-late kami matraffic kasi. Nga pala kasama ko na sila." nakangiting tinawag ni Coach George ang mga imports palapit sa mesa.

"I'd like you all to meet our new import, Rupia Inck."

"Hi everyone it's so nice to finally meet you all." nakangiting bati ni Rupia at isa isa din kaming nagpakilala.

"And of course all of you know her already. The great Brazilian setter is with us again." di na pinakilala ni Coach George si Erica sa amin dahil bukod samin ni Aby ay kilala na nya lahat ng players. Akala siguro ni Coach ay nakasama ako kahapon kina Erica at Aby na mag bonding.

"Wait coach I haven't met one of them yet." biglang sabi naman ni Erica ng akmang papaupuin na sila ni Coach sa pwesto nila.

"Really? Who?" takang taka naman si Coach. Nalimutan nya ata na nagpaalam ako sa kanya nung isang gabi na di ako makakasama kina Aby kahapon.

"The pretty girl beside Dindin. I'm guessing you are Rachel right? It's so nice to finally meet you. I'm Erica." lumapit pa sya sakin at nakipagkamay at nagbeso.

"Nice to meet you too Erica! Sorry I wasn't able to spend the day with you and Aby yesterday as planned because I have a prior commitment to attend to." paliwanag ko sa kanya. Grabe sobrang ganda nya sa malapitan!

"It's ok. Aby mentioned to me that you are also an in demand model aside from being an athlete so I really understand your tight schedule." nakangiti sya sakin habang sinasabi ito at napatulala naman ako. Bakit ba sobrang ganda ng babaeng to?

"Erica since you didn't get a chance to bond with Rachel yesterday why don't you just sit beside her. Dindin can transfer here in your seat." suggestion naman ni Coach na mabilis na sinunod nila Erica at Dindin.

Buong lunch ay napakadami naming napag-usapan ni Erica. Napakagaan nyang kasama. Nakikita ko na tahimik lang sya pero masarap syang kausap. Naalala ko si Jovs sa kanya. Parang pareho sila ng ugali.

Pareho pang maganda

Eksena ng konsensya ko. Pero totoo naman. Pareho silang sobrang ganda. Yung tipo ng ganda na di nakakasawa, habang tinititigan lalong gumaganda ganon!

Hanggang sa matapos ang lunch at tumambay kami sa katabing coffee shop ay halos kami lagi ang magkausap though napapansin ko din na kanina pa sya may katext at napapangiti pa habang binabasa ang messages nya. Baka kapamilya nya yun at miss na miss na nya. Pero bukod dun ay halos nasakin talaga ang buong atensyon nya. Mukang ok lang din naman sa mga ka-team ko kasi kilala na nila si Erica lahat kaya ngayon si Rupia naman ang mas kinikilala nila.

"Nga pala girls get ready. Sunod sunod na ang practice natin sa mga susunod na araw para dun sa AVC Women's club championship." sabi samin ni Coach.

Next week kasi ay lilipad na kami papuntang Vietnam para sa event na yun. Excited na kinakabahan ako. Sana lang ay mag-jell kaagad yung team kasama sina Erica at Rupia para kahit papano ay maging maganda ang performance namin.

Patapos na kami magkape ng maisipan kong yayain si Erica. Parang bitin pa ko sa usapan namin ngayon at gusto ko pa syang makasama. Free time naman namin ngayon dahil wala naman kaming training pero nireserve na namin ang araw na to para sa team. Kaya lang yung iba ay may kanya kanyang lakad dahil sunday at family day.

"Hey Erica if you're not busy tonight would you like to join me for dinner?" lakas loob na tanong ko sa kanya.

"I'd love to but I can't. I'm sorry Rachel I already have plans for tonight." nagulat naman ako sa sagot nya dahil di ko inexpect na may ibang lakad na sya agad kahit kadarating nya palang dito. Sabagay siguro ay may mga naging kaibigan na din sya dito nung unang naging import sya ng Petron last year kaya malamang sila yung kasama nya.

"She's busy tonight Rachel date me instead. I have nowhere else to go after this." nakangiting presenta naman ni Rupia.

"Sure sure let's bond tonight since these girls took all your time and attention this afternoon." pabirong sabi ko naman pero medyo nahiya din ako kay Rupia na kinailangan pang sya ang magpresenta para lang yayain ko sya. Masyado kasi akong nakafocus kay Erica. There's just something about her that really draw me into her.

Kaya naman bago kami naghiwahiwalay ng hapon na yun ay sakin na sumabay si Rupia. Masaya din naman syang kasama at kausap kaya agad ko syang nakapalagayang loob. Pero di ko pa din maiwasang manghinayang na di ko nakasama si Erica ngayon. Kahit kasi sobrang nag eenjoy naman ako kasama si Rupia ay di ko maikakaila na may kulang. At yun ay ang connection. Iba ang connection namin ni Erica basta hindi ko maipaliwanag. Di bale marami pa namang pagkakataon na magkakasama kami sa mga susunod na araw lalo na pag nagpunta kami ng Vietnam sigurado halos 24 hours a day eh magkakasama kami. Napangiti naman ako sa isiping ito. Mas lalo ata akong naexcite sa pag alis namin. At after a long time, ngayon lang din ata ako naging masaya. At dahil yun kay Erica.

Girl Crush (GonzaQuis)Where stories live. Discover now