"How come you've agreed?" Tanong niya.

"Kailangan po 'eh. Kasi binantaan ako ng abogado ni kuya William na kung hindi ako papayag ay hindi ko na makikita si Gabriella at ipapalaglag ang bata."

Nagbago ang timpla ng kanyang mukha "Kuya would never do that." Matigas niyang sabi.

Natahimik nalamang ako dahil mukhang walang sinabi sa kanya si kuya William na ganoon nalamang nila ako bantaan.

"He will never ever say that. He's not that kind of man. You believe that?"

Hindi ako umimik dahil para saan pa? Kahit saan anggulo tingnan, ako ang mali sa sitwasyon.

"Wag mong sasabihin ulit yan kung gusto mo siraan sa akin si kuya. Kapatid namin siya at kami ang nakakakilala sa kanya. You ruined my sister's life. She's so young and carrying three babies in her womb. Can you believe that?"

Sa tono ng boses niya, oo galit na siya pero mahinahon siyang kausap.

"Wala na tayong magagawa. We will just stick to the plan. It's still nice to meet you dahil kahit papaano stable ang mental health ni Gabriella. Kung wala ka dito, for sure she is miserable."

Humarap siya ng tuluyan sa akin "So be thankful that my brother let you come in here. Let's just be civil." Nag offer siya ng hand shake kaya agad ko naman binalikan.

Iniwanan niya ako at napapikit nalamang ako.

Napagdesisyunan kong pumunta sa kwarto namin. Nag shower agad ako at paglabas ko ay may tumatawag sa cellphone ko.

Si Kiko.

Agad akong napangiti.

Ilang araw din akong hindi nakakatawag sa kanila dahil abala ako sa pagpaplano ng kasal namin ni Gabriella. Ang mga tawag nila ay hindi ko nasasaktuhan kaya naman wala na talaga akong balita sakanila.

Buti na lang tumawag, maibabahagi ko sa kanila ang nangyari ngayon.

"Hello Kiko!! Kumustaaaaa?" Masigla kong bungad.

["Kuya..."]

Biglang napalitan ng pag aalala ang mukha ko dahil sa boses niyang umiiyak "Bakit? Bakit? Bakit ka umiiyak Kiko? May problema ba?"

["Kuya, bakit ngayon ka lang sumagot?"]

Lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa pag iyak niya "Kiko ano ba! Anong problema?!"

["Kuya..kasi si inay...si inay.. Nasa hospital ngayon... Noong isang araw pa kuya.."]

Parang nanghina ang tuhod ko kaya napaupo ako sa kama namin ni Gabriella "Bakit? Anong nangyari kay inay?"

Panay ang hikbi niya kaya pinakalma ko muna siya. Walang mangyayari kung pareho kami nag papanic.

["Kasi kuya noong isang araw, nang nasa isdaan siya, bigla nalamang raw nanghina si inay at natumba at nawalan ng malay sabi ng katabi natin sa pwesto. Idinala siya sa hospital, tapos nadatnan ko nalang doon si kuya Hens at manang Helen."]

["Ang sabi ng doctor ay matagal na daw iniinda ni nanay ang sakit sa ulo. Hindi daw ito bumalik pagkatapos magpa check up ng isang beses."]

Napapikit ako. Nagsisimula ng tumulo ang luha sa mga mata ko.

["Kiko..si Kent ba yan?...Opo...Ako na kakausap, bumalik ka na doon..Kent.."]

Pigil na pigil ako humagulhol "H-hens.."

["Gago ka ba? Simula kahapon pa kami tumatawag sayo di mo sinasagot. Okay ka lang ba diyan?"]

Napasinghot ako at napalunok "Si inay?"

Runaway Dad (Under Revision)Where stories live. Discover now