Chapter 16 Hard To Say I'm Sorry

Start from the beginning
                                    

Huminga ako ng malalim pagkasara ko nung pinto. I can see that my mom's also in pain right now.

At para di na siya masyado mag-alala, pinilit ko na lang ubusin yung pagkaing dinala niya para sa akin.

KINABUKASAN, first day of school for this new semester, I tried to hide my true feelings... my pain. Matagal ko ding pinag-praktisan iyon sa harap ng salamin kaninang umaga.

"How's your research, Miss Mendez?" Tanong sa akin ni professor Manansala ng dumating yung period niya.

"Done, ma'am." Sagot ko.

Kahit di natapos yung research ko sa hacienda nila Alexandra, nag research na lang ako thru internet tungkol sa mga negosyo ng Montalban at pati na yung tungkol sa plantasyon nila sa Balayan, Batangas na hindi na namin napuntahan dahil nga sa nangyari.

"Where is it?" She asked. "I wanna see it."

"Wala pa pong pirma ni Ale-... Miss Montalban yun tita." Si Athena ang sumagot sa tiyahin.

"Alright." Buti na lang pumayag ito na sa Thursday ko na lang yun ipapasa para mapapirmahan ko pa yun kay Alex.

"Paano mo papapirmahan yun ngayon kay Alexandra?" May simpatyang tanong ni Penelope sa akin nung nasa cafeteria na kami. Lunch break.

"Ikaw kasi dapat ang sisihin dito eh!" Sabi naman ni Sofia kay Athena.

Sasagot na sana si Athen pero pinigilan ko siya. "It's nobody's fault." Malungkot na saad ko. No need to hide in front of my bestfriends. "It's all my fault, actually."

"Pero..."

I raised my hand to cut Athena's. "I have to go back there to secure her signature."

"Do you want us to come with you?" Tanong ni Penelope. "Just in case..."

Umiling ako. Problema ko na 'to ngayon. I have to face it... alone. "Kaya ko naman na 'to." I assured them.

"Just tell us what you need, okay?" Nakakaunawang sambit ni Sofia.

Ngumiti ako ng pilit kay Sofy. "Thanks, Sofy."

Niyakap niya ako. Lumapit na din sina Penelope at Athena for a group hug.

The next morning, lumiban muna ako sa klase ko para bumiyahe papuntang Padre Garcia, Batangas. In-excuse naman nila ako dahil reasonable naman yung dahilan ko.

Hindi ako nagpa-appoint kay Alexandra dahil tiyak na irereject niya yun pag nalamang ako nagrerequest ng appointment with her. Hindi din ako sigurado kung papapasukin pa ako sa hacienda pagkatapos nung nangyari sa amin ni Alex. But I have to try my luck.

Kaya naman, nag lakas-loob ako ngayon na huminto sa bukana ng hacienda kung saan may checkpoint.

Ibinaba ko yung bintana sa tapat ko ng lumapit sa akin yung guard na nagtanong din sa akin dati.

Agad naman yata niya ako namukhaan. "Ay kayo po pala, ma'am Ara." Nakangiting bati niya sa akin.

Isang tipid na ngiti naman ang iginanti ko. "Gusto ko sana makausap si Alex eh." Magalang kong sabi at di katulad nung una na masungit ako sa kanya.

"Alam ba ho niya na pupunta kayo dito ngayon?" Tanong niya sa akin.

Should I lie?

"H-hindi." Sabi ko. "Kailangan ko kasi yung pirma niya dun sa niresearch ko dito sa hacienda." Paliwanag ko.

"Saglit lang po, ma'am Ara." Magalang na sabi niya sa akin. "Tatawagan ko lang po si ma'am Alex."

Wala na akong nagawa kundi tumango sa kanya. I nervously tap my fingers at the steering wheel. Tiyak na hindi siya papayag na makita pa ako ulit o di kaya makausap man lang.

Seducing AlexandraWhere stories live. Discover now