[3] - M e m o r i e s o f r a i n

4.5K 134 60
                                    

Pababa na ako ng hagdan at naabutan kong kumakain si Dray, hindi man lang ako tiningnan at parang hangin lang ako. Hindi ko pa nakikita ang parents niya na i-imagine ko tuloy kung anong klaseng pamilya ang meron siya, nag-iimikan pa kaya sila?




"Uso gumalaw, baka ma stroke ka lalo kang magiging bakekang" ito na naman ang pagiging PMS ng taong 'to.




"Che! Ang aga-aga puro ka pambabara, kakain muna ako" ako ang butler na kung umasta parang Young Lady din, pero totoo naman Young Lady ako pero hindi sa bahay na 'to.




Umupo na lang siya sa sofa at nagbasa ng dyaryo. Di ba siya naduduling? Like duh, ang liliit kaya ng sulat sa dyaryo o baka naman sadyang malabo lang yung mata ko. Hala baka naman porn ang binabasa niya sa dyaryo? Well, sinilip ko ng konti Philippine Daily Inquirer naman pala so safe naman pala.




"May event ngayon sa school diba?" bigla na lang siyang nagsalita, nakakagulat tuloy tapos nasa harapan ko na.





"Ahmm., oo foundation day ngayon. Bakit?"





"Wala, bilisan mo ayoko ng mabagal" napa face palm na lang ako at uminom na ng tubig, nakakabwisit sayang ang dami pa naman pagkain.





-=-





Nasa school na kami ngayon at mag-isa lang ako, asa naman sasama sakin ang evil prince ko na yun. Naka-upo lang ako sa isang tabi, kaso mukhang SPG yung nasa harapan ko isang kissing booth. Kung saan ang pasimuno ay si Bella.





Napangibit na lang ako, naka ilang gramo na naman kaya siya?





"Oy, nandyan ka pala. Gusto mo mag represent dito sa kissing booth?" sinamaan ko siya ng tingin.





"Niloloko mo ba ako? Hindi na bale 'no, ikaw na lang makipaglaplapan diyan sa mga lalaki mo"





"Okay!" masiglang sagot niya sakin, nakasuot siya ng isang maikling shorts na kulat puti at kulay pink na sando na hanggang pusod lang at kita mo talaga ang ganda ng isang heartbreaker of the town.





Nagpunta ako sa ibang booth, wala man lang cotton candy. Napadaan ako sa library at nakita ko si Dray nagbabasa na naman ng libro. Genius.





Ang dingding ng library ng Misaki University ay glass kaya kitang-kita mo kung sino ang masisipag at feeling masisipag.



Pumasok ako sa loob ng library at syempre umupo ako sa tabi ni Dray "Uubusin mo na lang ba ang oras mo sa pagbabasa ng libro?"




Tumingin siya sakin at sinara niya ang isang makapal na libro "Ikaw uubusin mo na lang ba ang oras mo sa pagiging nonsense?"




Tumayo na siya at ako naman napa-isip, nonsense ba ako? Bakit siya ba may sense?





"Hoy! Intayin mo ko!"





"Miss, bawal dito ang nakalunok ng microphone o kaya megaphone" napatingin ako sa librarian, parehas silang PMS ni Dray palibhasa kasi matandang dalaga at ako ayokong tumanda mag-isa kaya hahabulin ko muna ang pangarap ko!





-=-




"Bakit mo ba ako hinahabol?" singhal sakin ni Dray, sa wakas nakaramdam din siya.





"Bigla ka naman kasing nang-iiwan, diba sabi ko naman sayo wag mo akong iiwan" inirapan na naman niya ako, bakla ba 'to? Daig pa ako kung makapang-irap eh!





Napatigil kaming pareho nang kumulog, at bumuhos ang isang malakas na ulan. Nagtatakbo ako sa isang waiting shed samantalang siya naiwan sa gitna.





"Hoy! Hindi ka man lang ba sisilong?" sigaw ko sa kanya, nag smirk lang naman siya sakin. Nilalamig na ako, niyakap ko na tuloy ang sarili ko. My number one weakness is being alone, second is darkness and rain, sa tuwing umuulan di ako lumalabas kasi natatakot ako sa kulog at kidlat.





Unti-unting lumapit si Dray sakin ang inabot ang kanyang kamay "When the rain comes, enjoy it 'cause rain is happiness"





Napatingin ako sa kanya "C'mon don't be afraid"





Unti-unti kong inabot ang kamay niya at ngayon parehas na kaming nasa ulanan, kita ko kung gaano niya kagusto ang ulan. Natatakot ako pero ilang saglit lang inaabot ko na din ang kamay niya.





Hinawakan ko ang kamay niya at nagsalita "Don't leave me under this rain"





Nakita ko siyang ngumiti, "You look strong outside but the real you is weak inside"




Niyakap niya ako, sige pamukha pa niya sakin kung gaano kadaming bagay ang kinakatakutan ko.




"Why do you like this scenario?"





"Because someone thought me that I should embrace the rain" embrace the rain? Nagpapatawa ba siya? Kahit kailan di ako sumaya sa ulanan except sa araw na 'to kasi hindi ako mag-isa.





"And who's that someone?"





"My mom and..,









...her"





Napayakap ako ng sobrang higpit sa kanya kasi nangangatog na yung tuhod ko and things went black, hindi ko na narinig ang huli niyang sinabi.

I am Your Lady Butler [Revised 1-25]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon