CHAPTER 13 - Cheesy Moments at Kath's

Start from the beginning
                                    

Kath’s POV

Kayamot sya! Ang yabang mag-uupo sa couch namin ha! Sino ba may sabing pede sya tumungtong sa pamamahay ko, ha? Ang yabang!

Okay, sila mom at tita lang ang nag-uusap. Talagang sinabi pa ni mom yung about sa seperation nila ni Dad ha! Kainis! Naiinis lang ako lalo pa’t nadito rin yung mokong. Pati birthday ko ba naman nadamay. Pero okie langs, maganda naman yung mom ni DJ eh, mukhang magaling ngang mag-design. Ang ganda kaya ng dating nya sa outfit nya ngayon. Professional looking!

Makitawa ka na lang Kath ha… kahit ayaw mo sa kaharap mo. Kaharap ko kasi si DJ. Dun sya sa isang couch katabi ng mom nya while ako dun sa kabilang couch. I’m seated sa gitna nila kuya at mom. Ang awkward lang kasi wala sa amin ni DJ at kuya ang nagsasalita, mga mom lang namin, HAHA.

“Mommy, pano nga ba ulit kayo nagkita nitong si tita.” Ayun. Nagsalita si kuya, EPAL lang sa mga mommies. Kami na lang ni DJ ang walang imik dito infairness. Eh ano namang sasabihin namin or io-open-up na topic? Ooooh, wala talagang aamin na classmates kami :D? Na magkakilala na kami bago pa ako ipakilala ni mommy sa kanila :DD? Haha. Syempre hindi ako ang magsasabi nun! Kahit wag na ngang sabihin, okay lang eh :). Di naman mahalaga kung malaman nilang magkaklase kami.

“Ah. Onga pala, nung isang araw kasi, nagkasalubong kami ni tita Steph nyo sa kabilang street. Can’t believe dito din pala sya nakatira. Then, sabi nya she’ll visit the house. She’s my best friend since freshman year nung high school. Kaso, di na kami madalas nagkakita nung college. Huli nga pala kaming nagkita is nung baby ka pa lang Neil.”

“Ahh…” hayz. Si kuya oh…

“Ang laki na ni Neil ah. 2 yrs. old pa lang sya nung huli kong nakita. Ilang taon ka na ba hijo?”

“19 po.”

“Si Daniel, ilang taon na?” tanong ni mommy kay tita Steph

“16 na. mag 17 sya before college.”

“Kasing tanda lang pala sya ni Kath.” Okay. Habang nag-uusap sila mom at tita, I can’t help looking at DJ. He’s looking neat. Presentable… WHAT? Ano bang pinagsasasabi mo Kath? Ang labo ko! NO, NO… Di ako makatingin ng diretso sa mag-inang to. Sobra ko kasi kaharap si DJ. As in pantay kami at magkatapat talaga.

Wait---

--- tumititig ba sya sakin? Arrgghhh… Kayamot naman oh… Ang hirap iiwas ang tingin. Nakaka-insecure. Conscious na ko sa itsura ko. Help!!! Sa lahat ba naman, ayaw ko yung tinititigan!

DJ’s POV

Okay. Heto na. Katapat ko sya at pasulyap-sulyap sya sakin. Kala nya hindi ko yun napapansin ha… Titigan ko kaya ng tuluyan para sumuko na ‘tong babaeng to. Nag-uusap pa naman ang mga mommy namin eh… haha…. O____­­­­­____O

On the second thought, bigla tuloy akong nakapagsalita:

“Uhm. Ma, tita. Kung di nyo po alam eh... classmate ko si Kath sa school.” Sabi ko ng payabang, ako pa! Pumagitna pa talaga ako sa usapan ng matatanda no? Grabe. Proud-of-myself lang ako.

“Talaga? Kath, ba’t di mo pinapansin si Daniel?” sabi ni tita Mandy

“Onga.” dagdag pa ni Neil, ang kuya.

“Ha? Ah---eh….” Sabi ni Kath.

“Kasi po my kasalanan sya sakin eh.” Sabi ko nang pabiro. Eh sa hindi sya makasagot eh. Edi ako nalang ang sumagot! Tutal ako naman ang nag-open ng topic na yun! >.<

“Kasalanan? Anong kasalanan, ha?”sabi ni Kath. May balak pa atang tumayo toh ah. Ano, sasapakin ako? Halata namang pati sila tita, ma at Neil nagulat.

Coz I'm His BatgirlWhere stories live. Discover now