CHAPTER 6 - Feeling Close na Dj

791 8 3
                                    

This chapty's dedicated to her kasi idol ko siya! Go lang ate! <3

CHAPTER 6 – Feeling Close na Dj

A/N:

CONTINUATION PA RIN PO 2 NUNG FIRST DAY OF CLASSES. OKAY?

ANO KAYANG PINAGSASA-SABI NI DJ NA “Now’s the time.” HMMM…..

ENJOY READING PO! SANA NEXT TIME NO NEED TO REMIND YOU TO VOTE AND COMMENT. I REALLY WANNA BE INSPIRED EEH… PLISPLISPLIS… SOREE DIN KUNG MAHABA UNG MGA NANGYARI SA ARAW NA UN  NG STORY. ^_^

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Riiing! Recess na!

DJ’s POV

Now’s the time.

Nakaupo lang si Kathryn. Guess what? Nilapitan ko lang naman siya kahit katabi ko na. Tinabihan ko lang naman ng sobrang malapit.

Nang biglang---

---LUMAYO?

“Uy! Ba’t ka lumalayo?” Okay dedma ako. Eto talagang babaing to lagi nakong pinapahiya oh. Magso-sorry lang naman eh…

Kath’s POV

SI DJ, yung mayabang na nilalang na nakilala ko lang kanina, nilapitan ba naman ako? Okay Kath, diba lalayuan mo tong unggoy na to? Go lang!!!

Nilayuan ko lang naman siya at dinedma. Yes! Parang effective! Ilang saglit lang naglakad na kami ni Julia. Itu-tour daw nya ko. Heehee. :)

Julia’s POV

Lumabas na kami ni Kath kasi recess na. Bibigyan ko sya ng tour around the campus. I’m glad friend ko siya. We’re on the way to the canteen nang narinig kong sumigaw si DJ.

“Uy!” sabi ni Daniel.

“Kath. Ako ba ang tinatawag nya o ikaw?”

“Hah? Baka ikaw. Hindi naman ako nun masyadong kakilala eh.”

Nilapitan ko si Dj at...

“Uy. Bakit DJ?”

“Ah... Si Kath yung tinatawag ko.”

“O kath, ikaw pala tawag neto.” Sabi ko kay Kath na ilang steps ang layo samin.

“Ha? Ako?” pabulong na sigaw nya. Galing noh? Pabulong, tapos sigaw… HAHA.

“Oo.”

Iniwan ko muna sila at lumayo habang tinatanaw kung nandun ung super crush ko na si Diego.

Kath’s POV

“Ha, Ako?”

“Oo.” Sabi ni Julia

Lumayo muna si Julia at nag-usap kami ni Daniel. Ako agad ang nagsalita:

“Hoy. Kung akala mo nakalimutan ko na yung sa park, hindi noh?… At saka kung akala mo rin nakalimutan ko yung kanina....nung nagpapakilala ako sa unahan, nung uubo-ubo ka....alam ko namang peke yung ubo mo eh! >:\”

“Teka lang... Relax! Tinawag kita to say I’m sincerely sorry.”

Okay... Inhale.Exhale. Nakakatakot na siguro ang kilay ko… ganto na oh: \    /

Arrgghhh….

“Hinay-hinay lang ha Kath. Alam mo madali kang tatanda nyan.” Dagdag pa nya… At ang FC (feeling-close)pa nitong mokong nato ah.. Nakuu... talagang ginagalit nya ko...Sincere ba yun? Ayun. Nag-explain sya sakin. Sige, try ko sya unawain…

Coz I'm His BatgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon