Hinanap ng mata ko ang kotse ni Abby at di naman ako nabigo. Malapit na ito sa may likuan papuntang mansiyon. Tinapik ko ng mas malakas si Black at binilisan pa niya ang pagtakbo hanggang sa nasa likuran na kami ng kotse ni Abby.

Bumusina naman si Abby sa akin ng matapat na ako sa kanya. Sumaludo ako sa kanya bago pinatakbo pa ng mas mabilis si Black. Nauna pa kami nakarating sa bahay kaysa sa kanila. Agad ako bumaba mula sa kabayo at hinintay silang makahinto sa may drive way.

"Hi, Alex!" Masayang bati ni Abby sa akin pero bigla ding nawala ang kanyang ngiti ng makita ang itsura ko. "It's good to see you though..."

"Hey," Narinig kong bati sa akin ni Danielle na ngayon ko na lang ulit makita pagkatapos nung kaarawan ng mama niya last year ng makalabas siya ng kotse.

"Dani." Bati ko naman sa kanya at ngumiti ng tipid dito.

Halata sa itsura nitong may pinagdadaanang mabigat na suliranin. Nanlalalim din ang mga mata nitong wala yatang tulog.

"Okay ka lang ba?" May pag-aalalang tanong sa akin ni Abby na hinawakan pa ako sa balikat at sinipat ang mukha ko.

"Yeah." Sagot ko at pilit na ngumiti. "I'm fine."

Mataman niya akong tiningnan. Saka sinulyapan si Dani tapos ako tapos si Danielle ulit. Pinagpalipat lipat niya ang kanyang tingin sa amin. Kunot noo naman kami ni Danielle na nakatingin lang sa kanya. Minsan may pagka-weird din itong si Abby. Minsan din may tupak lalo na kapag di niya nakuha yung gustong gusto niya.

"Don't tell me pati ikaw bigo din sa pag-ibig?" May pagdududang saad sa akin ni Abby.

Di ako nakaimik. Ano naman kasi sasabihin ko? Hindi?

Halata sa itsura mo. Tuya ng isipan ko.

Kapag sinabi ko namang, oo, mangungulit pa ito. Kaya mas pinili ko na lang na manahimik.

"Alam niyo, kayong dalawa?" Turo niya sa amin ni Danielle. "Magtabi nga kayo." Sabi pa tsaka hinila sa braso si Dani at tinabi nga sa akin. "Kulang na lang yung may background music kayo na Where Do Broken Heart Goes?" May himig panunuksong saad niya.

Salubong naman ang kilay na napatingin sa akin si Danielle. Mas malaki ako sa kanya ng two inches. Tapos si Abby naman mga 5'8 or 5'8 1/2  lang siya yata.

"Ano ba pinunta ninyong dalawa dito?" Nakapameywang na tanong ko.

"Di mo man lang ba kami papapasukin sa loob ng bahay?" Wika ni Abby.

Nagpatiuna na ako na pumasok sa loob at dinala sila sa may sala. Tinawag ko si Aling Isla na ipaghanda sila ng mamemerienda. Prente namang naupo na si Abby at Danielle. Wala si nana Idad dahil all saints day naman ngayon kaya pinag day off ko muna para madalaw naman niya ang kanyang mga namayapang kapatid at magulang.

Umupo naman ako sa pang isahang upuan. Di rin nagtagal ay bumalik na rin si Aling Isla dala ang tatlong baso ng fresh orange juice at tinapay. Pagkalapag niya ng mga iyon sa center table ay agad din siyang magalang na nagpaalam.

"Ano problema mo?" Tanong ni Abby sa akin. "You know you can tell us."

"Di yata ako ang dapat mo tanungin." Sagot ko naman sabay kagat sa sandwich. "Si Danielle." Dagdag ko pa habang ngumunguya.

"Hay naku." Abby rolled her eyes. "Alam ko na ang problema niyan."

"Ano?" Curious na tanong ko. Though malimit ko makita si Danielle, ngayon ko lang siya nakitang ganyan. Palagi siyang masaya at masigla.

"Iniwan ni Camille." Sagot ni Abby.

"Sinong Camille?" Kunot noong tanong ko.

"My wife." Malungkot na sagot ni Danielle.

Seducing AlexandraWhere stories live. Discover now