Chapter 22: The Necklace

Start from the beginning
                                    

May nilabas siyang cupcake at ibinigay sa akin ang isa na mabilis ko naman tinanggap at kinain hindi ko mapigilang mamangha dahil sa sarap.

"Wow!" nasabi ko nalang dahil ang sarap talaga.

"Ikaw ang nag bake nito?" tanong ko at muling kumagat sa cupcake na hawak ko.

"Yes!" tugon niya at humiga sa tela pagkatapos ay pumikot.

Nakaka-tatlo na akong pagkain ng cupcake pero hindi parin ako nagsasawa. Mabuti pa siya dahil ang sarap niyang mag bake ng cupcake samantalang ako kahit ano ang gawin ko hindi ko talaga ma-perfect ang pagbe-bake ng cupcake.

Naalala ko na naman noong tinapon ni Drew ang cupcake sa harap ko na binigay ko sa kanga. Sobrang sakit ng naramdaman ko noon na para bang hindi ako makahinga  Pinaghirapan ko tapos itatapon niya lang sa harapan ko ng ganun-ganun lang.

Aaminin ko naman na hindi masarap ang cupckae na binigay ko sa kanya noon pero hindi naman ata tamang itapon niya lang sa harapan ko.

"I remember that girl." nakangiti niyang wika.

Tumingin ako sa kanya ng iminulat niya ang mata niya habang nakahiga parin at naka-patong ang ulo niya sa kamay niya at nakangiting nakatingin sa kalangitan.

Samantalang ako naman ay umiinom ng tubig habang iniintay ko ang sasabihin niya.

"Sinabi ko sa sarili ko na kapag nagkita ulit kami ng babaeng gusto ko tuturuan ko siya kung paano mag-bake." muli niyang sabi.

Umupo siya habang inaayos ang buhok niya. Hindi ko mapigilang tumitig sa kanya at aaminin ko na gwapo talaga siya. Tumingin siya sa akin at bigla niyang pinisil ang tungki ng ilong ko.

"Hindi siya magaling mag-gawa ng cupcake pero ramdam ko ang effort na ginugol niya para lang dun." nakangiti niyang wika habang nanatiling nakatitig sa mata ko.

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Bakit parang ako ang babaeng tinutukoy niya. Imposible! Sinabi niya na gusto niya ang babaeng 'yon kaya alam kong hindi ako ang babaeng tinutukoy niya dahil hindi niya naman ako gusto.

"Pero kahit hindi siya magaling mag bake ng cupcake mas lalo akong humanga sa kanya. Kasi sa dinami dami ng pwedeng bagay na ibigay sa taong gusto niya 'yong cupcake pa na ang naisipan niyang ibigay na  pinaghirapan niya."

"Who's that girl?" tanong ko at napansin kong biglang sumeryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin.

Iniwas niya ang tingin niya sa akin at tumingin sa kalangitan samantalang ako naman ay nakatingin parin sa kanya.

Ang lakas talaga ng kutob ko na ako ang tinutukoy niya. Hindi naman ako assuming pero 'yon talaga ang nararamdaman ko.

"Ako ba ang babaeng tinutukoy mo?" tanong ko.

Tumitig siya sakin habang seryoso ang mukha niya ng bigla akong makaramdam ng pagkailang dahil sa pagtitig niya. Bigla siyang tumango na ikinagulat ko.

"How? Bakit hindi kita kilala?" gulat kong tanong habang nanlalaki ang mga mata ko.

"Dahil busy ka sa kakatingin sa kanya. Kapag naman nag-iisa ka ang lalim ng iniisip mo kaya hindi mo ako napapansin. Kapag naman makakasalubong mo ako kay Drew ka lang nakatingin. Para akong invisible noon sayo." malungkot niyang wika.

"I'm sorry!" nakayuko kong sabi dahil hindi ko talaga siya kilala noon.

Hindi ko nga siguro siya napapansin dahil kay Drew lang ako noon nag focus dahil siya lang naman ang lalaking gusto ko noon.

"Okay lang 'yon." nakangiti niyang wika pero ramdam ko sa ngiti niya ang pagkadismaya.

"Paano mo nalaman na binigyan ko ng cupcake si Drew? Sinabi niya ba sayo?" tanong ko.

"Nakita ko ang nangyari dahil kasama niya ako ng araw na 'yon. Kahit isang sulyap sa akin hindi mo nagawa dahil naka focus ka lang sa kanya. Paano mo nga naman ako mapapansin noon kung ang nerd ko pa ng araw na 'yon." aniya.

"N-nerd?" gulat kong tanong habang nanlalaki ang mata ko.

Biglang may nag flashback sa akin ng sinabi niya ang salitang nerd. Don't tell me? OH MY GHAD!!

FLASHBACK 10 YEARS AGO~

Naglalakad ako sa canteen habang mag isa lang ako dahil ayaw kong makasabay ang babaeng 'yon na sobrang kinaiinisan ko.

Naaiinis ako sa tuwing nakikita ko siya. Simula noong nalaman kong kapatid ko siya bigla nalang uminit ang dugo ko sa kanya.

"ANO BA?!!" Inis kong sigaw dahil bigla nalang may sumanggi sa akin kaya natapunan ng juice ang uniform ko.

"S-sorry.." nauutal na sabi ng lalaking nerd na nasa harapan ko habang nakayuko.

Kahit na nakayuko siya alam kong ang panget niya kaya nga NERD diba? In short PANGIT.

"Sorry? Nang nagsorry ka ba nawala ba ang mantsa sa damit ko? I don't need your sorry. Get out of my sight dahil ang pangit mo." sabi ko at tinulak ko siya ng malakas kaya natumba siya sa sahig at nahulog ang salamin niya.

Nagtawanan ang lahat ng nakakita sa amin. Umalis ako sa lugar na 'yon habang kumukulo ang dugo ko tapos dumagdag pa ang nerd 'yon.

FLASHBACK END ~

Hindi ako makapaniwala na siya ang nerd na pinahiya ko dati. Kaya pala kilala niya ako dahil kahit na nerd siya noon napagmasdan ko ang mata niya na ubod ng singkit.

Nahihiya ako sa ginawa ko noon sa kanya. Kaya pala hindi ko siya nakilala noon dahil nerd siya at ayaw ko sa nerd noon.

Tumingin ako sa kanya at tinitigan ko siya. Masasabi ko lang na ang laki na talaga ng pinagbago niya dahil gwapo na siya at model pa.

"I'm sorry!" nakayuko kong sabi dahil nahihiya ako sa ginawa ko noon.

"Past is past." rinig kong sabi niya kaya tumunghay ako at tumingin sa kanya pero nakangiti lang siya.

"Salamt dahil sa'yo naisipan kong magbago. Noong pinahiya mo ako hindi ako nakaramdam ng anumang galit sa'yo. Natuwa pa nga ako dahil napansin mo ako kahit na sa gano'ng paraan." nakangiti niyang wika.

Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya dahil sa nagawa ko noon. Bakit hindi manlang siya nagtanim ng galit  sa akin noon kung gayong pinahiya ko siya sa maraming tao.

"I think this is yours." aniya at hinawakan ang palad ko at may nilagay na maliit na bagay.

"My necklace." sabi ko ng biglang tumulo ang luha sa mata ko.

Matagal ko na 'tong hinahanap dahil sa lahat ng pwedeng mawala 'tong kwintas na sobrang mahalaga pa sa akin. Iniingatan ko 'to dahil ang regalo ni Mom noong araw ng birthday ko.

This is my lucky charm kaya mahalaga 'to sa akin. Lumapit ako kay Henry at niyakap ko siya ng mahigpit habang patuloy parin sa pagtulo ang luha ko.

Aaminin ko na maldita pero hindi sa ibang tao. Yes! Sa babaeng 'yon lang naman ako maldita at sa mga taong ayaw ko. Ayoko nga magbait-baitan sa taong alam kong plastik.

"Salamat dahil iningatan mo ang necklace ko. Salamat talaga." sabi ko at mas hinigpitan ko ang ang yakap sa kanya.

Niyakap niya din ako at hinaplos ang likod ko. Sakto namang tumulo ang tubig sa kalangitan na sinasabayan ang pagluha ko.

"Let's enjoy the rain?" tanong niya kaya ngumiti ako.

Tumango ako at naghabulan kami sa gitna ng ulan. Nagpapasalamat ako dahil kahit na pinahiya ko siya noon hindi siya nagtanim ng galit sa akin.

Ang liit talaga ng mundo dahil muli kaming nagkakilala ni Henry kahit na masama ang pinaramdam ko sa kanya noon.

How I wish na siya nalang ang nagustuhan ko noon.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

AN: DREW or HENRY ??

VOTE COMMENT AND BE A FAN 💖

Alexandra's Revenge (PUBLISHED under PSICOM) Where stories live. Discover now