➳ 03

618 35 3
                                    

9:28pm

Napalingon si Kathryn nang marinig niyang bumukas ang back door ng bar. "Oh, bakit ka nandito?" Tanong niya doon sa lalaki bago humithit sa hawak niyang sigarilyo. "Mag s-smoke ka?"

"Meron ka pa ba dyan?" Tanong nito sakanya.

Kinuha ni Kathryn ang isa pang sigarilyo na naka ipit sa pigitan ng dibdib niya at inabot 'to doon sa mama. "Eto lang e, ok ba?"

Mahinang tumawa 'yung lalaki bago 'to kunin sakanya. "Pwede na 'to." Nilagay nung lalaki ang sigarilyo sa pagitan ng mga labi niya sabay lumapit kay Kathryn na may hawak na lighter para mapa sindihan 'to. "Salamat," aniya pagkatapos at umatras na para sumandal sa pader.

Saglit na tinignan ni Kathryn ang lalaki. Kanina lang ay para 'tong nawawalang tuta ngunit ngayon ay kung makapag sigarilyo 'to ay parang matagal na niyang bisyo. Napaangat nalang ang itaas na labi niya at tumalikod na para tignan ang paligid pati na din ang walang bituin na langit.

Syudad kasi eh, kaya patay ang langit. Para lamang 'tong isang itim na kisame. Mas mabuti pa sa probinsya. Naalala ni Kathryn nung time na nagbakasyon silang dalawa ni James sa dagat. Ilang oras silang nakatingin sa langit na para bang iyon 'yung una nilang beses na makakita ng bituin.

Napailing si Kathryn. Hindi na dapat niya iniisip ang ex niya na may pinalit na kaagad sakanya.

Pasikretong pinanood ni Daniel ang tattoo-ang babae. May nabuo na siyang storya sa kanyang isipan patungkol sa nangyari sa storage room, sigurado siya na similar 'to sa nangyari sakanya ngunit may kaonti lang na pagkakaiba. Hindi nga lang sigurado si Daniel kung ano ang mga pagkakaiba na 'yon at wala din naman siyang planong magtanong.

Hindi niya nga alam kung bakit siya lumabas eh. Ngayon tuloy ay kailangan niyang sumandal sa maduming pader na panigurado ay nagmantsa na sa polo niya. Pumasok nalang ulit kaya siya? Napakagat si Daniel sa kanyang ibabang labi at napakamot sa ulo dahil isang malaking parte ng isipan niya ang nagsasabi na 'wag na siyang bumalik doon sa maingay at mausok na lugar. Ayos na 'yung dito sa labas. Walang ingay, walang lasing, walang nakakahilong ilaw at walang may putok. Wala nga lang ding inumin at upuan.

Mahinang nagbuntong hininga si Daniel at tinignan lamang ang nakatayo at nakapameywang na babaeng naninigarilyo. Humithit ito at ibinuga pataas ang usok at sinundan 'to ng mga mata ni Daniel hanggang sa tuluyan ng maglaho. Doon na niya napansin ang kabuuan nung babae.

Nakasuot ito ng isang pula na maikling dress na natatapos sa ibaba ng pwet niya at nakaitim 'tong boots na hanggang tuhod. Nakalugay ang buhok niya at napakalambot nito sa paningin ni Daniel hindi niya maiwasang ikumpara 'to kay Sue. Tapos 'yung mga tattoo niya sa braso napaka gandang tignan, iba't ibang disenyo at sigurado si Daniel na may kanya kanya din itong kwento. 'Yung mukha niya ang jackpot. Napaka ganda, napaka kinis. Para siyang isang manika lamang. Pero hindi lang ang kagandahan nung babae ang napansin ni Daniel ngunit pati na din ang pagka tensyonado nito at ang maliit na kunot nito sa noo. Gusto niyang magtanong kung bakit pero hindi niya magawa, kaya't nanahimik nalamang siya.

Pinipigilan ni Kathryn ang kanyang galit at pagkagigil. Hindi siya sigurado kung gaano niya katagal 'tong kinikimkim ngunit ngayon ay parang gusto na niyang bumigay. Lahat ng problema niya ay umaapaw at natatapon na ngunit ayaw magpatalo ni Kathryn. Hindi niya bibigay sa galit niya.. hindiー naiyukom niya ang kanyang kamay at napipi ang ginagamit niyang sigarilyo. "Shit," mahina niyang mura bago itapon sa sahig ang sigarilyong hindi na magagamit.

"Miss," rinig niyang sabi nung kasama niyang lalaki. Nilingon niya 'to at nakitang iniaabot ang hindi pa nangangalahating sigarilyo. "Mukhang mas kailangan mo 'to kesa sakin."

Nag aalinlangang tinignan ni Kathryn ang sigarilyo. "Wala kang nilagay jan?" tanong niya para lang makasigurado dahil karamihan ng mga lalaki sa panahon ngayon, gagawin ang lahat maikama lang ang isang babae.

Natapataas ng kilay si Daniel sa tinanong sakanya. Ano bang iniisip nito sakanya? Manyak siya o ano? "Wala ah," sagot ni Daniel at para patunayan ito, muli niyang binawi ang sigarilyo at humithit siya. "See?" aniya bago ibuga ang usok.

Medyo umagat ang gilid ng labi nung babae dahil sa sinabi ni Daniel sabay tumango ito at tinanggap na ang sarilyo. "Salamat," sabi nito. Ngumiti si Daniel at tumango nalang bago mamulsa.

Sumandal siya sa maduming pader habang yung babae naman ay muli siyang tinalikuran. Hindi naman siya apektado. Sa totoo lang, mas gusto niya 'yon dahil tahimik. Nakakapag isip isip siya. Ngunit bago niya pa 'yun magawa ay biglang lumingon ulit sakanya ang babae at kinausap siya. "Anong storya mo?" tanong nito.

"Ha?"

Nagkibit balikat 'yung babae. "May problema ka, may problema ako. Tayong dalawa lang dito sa labas. Imbis na magmukmok. Kwentuhan nalang tayo," sabi nito sakanya. Itinagilid nung babae ang ulo niya at hinawi ang buhok niya papunta sa likod. Hindi magawang iwasan ni Daniel na hindi mapatingin sa mahaba nitong leeg at makinis na balikat. "Bakit ka nandito? Paskong pasko."

Ipinrocess ni Daniel ang sinabi nito sakanya at mahina siyang napatawa."Mag h-heart to heart tayo?" tanong niya.

Nagkibit balikat 'yung babae. "Wala na akong planong bumalik dun sa loob. Na bo-bored ako ngayon. Unless you got something better in mind?"

Pwedeng kang umuwi, naisip na isagot ni Daniel ngunit pinigilan niya ang sarili niya. Kapag umuwi ang babae, ibig sabihin kailangan niyang bumalik sa loob. O 'di kaya maghanap ng ibang mapupuntahan dahil shit, wala siyang planong umuwi sakanila ngayong gabi.

"Wala man lang ba tayong iinumin?"

Tinignan lang siya nung babae bago 'to dumiretso ng tayo at sinabing, "Good idea 'yan. Teka lang." At pumasok na pabalik ng bar.

Dumiretso kaagad si Kathryn sa likod ng counter. Naka salubong niya pa si Nadine na hindi siya magawang tignan ng diretso. Napa irap nalang si Kathryn at nilagpasan lang 'to. "Arisse!" sabi niya pagkakita niya sa ka-trabaho niya na nagpupunas ng baso.

"Oh, Kath. Sa'n ka galing? Dumami na customers. May kadarating lang na grupo. Ang baduy na ng music natin."

Inilapit ni Kathryn ang bibig niya sa tenga ni Arisse para marinig siya nito. "I'm sorry but I have to go."

"What?!" Gulat na sabi ni Arisse.

"I have to go!" Pag ulit ni Kath bago humiwalay sa kaibigan. Binigyan niya 'to ng isang apologetic smile at iniwan na para puntahan 'yung mga bote ng alak na nakalagay sa ilalim ng counter.

Nandoon si James ngayon at natigilan 'to sa paghahalo ng alak pagkakita sakanya. "Excuse me," sabi lang ni Kathryn bago umupo at hanapin 'yung bote ng Jack Daniel's. Ngumiti siya nang mahawakan na 'to sabay tumayo. Pinakita niya sa ex niya 'yung bote. "Paki sabi kay boss ibawas nalang sa sweldo ko ha?"

"Where are you taking that?" tanong ni James.

"Wala ka na dun," sagot niya bago 'to talikuran. "Bye, Arisse! Have a merry, jolly christmas!"

Iniisip ni Daniel kung ano ang iku-kwento niya sa babae. Sasabihin niya ba dito ang buong storya? Tss. Baka tawanan pa siya. Napaka angas nung babae. Hindi 'yung nakaka inis na angas, kundi 'yung nakaka intimidate. Napaka pranka niya. Hindi parin talaga makapaniwala si Daniel na nagtanong 'to sakanya kung may nilagay ba siya doon sa sigarilyo. Pano kaya tumakbo ang utak nun? Pero.. kahit ganun, gusto niya paring marinig ang sasabihin nito tungkol sa nangyari sakanya.

Umalis sa pagkakasandal si Daniel nang muling bumukas ang pinto sa likuran ng bar at lumabas na 'yung babaeng tattoo-an. "Let's go?" aya nito pagka tama ng mga mata nila.

"Sa'n punta?" nagtatakang tanong ni Daniel.

Ngumiti 'yung babae at napamura si Daniel sa isipan niya dahil sa sobrang ganda nito. "Lakad lakad sana. Game?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 11, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Santa's Naughty ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon