➳ 01

2K 55 2
                                    

8:09pm

Iginalaw ni Kathryn ang kanyang katawan kasabay ng malakas na patugtog sa loob ng Poison Ivy, isang maliit na bar na matagal na nyang pinapasukan. Itinaas niya ang dalawa niyang kamay at sinabayan ang hiyaw ng mga customer bago laksan ang volume ng stereo.

"Kath! Isang Long Island!" malakas na sabi ng kaibigan niyang si Arisse sa kanyang tenga.

"Ok!" sagot niya ng may kasamang tango at thumbs up bago lumapit sa counter at kumuha ng shaker. Nakapatong na sa harapan niya ang iba't ibang klaseng alak kaya isa isa niya nalamang itong inilagay sa shaker na may lamang yelo.

Nakangiti siya at sumasayaw sayaw parin habang ginagawa ang Long Island drink para sa isang customer. May mga taong naka sandal lamang sa counter, either naghihintay ng order nila o 'di kaya'y naisipan nalang na doon tumambay. Hindi napapansin ni Kathryn ang mga namamanghang tingin nitong mga ito sakanya. Mahirap naman talagang hindi siya titigan at panoorin, maski ang ilang tattoo niya sa braso ay nakaka attract.

"Long Island!" Malakas na sabi niya habang isinasalin ito sa mataas na baso. "Kanino 'to?"

May isang lalaking nagtaas ng isang daliri at nakangiting iniabot sakanya ni Kathryn ang inumin niya. Nagbayad ang binata sakanya at tumango.

Bumalik na si Kathryn sa ginagawa niya kanina. Nagpunta siya sa laptop niya at pinalitan ang patugtog bago itaas ang dalawang kamay niya at sumayaw ng parang walang ibang tao sa paligid niya.

Sa labas, mga ilang kanto pa ang layo ay mabilis na naglalakad si Daniel. Naka yukom ang dalawa niyang kamay at kung nakakatunaw lang ay titig niya ay matagal nang nabutas ang nilalakaran niya sa sobrang sama ng tingin niya dito.

Kakaalis niya lamang ng bahay ng magulang niya kung saan nagkaroon ng isang family dinner. Doon dapat siya magpapasko at matutulog ngunit nang makita niya si Sue na nakikipag tawanan sa kapatid niyang babae na para bang hindi sila naghiwalay at hindi niya 'to nakitang may kasiping na lalaki sa mismong apartment nila, sa kama pa talaga nila, ay nasira na ang buong gabi para sakanya.

Nagtagis ang bagang ni Daniel nang umulit sa isipin niya ang nangyari kanina sa dining room.

"Anong ginagawa mo dito?" malamig na tanong ni Daniel kay Sue.

Natigilan ito at napatitig sakanya. Kitang kita ni Daniel ang sakit sa mga mata nito at mas lalo lamang umakyat ang dugo niya.

"Daniel, bakit ganyan mo kausapin ang fiancé mo? Umupo ka na anak para makakain na tayo." Malumanay na sabi ng ina ni Daniel ngunit wala itong nagawa para pakalmahin ang nagwawala niyang puso.

"She's not part of the family," sabi ni Daniel sa pamilya niya na namilog ang mga mata sa pagkabigla. Itinutok ni Daniel kay Sue ang nag aapoy niyang titig. "Not anymore and never will be."

Napatigil si Daniel sa paglalakad at napahilamos sa kanyang mukha. Napansin niyang nanginginig ang kanyang mga kamay at kahit ilang linggo na ang nakalipas, nasasaktan parin siya sa nasira niyang relasyon. Lahat ng galit at sakit ay bumalik sa loob ng isang segundo lamang.

Sa araw ng pasko pa talaga.

Babalik ba siya? Panigurado ay nandoon parin si Sue, umiiyak sa nanay ni Daniel at gumagawa ng sarili niyang istorya. Lalo na't hindi niya nasabi ang rason ng paghihiwalay nila. Pumameywang si Daniel at napamura sa sarili. Dapat sinabi niya, dapat inunahan na niya 'to ngunit pinigilan niya ang sarili niya at umalis na lamang dahil ayaw niyang madamay pa ang buong pamilya niya sa sarili niyang problema. Panigurado'y masisira din ang pasko nila kapag nalaman nila ang totoong nangyari kaya't mas maganda ang ginawa niyang pag alis.

Santa's Naughty ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon