Nakita ko ang laptop ko at nakapatong dito ang maingay na cellphone ni Kyle sa ibabaw ng drawer.

Agad kong nilapitan yun at binasa ang mga dumating na messages. 6am ang oras na dumating ang mga messages.

At isang number na hindi nakasave ang nagregister.

"I still love you, Kyle."

"Please, let's meet."

"Kyle, I need you back. You don't need that Maiah. You only need me. She's a trash compared to me."

3 ito sa mga messages na pinadala ng nahuhulaan kong sender. Damn it! Nanggigigil ako sa kanya ngayon. Gusto niyang balikan si Kyle, pero sinaktan-saktan niya. Ang tanga lang, di ba? Ibinulsa ko ang cellphone ni Kyle, at agad na binuksan ang laptop.

Pero napakunot-noo ako ng naging black screen lang ang computer ko matapos mag-start up ng windows.

Ano to? Navirus?!

"Shit! What's happening?!" takang tanong ko.

Lumapit sila Tony. At nakita ang nangyayari sa computer ko.

"Mukhang hinack din nila ang computer mo at nilagyan na nila ng virus. Hawak na nila tayo ngayon, Maiah." komento ni Tony.

Nalingon ko siya. "At papayag na lang ba tayo na magpahawak sa kanila?! Damn! Yung mga computer niyo, pwede bang magamit?"

Umiling silang 3. "Ganyan din ang nangyari sa computer namin. Tinatry ng ayusin ng IT team ang problemang to, pero masyado daw magaling ang gumawa nito. Kaya hanggang ngayon, inaayos pa nila." paliwanag ni Greg.

Napukpok ko ang keyboard ng laptop ko. Shit! Shit! Shit!

Ano'ng nangyayari sa team namin?

"Ano bang pro---"

Pero natigilan ako ng may marinig akong ingay mula sa computer ko.

Bigla na lang may nagpop-up na multimedia window.

At natutop ko ang bibig ko ng bumungad sa akin ang pasa-pasang mukha ni Kyle! Nakabusal ang bibig niya at malalakas na tawanan ang naririnig kong background ng mga myembro ng sindikato na walang awang pinapaulanan siya ng suntok.

Fuck! Mga walang hiya! Nadudurog ang puso ko habang pinapanood ko ang video. Ano ba talagang rason bakit nila ginagawa ito?

Muling sumungaw ang luha ko ng makita kung gaano nahihirapan ang mahal ko sa lagay niya. Nakatali rin ang mga kamay niya kaya wala talaga siyang kalaban-laban.

Muli kong naalala ang mga sinabi niya kagabi. Ang mga paglalambing niya. Sana pinagbigyan ko na lang pala siya kagabi. Sana hindi ko na lang siya inaway. Sana hindi ko na lang siya sinungitan. Sana di na lang ako natulog at magdamag na lang  siyang binantayan. Hindi mangyayari to kung hindi sa kapabayaan ko! Ako ang bodyguard niya, ano pa bang silbi ko?!

Hindi ko na napigilang mapaiyak. Nakabig ako ni Greg para aluin.

Pagkatapos nilang pagsusuntukin ang walang kalabang-labang mukha ng mahal ko, inilublob naman nila ito ng makailang beses sa drum ng tubig.

"Shhh... Tama na, Maiah." sabi ni Greg.

"H-Hindi ko na kayang panoorin. Please." at panay pa rin ang punas ko ng mga luhang walang tigil sa pagbagsak.

"Hindi pwede, Maiah. Alam nating lahat na may dahilan kung bakit mo nareceive ang video na yan. Kung para yan sa buong team, kanina pa nareceive yan ng isa sa amin. Pero hindi eh. Ikaw lang ang pinadalhan. May dahilan kung bakit ikaw ang gustong makapanood. Ang makakita. Baka may maibigay din silang impormasyon tungkol sa lokasyon niya ngayon." seryoso pa rin si Tony habang hindi inaalis ang tingin sa screen ng laptop.

Wala na ang gwapong mukha ni Kyle. Puno na ito ng pasa at sugat. Panay din ang tulo ng dugo mula sa sulok ng labi niya.

Durog na durog na ang puso ko habang pinapanood ko ang brutal na video na to.

Natigil ang paglublob nila sa tubig kay Kyle. Pasabunot nilang itinaas ang ulo nito habang hawak ng mahigpit ang buhok niya na basang-basa na. Halata sa mukha niya ang sakit sa pagsabunot, at sa sari-saring sugat na tinamo niya.

"M-Ma---i--a-h." hirap na hirap siyang banggitin ang pangalan ko. At alam kong humihingi siya ng tulong, pero wala akong magawa. Wala akong magawa para sa kanya dahil wala ako sa tabi niya. Ni hindi ko man lang siya maipagtanggol. Unti-unting humihiwa yun sa puso ko. This is all bullshit. Pagbabayaran nilang lahat ang ginawa nila.

"K-Kyle." nanginginig na ang boses ko. Hindi lang sa sakit, kundi sa galit din.

Tumawa ang isa sa 3 lalaking nakabonet, na ayaw pa talagang ipakita ang mga hayop na mukha. Makikita niyo, mamamatay din kayong lahat.

"Alam naman naming pinapanood ka na ng girlfriend slash bodyguard mo, Kyle Martin. At sigurado kaming gigil na gigil na yang magpakitang gilas kay Boss. Ewan ko ba kung bakit hindi ka na lang patayin agad! Eh pera lang naman ang pakay namin!" at muling tumawa.

"Mga hayoop kayo!" hindi ko na talaga mapigilan ang galit ko. Umalis ako sa tabi ni Greg at hinawi si Tony sa harap ng screen. Agad kong pinunasan  ang mga luhang nagbabagsakan pa rin. Pero wala ng puwang ang mga ito ngayon. I need to be strong like before. I need to find a way for Kyle. He doesn't need a weak like me. He needs to be saved. And I'm not going to die until I make him safe. Hindi ako ang Maiah na nagpapatalo na lang basta-basta. Lalaban ako. Lumalaban ako lalo na para sa lalaking mahal na mahal ko.

Lungayngay na ang ulo ni Kyle, alam kong nawalan na siya ng malay. Pakakalmahin ko ang sarili ko pero wag na wag nilang papatayin si Kyle, dahil sisiguraduhin kong mauubos ang buong sindikato nila. Pangako. Uubusin ko.

"Makinig ka, Maiah Ramirez... Bago namin patayin ang boyfriend mo sa harapan mo, gusto ka daw makausap ng Boss namin. Maghintay ka ng impormasyon para sa address. At huwag na huwag kang magkakamaling magsama ng kateam mo o kahit sino pa. Ikaw lang ang gustong makausap ni Boss. Ikaw. At wala ng iba. At huwag na huwag mong susubukang magsama, dahil hawak namin ang network niyo, ang mga files niyo, at nata-track din namin kung nasaan kayo. Nakikita pa nga namin kung ano'ng mga ginagawa niyo, eh. Hawak na namin ang Elite Team. At sa ayaw at sa gusto niyo, susunod kayo sa High Class. Kaya kung ayaw niyong sumabog ng hindi oras ang safehouse na pinaglulunggaan niyo ngayon at ang bungo nitong lalaki mo, pupunta ka mag-isa." at biglang nagshut down ang laptop.

Oo nga. Hawak nila ang network namin. Kinuha nila lahat ng impormasyon, at nagset up ng High End network control and security. Kontrolado nila ang lahat. Plinano nilang mabuti ang pag-atake sa elite team. Wala kaming kawala, sabi nila. Pero hindi ako naniniwala. May paraan. At hahanapin ko ang paraan na yun. 

My BodyguardDove le storie prendono vita. Scoprilo ora