"Oo naman. Di naman ako galit sayo. Naiinis lang ako kasi sabi mo di ka na makikipagdate dun sa higanteng yun pero kahapon halos magkapalit na kayo ng mukha sa sobrang lapit nyo." naninikip ang dibdib ko pag naaalala ko kung gaano kalapit sa kanya yung higanteng yun kahapon.

"Hindi naman ako nakipag date sa kanya. Di ko naman alam na nandon din sya kahapon eh. Si Bolick ang nagsama sa kanya dun." paliwanag nito na para bang takot na takot na magalit ako sa kanya kaya naman hinaplos ko ang pisngi nya at ngumiti ako sa kanya.

"Sorry din na di ko naisip agad yun. Masyado lang akong nainis na halos di na sya umalis dun sa tabi mo." alam kong wala akong karapatan na pagbawalan sya makipaglapit kahit kanino pero di ko talaga mapigilan ang inis ko pag nakikita ko syang kasama si Rey.

"Ikaw kasi ayaw mo ko pansinin kahapon lalo tuloy akong di makatakas dun sa tabi nya. Puro si Erica nalang ang inatupag mo." nakangusong sabi nito. Napaka cute nya talaga at hirap na hirap akong pigilan ang sarili ko na halikan sya.

"Sorry na nga promise babawi ako sayo." tinaas ko pa ang kanang kamay ko.

"Sinabi mo yan ha. Kung gusto mo bumawi mag dinner date tayo mamaya." sabi nito habang inaayos ang collar ng blouse ko.

"Sure yun lang pala eh."

"Siguraduhin mo yan Gonzaga ha. Pag ako inindian mo lagot ka sakin!"

"Pano naman kita iindianin eh magkasama tayo dito sa barracks. Sige na papasok na ko para matapos ko ng maaga yung mga trabaho ko." paalam ko na dito at palabas na sana ko ng kwarto ng may maalala ko. Bumalik ako at kinuha ang bouquet ng bulaklak at hinalikan ko sya sa noo.

--------------------------------

Lunch time na ay hindi pa din ako tumatayo sa upuan ko. Tambak ang mga reports na kailangan ko tapusin ngayon kaya naman di na ko sumama kina Ate Tina nung nagyaya sila mag lunch sa Barracks dahil pinagluto daw kami ni Ate Chel. Kailangan kong matapos tong mga trabaho ko dahil kung hindi malamang mapa-overtime pa ko mamaya at di pa matuloy ang dinner date namin.

Buti nalang at pinagbaon ako ni Ate Sha ng sandwich yun nalang ang kakainin ko mamaya pag nagutom ako. Dahil kanina pa ko nakababad sa pag gawa ng paper works naisip kong magpahinga muna kahit isang minuto para naman marefresh ang utak ko. Napatingin ako sa bouquet ng bulaklak at sa katabi nitong picture frame na nasa lamesa ko at napangiti. Ang picture na nasa frame ay selfie namin ni Ate Chel. Nakakawala talaga ng pagod pag nakikita ko ang ngiti nya. Tinitigan ko pa saglit ang picture hanggang sa may kumatok sa pinto ng opisina ko.

"Corporal Gonzaga may naghahanap po sa inyo." sabi ni Private Sta. Maria matapos sumaludo sakin.

"Di ba sabi ko di ako pwede tumanggap ng kahit sino ngayon? Ang dami ko pang kailangang tapusin na trabaho." sya ang tumatayong assistant ko at mahigpit kong pinagbilin kanina na bawal akong istorbohin.

"Kahit ako yung bisita bawal? Grabe ka naman Corporal!" biglang singit naman ni Ate Chel na di ko agad napansin na nasa may pintuan.

"Sige na Private Sta. Maria iwan mo na kami dito." utos ko at nagmamadali naman syang umalis sa opisina ko.

"Ang sungit mo pala pag nasa opisina ka." komento ni Ate Chel habang nililibot ang tingin sa loob ng opisina ko.

"Ano pala ginagawa mo dito?" tanong ko dito habang unti unting tinatago ang picture frame. Mahirap na baka makita nya pa to at kung ano pang isipin nya.

"Dinalhan kita ng lunch pati lunch ko dinala ko na para sabay tayo. Ayaw mo daw kasi sumama kina Ate Tina kasi busy ka sa work. Ano yang hawak mo?" patay! Napansin nya ang hawak kong frame at pinipilit tignan ito.

Girl Crush (GonzaQuis)Where stories live. Discover now