Hi! First time ko pong gumawa ng story. Hope you like it. Kung may mga typographical error, paki-comment nalang po.
This is a work of fiction. Names, characters, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or death, or actually events are coincidental.
Wanted True Love
Written by: Kyleerany
Sobrang saya ko ngayon dahil ito ang 12th monthsary namin ng boyfriend ko. Bihira lang kami mag-away pero lagi naman siyang busy sa basketball, ayaw ko naman na magquit siya doon dahil sa akin. Oks lang, masaya naman ako kapag kasama siya.
After ng class namin, umuwi agad ako sa bahay para kuhanin yung surprise ko sa kanyang scrapbook with pictures namin simula 1st monthsary to 11th monthsary. Kinuha ko rin yung brownies at cartolina na may nakalagay na 'Happy Anniversary, Babe! I Love You!'. Tinext ko sila Mandy, LJ, at Angelica—mga kaibigan ko—na pumunta sa bahay para sila yung maghahawak ng cartolina. Wala pang 10 minutes nakarating na sila sa bahay.
Umalis na kami sa bahay at agad tumungo sa court na pinagtra-trainingan nila Paul—boyfriend ko—hindi na ako nagtext sa kanya dahil nga isusurprise ko siya. Siyempre excited din ako sa surprise niya para sa akin. Kung mayroon 'man.
Pagkadating namin sa court…ako ang nasurprise. Literal na nasurprise ako. Naiyak pa nga ako. Bakit? Dahil may kaholding hands lang naman siyang babae habang pinupunasan nung babae 'yung pawis ni Paul. Ouch lang talaga mga bes! Like wtf! Gulat na gulat rin yung mga kaibigan ko sa nakita nila. O, diba? Pati sila na surprise. Akala ko ako lang ang isu-surprise niya.
"Bes, anong balak mo? Reresbakan mo ba 'yung girl? O uuwi ka nalang at kami na ang reresbak? Kaya kong gawing 50-50 ang buhay ng babae na 'yan." Sabi ni Mandy.
Hindi na ako umimik dahil sunud-sunod nang tumulo ang mga luha ko. Feeling ko mahihimatay ako anytime, anywhere. Bakit ngayon pa kasi? Bakit ngayon ko pa nalaman kung kailan 12th monthsary na namin? Hindi ba puwedeng Christmas? New Year? O Chinese New Year?
Walang hiya 'tong boyfriend ko! Hindi 'man lang ako ininform!
Pinilit kong ngumiti kahit ang sakit sakit na at kahit tumutulo ang luha ko. Gusto kong ipakita na okay lang ako, na kaya ko pa.
"Bes, 'wag mong piliting ngumiti. Ilabas mo lang iyang nararamdaman mo. Huwag mo 'yang ipunin sa puso mo. Pera ang iniipon hindi sama ng loob." Sabi naman ni LJ. Kaloka naman 'to. Mas madrama pa sa akin.
Naglakad ako palayo sa court pero may narinig akong kumakaripas tumatakbo na parang palapit sa akin. Huminto ako at lumingon sa likod.
"Kaye, sor-" Naputol ang sinasabi niya dahil sinapak ko yung mukha niya. He deserves it.
"Let me explain. Hindi ko sinasadya 'yun." Giit pa niya. Eh gag* pala 'to!
"Hindi sinasadya? Paanong 'di sinasandya? Gaga ka ba?" Tanong ko naman. Bobo niyang nilalang. Nakakabuwisit siya!
Lumapit sa amin 'yung babaeng kaholding hands niya kanina. 'Di hamak na mas maganda ito sa akin. Simple lang siya pero ang lakas ng dating. Mukhang masarap haha joke. Mukhang mayaman at sa pagkakaalam ko hindi siya dito nag-aaral. Ngayon ko lang siya nakita.
"Who's that girl, Babe?" Tanong nung babae kay Paul. Babe rin ang tawag niya. So, dalawa pala kaming babe niya? Ang angas.
"Sige Kaye, magtatapat na ako sa 'yo." Sabi naman ni Paul. "I'm not serious in our relationship. Siya yung girlfriend ko, almost 3 years na kami. Sorry, Kaye. Sorry kung niloko lang kita sa loob ng isang taon. Sana dumating ang araw na mapapatawad mo ako." Parang paiyak na siya habang sinasabi niya 'yan. Mukha siyang naguiguilty. Hindi ko siya kayang mapatawad. Ang sakit!
Hindi na ako nakapagsalita. Ito na ata ang pinakamasakit na naranasan ko sa tanang buhay ko. Sayang naman yung pag-aaral ko, naging bobo't tanga lang ako sa taong katulad mo. Huhuhu! Dapat hindi na ako nagtitiwala sa mga lalaki e. Wala namang kwenta 'yang mga 'yan. Mga manloloko!
Habang naglalakad si Paul kasama ang girlfriend niya na palayo sa akin, sinigawan ko sila.
"Walang forever! Maghihiwalay rin kayo sa 23!" Ngunit hindi nila ako nilingon.
Nilingon ko naman ngayon sila Mandy. Nakita kong kinakain nila 'yung brownies at paubos na 'to.
"Sa pagkakaalam ko, ako gumawa niyan e." Pagpaparinig ko.
"Hehe! Sarap kasi eh! Hmmm. Yum!" Pagpapa-inggit pa nila.
"Sino ba kasing nagsabi na kainin niyo 'yan?!" Pagsigaw ko at nagkunyari na galit.
"Uy! Easy lang." Sabi ni Angelica.
"Joke!" Sagot ko.
Pumunta na kami sa bahay. Sasama raw sila dahil baka bigla raw ako magsuicide at mawawalan raw sila ng magandang kaibigan kung nagkataon. Duh! Hindi ko sasayangin ang buhay ko para lang sa kagaguhang ginawa ng lalaking 'yun. We all know na lahat tayo ay may nakatadhanang lalaki/babae. Those people that destined on us will give a true and endless love. At hindi siya 'yun!
Mahirap magmove on sa taong minahal mo ng totoo, pero siya? Ayun nagpapakasarap sa totoo niyang mahal ngayon. Tsk. Pustahan maghihiwalay rin kayo.
"Pupunta muna ako sa kusina." Sabi ko sa kanila.
"Saan ka pupunta?" Tanong nila sa akin.
"Kusina nga 'di ba?" Naiirita kong sagot. Paulit-ulit.
Pagkadating ko sa kusina, agad kong binuksan yung ref. Buti nalang marami pang pagkain dito. Kakain muna ako ng ice cream para lumamig naman ang ulo ko. Jusko.
"Pahinge!" Sabi nila sa akin nang isusubo ko na ang ice cream na nasa kutsara. Nagpuppy eyes pa sila.
"Ih! Shoo! Doon nga kayo." Pagpapaalis ko sa kanila. Kinain na nga nila 'yung brownies ko pati ice cream ko papatusin din? Sapatusin ko kayo eh.
~*~
Lumipas ang mga araw at hindi ko na namalayan na nakamove on na ako. Paano ko nasabi? Simple lang, unti-unti na akong sumasaya.
Before, I'm always looked pale dahil hindi ako nagaalmusal at natutulog ako lagi ng madaling araw. Sa tuwing naiisip ko si Paul, hindi mawala yung mga tanong ko na 'Panget ba ako? Kapalit palit ba ako?' Sa totoo lang gandang ganda ko. Matalino rin ako, multi-talented, at mabait. Kung tutuusin na sa akin na lahat.
Simula nung niloko niya ako, pinangako ko sa sarili ko na hindi na ako magboboyfriend nor makikipagkaibigan sa lalaki. Nagising nalang akong nagkakagusto sa babae. Marami na akong natitipuhang babae pero hindi ko sila nililigawan. Tutol nga sa akin 'yung mga kaibigan ko e, pero anong magagawa ko? Eto na ako ngayon. Ewan ko ba. Ganito ba kapag niloko ng lalaki?
Tomboy man ako sa inyong patingin, pustahan pati lalaki mababakla sa akin.
YOU ARE READING
Wanted True Love
Humor"May mga taong handang masaktan sa pagmamahal. Pero paano kung paulit ulit ka nalang nasasaktan at iniiwan? Kakayanin mo pa ba? Ito ang kuwento ni Kaye, nagmahal ng paulit ulit at nasaktan rin ng paulit ulit. Kailan niya kaya mahahanap ang true lov...
