Nawala ang pag-asa ko na papasok parin sya ng sumapit na ang hapon. Bago matapos ang lunch break ay dumaan ako sa student council room para silipin kung nandoon sya at napabugtong hininga na lang ako nang makitang walang Johansson sa loob.

Pang ilang sulyap ko na sa phone ko ngayong lunch break at hanggang ngayon ay walang mensahe galing kay Johansson. I asked some of his friends, basketball players and even Austin his whereabouts pero tulad ko ay wala rin silang alam.

Sa huli ay sumuko ako. Ayokong magmukhang tanga sa kakahanap sa taong ayaw magpakita. I hate that he didn't even inform me about this, kahit isang text lang ay hindi nya magawa. Ganoon na ba sya kabusy sa ginagawa nya para kalimutang itext ako?

Dumiretso kami sa locker room para sa aming last subject, P.E. Nagpalit kami ng dark blue shorts at white shirt na may logo ng SCSU na parte ng aming P.E. uniform at habang hinihintay sina Bianca na mag-retouch ng makeup at inayos ko ang buhok ko na kanina pa hindi naaayos.

"Leave some hair, Tiara. Bagay mo iyo ang medyo messy." sabi ni Maxxine at sya na mismo ang nag-ipit sa akin, hinayaan ko na lang sya sa gusto nyang gawin.

Panay ang hawak ko sa laylayan ng aking shorts at pilit itong binababa. I should report this... Next time, then.

Good thing that all of us are wearing black cyclings. Well hell, kung hindi ay ipapahiram ko sila. I don't want those boys festing on my girls' thighs.

Ako ang huling lumabas ng locker room para siguraduhing lahat ng mga babae ay nakalabas, naghihintay ang mga kaibigan sa tapat ng pintuan.

Nasa gitna na ng gym ang coach kasama ang isang section ng grade 11. Papalakad na kami doon ng nagkatinginan kami ni Maxxine, nagtaas sya ng kilay at alam ko kaagad na parehas kami ng iniisip.

These grade 11 are familiar, lalo na iyong grupo ng babae na fitted ang shirt at sobrang ikli ng shorts. These are Kelsey's friends and classmates.

Nag-squat ako sa tabi ni Nick at nakinig sa binigay na instuction ni Coach para sa game na lalaruin namin.

"Tinatamad yan mag-discuss kaya pinalaro nya tayo." bulong sa amin ni Maxxine

"Alam kasi nyang walang magrereklamo kapag pinalaro nya tayo." hinawakan ko ang pisngi nina Maxxine at Nick na nasa harapan ko na para tumahimik sila.

Kung ako ang tatanungin ay mas gusto ko pang magturo na lang sya kesa sa palaruin kami but I can't say that out loud. Maraming magagalit at paniguradong masasabihan ako ng K.J.

Kung ibang section ay matutuwa pa ako pero eto? I mean, some are okay. May particular group lang akong hindi gusto at sila ang makakalaban namin sa laro.

"It's just volleyball, Tiara. We can beat those conyos." sabi sa akin ni Maxxine nang pinag-usapan kung sino ang unang maglalaro. We're at the second batch, pinauna na namin sina Karlie at Bianca na sabik na sabik ng maglaro.

Tulad ng dati, nahati ang gym sa dalawang sports. Volleyball for girls and bastketball for boys. Hindi alam kung saan lulugar ang mga babae, kung sa volleyball ba at iccheer ang mga kaibigan o ic'cheer ang mga crush nila.

Kami ang scorer sa volleyball habang busy si Coach sa basketball. Si Maxxine itong tumayong coach at sigaw ng sigaw.

"Olivia, later?" nakuha ng atensyon ko ang lalaki, he's not a part of the activity. Siguro ay nag-cutting pa ito para lang makapunta dito ay yayain ito sa date.

"I can't, Steph. Pupunta kami kina Kelsey mamaya." automatic na napatingin ako sakanila, these are Kelsey's friends. Nasa bleachers rin sila at naghihintay sa second batch tulad namin.

Miss Always Rank #2Where stories live. Discover now