MEET #9

1.4K 31 1
                                    


LOVE's POV


Maaga akong nagising, may pasok nga pala ako ngayon. May lagnat pa ako. Pero kailangan kong pumasok. Kapag college kasi ang hirap kapag umabsent ka ng isang araw or half day. Kaya kailangan kong pilitin. Pumunta ako sa may kusina at hinanap ang first-aid kit, doon kasi nakalagay ang thermometer. Kinuha ko iyon at nilagay sa kili-kili ko.

Umupo ako sa kusina at nag-antay ng ilang sandali.

Maya-maya lang ay narinig ko ang pagtunog nito.

Shit. Ang taas pa rin ng lagnat ko. Bakit ngayon pa kasi ako nagkasakit?


"Oh. Di ka papasok ngayon ha! At may lagnat ka pa " sabi ni mama na kakapasok lang sa kusina at inagay sakin ang hawak kong thermometer.


"Oh tignan mo. Mataas pa, baka mamaya bigla ka na lang bumagsak doon sa school. Kung bali nandoon ang mga kaibigan mo para asikasuhin ka" at binalik na ni mama ang thermometer sa kit.

"Pero ma! May quizzes pa kami ngayon. Di pwedeng di ako papasok, tapos may training pa kami! " I protest. Ang hirap kayang mag absent sa college!


"Don't worry tumawag na ako sa mga kaibigan mo na ipaalam sa mga professor niyo na absent ka today and I will give them your mdeical certificate"


"Pero mom! "


"Aba talaga naman! Gusto mo bang magalit sa akin ang tatay mo ha! Baka pag-uwi niya next month sermonan ako kasi di kita inalagaan! Ikaw ay magpapahinga na muna, kung gusto mong pumasok , sige lang! Para malagyan ka ulit ng karayom sa kamay. Masakit pa naman yun HAHAHA" sabi niya with matching tawa pa. Ang hirap makipag talo sa nanay ko. Pwedeng paki-swap muna siya sa ibang nanay? joke!


Kaya ito ako umupo na lang....takot ko lang! Tss.....

"Aba ma! Himala pala at maaga kang nagising. Ikaw ata may sakit e hahaha" loko kay mama kaya nakurot ako sa tagiliaran. jusme!


"Di ah. Syempre gusto kong ipagluto ang baby ko" 

" Ayyiiiiieeehh! Sige na ma! Pagluto mo na ako... Gusto ko ng mushroom soup at chicken soup. Hahaha sarapan mo ha! " Panalo ang pagkagutom ko. Normal ba na gutumin kapag nagkakasakit?


"Yes boss! " Naka salute pa siya niyan. 

My mom is so cool! Super close ako sa kanya and open din ako. Pero mas maka daddy ako. Urgh! I missed my dad so much!!!! Sana umuwi na agad siya. Nasa ibang bansa kasi ang dad namin to do his work, kaya saludo ako sa sipag niya para buhayin kami.


Since magluluto pa naman si mom ay umakyat na muna ako to check my phone.

I received a lot of messages from my friends. Bumaba na din agad ako at humilata sa sofa.

Karamihan sa mga text kagabi pa.

Halos kina che, eyan, cha , jen, mic at jas galing yung mga text. Kesyo ano daw ang nangyari sa akin kahapon, kasi sinabi daw sa kanila ng mga ka team ko.

Nireplyan ko naman silang lahat na hindi na nila kailangang mag alala dahil okay na ako. At sinabi ko din na di ako makakapasok today, so I might borrow their notes nalang para makasunod pa din ako sa klase.

MS.BOYISH MEETS MR.HANDSOME (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon