Chapter 2: Drake Andrew

Magsimula sa umpisa
                                    

"Good to hear that! Magpadala ka sa bawat boutique ng magagandang damit. Siguraduhin niyo na madami ang maipapadala niyo sa iba't ibang para mas marami ang benta." sabi ko sa kanya at tiningnan ko ang orasan ko dahil kailangan ko ng makatapos na mag sketch kasi madami pang nakapila ako na dapat na gawin.

"Okay po Ma'am." aniya at kaagad na umalis para gawin na ang inutos ko sa kanya.

Pumunta ako sa opisina ko at nagsimula ng mag sketch ng bagong design ko na gown. Sisiguraduhin kong mas magarbo 'to na siguradong hindi mapapantayan ng Yvette na 'yon. Walang makakahigit sa mga naiisip kong design na kahit na sino.

Pareho kaming Designer kaya kilala din siya ng lahat.Pero wala akong pakealam dahil mas magaling ako sa kanya at mas maganda ako sa kanya. Tapos ang usapan.

Alam ko naman na nakikipag kumpitensya lang sa akin ang babaeng 'yon. Akala niya siguro magpapatalo ako. Pwes, NO! Wala sa bukabularyo ko ang magpatalo dahil siya ang patutumbahin ko.

Habang busy ako sa pagi-sketch ay narinig kong may kumakatok sa pintuan ko.

"Come in." sabi ko pinagpapatuloy ang pagi-sketch ko habang hindi pinapansin ang taong pumasok.

"May bagong inilabas na bagong gown ang inyong kapatid na si Ma'am Yvette at ang dami na po ang nagkakagulo para lang makabili ng gown na 'yon. May pumupunta nga po dito at tinatanong kung may ganun tayong design tutal magkapatid naman daw po kayo." sabi nito habang may pinapakitang litrato sa akin na madaming nakapila sa harapan ng boutique ng babaeng 'yon.

Itinikom ko ang kamay ko at hindi ko namalayan na naputol ko ang lapis na hawak ko. Nagulat si Kristine dahil sa ginawa ko pero hindi siya umimik at kaagad na yumuko at umalis habang ako ay nangigigil sa galit sa babaeng 'yon.

Alam na alam niya talaga kapag gusto kong mapag isa.

"That girl!" inis kong sabi at binato ko ang naputol na lapis sa sahig.

Nagsimula na ulit ako na mag sketch at sisiguraduhin kong mas magarbo pa 'to sa ukay ukay niyang gown. Hindi ko talaga hahayaan na mas malamangan ako ng babaeng 'yon. Hindi ako magpapatalo sa kanya. NEVER!

"Finally! I'm done." sabi ko habang nakatingin sa sketch ko at ngumisi paglatapos inunat ko ang braso ko dahil nangalay ako.

Lumabas ako ng opisina at pinutahan si Kristine na naglilista ng mga damit na kailangan alisin dahil may mga damage.

Sa loob ng apat na taon siya lang ang pinagkatiwalaan ko sa aking boutique maging sa paghawak ng mga pera. Kahit kailan ay never pa akong nagka-problema sa kanya kaya minsan ay sa kanya kona iniiwan ang lahat ng trabaho ko kasi sobrang mapagkakatiwalaan talaga siya.

"This is my new sketch, I trusted you for the color that suit to this gown. I need to go, please take care of it." nakangiti kong sabi sa kanya at iniabot sa kanya ang natapos kong sketch na mabilis niya namang tinanggap.

Nakasakay lang ako sa kotse ko habang nakamasid lamang sa labas ng Boutique ng babaeng 'yon.

Natatawa ako sa pangalan ng botique niya. ~ Angel's gown shop~" seriously? Baka naman pati mga madre sambahan ka dahil sa ka-inosentehan mo.

Napansin ko na ang daming tao sa labas habang matyagang nakapila para lang makabili ng design niya. Nakakainis dahil palagi niya nalang ako inaagawan ng mga costumer.

Palagi ko silang nakikita sa Botique ko na nakapila at tapos makikita ko silang nandito. Mga balimbing sila at wala silang isang salita.

Mga hindi marunong makuntento ang mga tao ngayon dahil mas better na ang una humanap pa ng iba.

Alexandra's Revenge (PUBLISHED under PSICOM) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon