Ang pagibig ng BARANG

1.7K 68 0
                                    

        Muling sumapit nanaman ang alas sais ng hapon.sisimulan nanaman ni Cardo ang pakikipaglaro kay kamatayan.
Muling inihanda niya ang mga kagamitang pang barang.nagsindi ng mga itim na kandila.
Kinuha niya muli ang manyika para kay sebastian at inilagay ito sa loob ng garapon tinakpan dinasalan ng orasyon pagkuway ikinalog kalog ito.halos hindi tumigil sa kakakalog ng garapon si Cardo.humahalkhak siya na tila halakhak ng demonyo.

"Ahhhh!!! Nahihilo akoTulong!!
Saklolo! Saklolo.,

Nagpagulong gulong sa sahig si Sebastian habang sumisigaw dahil sa sobrang sakit at hilo na nararamdaman.

"Anong nangyari sayo Mayor!?"

Natatarantang tanong ni Aling Auring.
Patuloy sa panaghoy si sebastian.maya maya pay bigla na lamang nawala ang kanyang pagkahilo.
Pinatawag niya si Rosa
Makalipas ang bente minuto ay nakarating na si Rosa sa bahay ng alkalde.

****

BuwaHahahhhahahhja!!  Napapagod na akong pahirapan ka! Paalam Sebastian!!!

Mala demonyo ang tinig na lumalabas sa bibig ni Cardo.
Binuksan niya ang garapon at sabay na nilagyan ito ng ibat ibang insekto. Ipis, bulate, tipaklong, langaw at mga uod.
At sabay na tinakpan ang garapon
Muli niyang inurasyunan ang garapon..nakakatakot ang mga halakhak ni Cardo.

****

Ahhhhh! Aray!  Rosa tulong!!! Ang sakit ng ulo ko!!

Natatarantang tinawag ni Rosa si Arman.upang dalhin na sa ospital si Sebastian.
Muling bumalik si Rosa sa kwarto ng alkalde.ganoon na lamang ang pagkagulat niya,nangilabot ang siya saakanyang nasaksihan
Nagkaroon ng mga bukol ang lahat ng parte ng katawan ni sebastian
Patuloy saapagsigaw si Sebastian.sigaw na tila hirap na hirap!!

AHHHHHHHHH...!!!!!
RO...SA......TULONG!!!! TULUNGAN MO AKO!!!!!!

Halos mataranta si Sina Rosa at Aling Auring.nangilabot ang lahat sa kanilang mga nasasaksihan.
Mabilis na lumalaki ang mga bukol na tumubo kay Sebastian ilang saglit pay isa-isa itong nagsi putukan na puno ng dugo ang kama ng alkalde.

"Diyos ko! Anong sakit iyan!!!?"

Pangingilabot na tanong ni aling Auring.

Pagkuway pinagtulungan nina Arman at iba pang security guard  na buhatin ang katawan ng alkalde.nagtaka sila dahil anim na silang bumubuhat ay tila bakal na ilang kilo ang bigat nito.
Napapitlag sila at nabitawan ang alkalde ng unti unting nagsi labasan at ibat ibang uri ng insekto sa mga sugat ni Sebastian.namaho ang paligid na tila amoy bulok na karne.
Halos maduwal si Rosa sa nasaksihan.napaatanda si Aling Auring
Walang magawa ang lahat habang pinapanood ang naghihingalong katawan ni Sebastian.

******

Hindi pa nakuntento si Cardo muling binuksan niya ang garapon na sinisidlang ng manyika.pagkuway binuhusan niya ng mainit na tubig ang garapon at nilagyan niya ng buhangin hanngang sa mapuno ang sisidlan.nakakakilabot ang paghihiganteng ginawad ni Cardo kay sebastian.

******

Nagpupumiglas ang katawan ni Sebastian.

"Ahhhh ang inet! Tulong- tulungan nyo ako.."

Nagmamakaawa si Sebastian.tila napapaso ang buo niyang katawan.
Ilang sigundo lang ay tila nalulunod ang itsura ng alkalde.
Nataranta na ang lahat pinilit ni Rosa na pagtulungang buhatin si Sebastian upang maidala sa Hospital.nang maitayo nina Arman ang alkalde ay umubo ubo  ito.tumingin muna kay Rosa si Sebastian ngumiti ito na tila mag papaalam matapos noon ay napa igik si Sebastian pagkuway sumuka ng sumuka ito ng basang buhangin..matagal din nagsusuka ng buhangin si sebastian kasabay nito ay ang mga dugo na may insekto ang kanyang idinuwal at doon na natapos ang buhay ng alkalde.....

****
Umihip ng malakas ang hangin kasabay nito ang pag patay ng sindi ng itim na mga kandila na ang ibig sabihin ay nagtagumpay siya na kitilin ang buhay ng taong binabarang...

"Buwahahhahahahahha aaaahahahaj......"

Nakaramdam si Cardo ng kapayapaan para sa kanyang sarili.tila nasarapan siya sa kanyang nagawa.gumagaan ang kanyang kalooban.....

*******

Lumipas na ang isang linggo naihatid na sa huling hantungan si Mayor Sebastian.

Malayo ang ti gin ni Rosa.Pagkuway nilapitan siya ng kanyang Ina.

"Anak may problema ba?"

"Inay nagtataka lang po ako.Kung sino ang gumawa niyon kay Sebastian.Wala naman siyang kaaway o kagalit"

Maraming mga tanong ang tumatakbo sa isipan ni Rosa. Subalit walang kasagutan.

Itutuloy......



BARANG Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon