Ang Pagibig ng BARANG

1.9K 76 0
                                    

Ito na ang araw na pinaka hinihintay nina Rosa at Sebastian ang araw ng kanilang pag iisang dibdib.
Ngunit ito rin ang araw na pinaka hihintay ni Cardo, ang araw na gigimbal sa pagkatao ng magka sintahan.

Mula sa simbahan dinig na dinig ang tila humiheleng musikang pangkasal
At naroon na si Mayor Sebastian sa unahan ng Altar nag aantay sa pagdating ng kanyang makakaisang dibdib na si Rosa.
Halos mapuno ang simbahan sa dami ng panauhin.
Maya maya pay nakarating na si Rosa,lahat ay namangha sa taglay nitong kagandahan.
sadyang napakaganda ni Rosa sa suot niyang trahe de boda.pagkuway nagsimula na ang lahat sa paglalakad sa Red carpet.
Mga ninong at ninang, at ang mga abay.
Naglakad na rin si Rosa kasabay ng awiting endless love na inawit nina Diana Ross and Lionel Richie. Bawat hakbang ay pinanabikan ni Mayor Sebastian sa harapan ng altar..,.
Nagsimula ng mag sermon ang pari lahat ay nakatutok lamang sa ikinakasal.

"Ikaw lalaki tinatanggap mo ba ang babaeng ito upang maging kabiyak ng iyong puso?"

"Opo Father tinatanggap ko po"

Mabilis na tugon ni Mayor sebastian

"Ikaw babae tinatanggap mo ba ang lalaking ito upang maging kabiyak ng iyong puso?"

Matagal bago nakasagot si Rosa lahat ay nagbubulungan na.
Napilitan lamang si Rosa na magpakasal kay Mayor dahil nais niya ng marangyang buhay.upang makaahon sa kahirapan.
Pagkuway tinapik siya ni Mayor sebastian kasabay nito ang pag sagot ni Rosa.

"Opo father tinatanggap ko po."

Sa pagkakataong iyon biglang namatay ang lahat ng ilaw sa simbahan at humangin ng napakalakas namatay ang mga sindi ng kandila at nagsin tumbahan ang mga santo na nasa altar.
Napa antanda si Father teodoro.
Nang mga sandaling iyon ay nakarinig ng nakakakilabot na tinig sina Rosa at Mayor Sebastian.

"MAGSAMA KAYO SA IMPYERNO!!"

Pagkuway niyakap ni Sebastian si Rosa.doon lamang natigil ang lahat at bumukas na ang mga ilaw.

"Diyos na mahabagin! Masamang pangitain iyon"

Pagaalalang wika ni Father Teodoro.
Pagkuway tinungo ni aling Lina ang kinaroroonan ng anak

"Rosa anak! Baka ito na yung masamang mangyayari base sa panaginip mo.mas mabuti pay ipagpaliban muna ninyo ang kasal."

BARANG Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon