"Ano ba ang kailangan mo!? Bakit ba lagi kang nakasunod sa kin!?"

Pasigaw na wika ni Rosa.lalong namangha si Cardo kay Rosa sapagkat lumitaw lalo ang kagandahan ni Rosa.

"Totoo ba ang balita!?
Na magpapakasal kana kay Mayor Sebastian!?"

Sumungaw ang nakakalokong ngiti mula sa labi ni Rosa bago siya nag wika.

"Oo! Ikakasal na ako kay Mayor!  At siya ang papakasalan ko dahil alam kong hindi ako mamatay sa gutom kapag siya ang pinakasalan ko!"

"Ngunit hindi mo pa kilala si Mayor!"

"Mas lalong hindi kita kilala! Kaya pwede ba lubayan muna ako! Pag balik baliktarin mo man ang mundo hinding hindi kita magugustuhan at mas lalong hinding hindi kita mamahalin!!!"

Sa pagkakataong iyon nagsi isyoso na ang mga tao na nakapaligid sa kanila.bulong bulungan ang kanyang mga nauulinigan.
Kesyo daw opotunista sya at nais nya lamang daw makapangasawa ng maganda.

Umuwe Na ng kanyang bahay si Cardo. Doon na niya nailabas ang sakit na nararamdaman napaupo na lamang siya sa upuang gawa sa kahoy at doon na nagsimula ang pagpatak ng kanyang mga luha mula sa kanyang mga mata.natuptop niya ang kAnyang mga kamao dahil sa sobrang galit na nararamdaman kala Rosa at Sebastian.
Pagkuway lakas loob niyang  inilabas niya ang baul na naglalaman ng mga kagamitang pang barang. Taliwas man sa kanyang kalooban ang binabalak ay mas nangibabaw ang nararamdamang galit ni Cardo.

****

Naalimpungatan mula sa pagkakatulog si Rosa.tumayo siya upang mag banyo pagkatapos ay napalingon siya sa orasan alas tres na ng madaling araw ng mga sandaling iyon.
Pagkuway naisipan niya na buksan ang malaking karton na naglalaman ng kanyang trahe de boda.
Nang buksan niya ay napasigaw siya sa kanyang nakitapuno ng dugo at uod ang kanyang trahe de boda.kaya naitapon niya ito.Walang tigil sa pagsigaw si Rosa.

"Rosa! Anak! Rosa!!!"

Humahangos  na nagising si Rosa. Nanlaki ang mga mata nito at pinagpawisan siya ng malamig.

"Umuungol ka anak ano bang napapaginipan mo!?"

Ikinuwento ni Rosa sa kanyang ina ang sinapit niyang panaginip.
Na paantanda (Sign of the cross ) ang kanyang sa mga ikinuwento ni Rosa.

"Diyos ko ija! Masamang pangitain ang panaginip mo."

" anong ibig nyo pong sabihin inay?"

"Ayon sa kwento ng mga matatanda kapag napaginipan mo na punit o may kung anong bagay sa trahe de boda mo ay hindi matutuloy ang kasal mo o may mangyayaring hindi maganda "

Nangilabot si Rosa sa mga sinabi ng kanyang Ina.ngunit binaliwala lamang niya iyon.

****

Mayor nalalapit na pala ang kasal ninyo ni Mam Rosa

Wika ni Arman ang Assistant ni Mayor Sebastian.

ngiti lamang ang tinugon nito kay Arman.
Ilang araw na lang ay nalalapit na ang kasal nina Sebastian at Rosa.lahat ay nakahanda na tanging ang araw na lamang ang kanilang hinihintay.
Ngunit walang kamalay malay sina Rosa at Sebastian na ang araw na kanilang pinakananabikan ay ang araw din na kanilang pagsisisihan.......

****
Next part
Please vote my story thanks regards












BARANG Место, где живут истории. Откройте их для себя