Chapter 11 Don't Fall For Me

Start from the beginning
                                    

Dali-dali bilugan mo sa kalendaryo! Ano bang petsa ngayon? Pang-aasar pa ng isipan ko.

"Kainin mo yung mga binili nitong si Alex para agad ka makabawi ng lakas." Narinig kong sabi naman ni nana sa harapan ko.

"Pati rin ba yung bulaklak na binigay ni ate Alex inay kakainin niya?" Sabad naman ni Joan.

"Anong bulaklak pinagsasabi mo diyang bata ka?" Kunot-noong sabi ni nana kay Joan. "Nunca na magbibigay yang batang yan ng bulaklak!" Sabi pa.

"Eh sa nakita ko kaninang may dalang bulaklak si ate Alex binigay niya kay ate Ara kaya." Nakalabing sabi ni Joan. "Di ba ate Ara? May binigay sayo si ate Alex na bulaklak?" Baling niya pa sa akin.

"Ha? Ah... eh..." Para kasing biglang tumahimik itong si Alexandra sa tabi ko. Ba't di na lang kasi siya ang sumagot? Unless...

"Kung totoong binigyan ka nitong si Alex ng bulaklak, aba! May lagnat yata! Ikaw pa lang unang binigyan niyan kung totoo nga." Sabi naman ni nana na nasagot yung katanungan ko sa isipan ko.

"Nana naman..." Reklamo naman ni Alex na noon lang umimik.

"Eh totoo naman na siya pa lang una mo binigyan ng bulaklak." Depensa naman ni nana.

"May sakit yung tao." Nakayukong dahilan niya.

"Bakit ang lola mo nun madalas magkasakit di mo naman binibigyan ng bulaklak?" Wika ni nana kay Alex.

Hindi siya nakasagot nagpatuloy lang siya sa pagkain. Di na rin naman na nagsalita si nana tungkol dun.

So first time niya talaga magbigay ng flowers? Ever? Bakit nga ba niya ako binigyan ng bulaklak?

Hanggang sa matapos ang munting dinner namin ay tahimik na si Alex. Nanood pa siya ng TV kasama si Joan. Ako naman bumalik muna sa kuwarto para uminom ng gamot. Sa totoo lang ngayon na lang ulit ako nagkasakit. Dahil yun siguro sa lamig ng tubig kahapon ng umaga ng maligo ako. Eh tanga ko naman kasi, nakalimutan ko lagyan ng mainit na tubig.

Pagkatapos kung uminom ng gamot ay nagpunta ako sa sala para makinood din. Tumabi ako kay Joan sa mahabang upuan, si Alex dun sa pang-isahan.

Ilang sandali pa'y nagpaalam na si Alex na uuwi na. Gusto ko sana siya tanungin kanina pa pero nag-aalangan ako. Kaya nung lumabas siya, sinundan ko na agad.

"Alex wait!" Tawag ko sa kanya.

Akala ko ba bawal ang kotse sa hacienda? Tanong ko sa sarili ng makitang kotse ang ginamit niya ngayon.

"Bakit?" Nagtatakang tanong niya.

"Akala ko ba bawal ang kotse sa hacienda? Bakit ikaw naka kotse ngayon?" Asik ko sa kanya. Mahigpit akong pinagbawalan tapos siya okay lang? Di ba dapat a good leader is a good follower?

"Ah eto?" Tukoy niya sa kotse. "Sinakyan ko ng nagpunta ako sa bayan para bumili ng prutas at gamot."

Oo nga naman Ara. Alangan naman na sakyan niya papuntang bayan si Black? Try to imagine nga. Sabi sa akin ng isipan ko.

At tsaka hindi naman yun talaga ang gusto kong itanong sa kanya. May mas importante pang gusto ko malaman.

"Bakit mo ako binigyan ng bulaklak?" Diretsa kong tanong.

"Dahil may sakit ka." Sagot niya ng hindi nakatingin sa akin.

"Tell that to the marines, Alex." Pormal na sabi ko. "Why?" I demanded.

Tumingin siya sa akin ng diretso saka unti-unting lumapit sa akin hanggang sa konti na lang ang natitirang distansya namin. Ang lapit ng mukha niya at ang mga mata nitong kulay berde ay natitig ng diretso sa mata ko.

Seducing AlexandraWhere stories live. Discover now