CHAPTER 18

9.5K 223 26
                                    

-ACE ARKIN FONTANILLA-

Sakto namang pagdating ni Gwen. Tumayo ako at inabot si Iya sakanya.

Nagpaalam na kaming magbabarkada. This is the right time for them to talk. Habang nasa kotse kami ay di ko mapigilang masaktan.

My heart hurts like sht. High school palang kasi kami, gusto ko na si Gwen. Ni hindi nya alam yun. I pushed her to Blake because that's how it should be.

They are meant to be together. Napahawak ako sa dibdib ko. I'm having trouble catching my breath. Literal na nararamdaman ko ang sakit ng puso ko.

"You okay, bro?" Tyler asked me. I smiled at him. I should be okay.

Masama ba kung hinihiling ko na sana... ako nalang ang mahal ni Gwen at hindi si Blake? Masama ba kung sabihin ko na nalulungkot ako kasi finally, mabubuo na yung pamilya nila.

Tangina. Kahit magmukha akong gago, ayos lang kung para kay Gwen naman.

Gusto kong maging masaya para sakanya pero ang hirap talaga e. This time, I'll use the cliché line every in love people say 'Nagmahal lang naman ako'

"Sana kasi inamin mo na kay Gwen na mahal mo sya e. Noong college palang tayo." Sabi ni Elaine. Sana kasi diba ganun kadali yun?

Iisipin ko palang na lalayo sakin si Gwen, nababaliw na ako.

I tried alright, I tried to tell her how I feel. Pero lagi nyang sasabihin na 'Ano bang joke yan' 'Wag kang magbiro ng ganyan. Kaibigan kita e.'

Paano mo aamining mahal mo ang isang tao, kung kaibigan lang ang turing nya sayo?

What else can I do? How can I move on when I'm still in love with you?

-GWEN-

Tahimik lang kaming dalawa ni Blake. No one dared to speak. Nakakatakot.

Good thing Iya was sleepy, again. Pagkatapos kong iayos si Iya sa crib nya sa kwarto at binalikan ko si Blake.

"Akala ko... Okay na tayo... Now, this?" His voice cracked.

"I accepted all your reasons. Why do you have to make this a secret?" He clenched his jaw at napaatras ako nang suntukin nya ang pader.

"I forgot my family issues for you. Gaano ba kahirap sabihin na, may anak tayo?" Again, he punched the wall.

"I was scared---" bago ko pa matuloy ang sasabihin ko, Blake screamed. Naisip ko na baka magising si Iya pero naalala ko na nasa kwarto pala sya.

"No. You don't trust me enough. How could you do that, Gwen? Ako kasi... Hindi ko kayang magtago ng kahit ano sayo." Again, Blake cried in front of me.

Nakita ko na may dugo sa kamao nya.

"You're b-bleeding.." I said.

Tumawa sya ng pagak, "Of course, I am!" Napapikit ako nang marealize na double meaning ang sinabi nya.

"Tinanggap ko yung mga rason mo. Mula noon, kahit anong galing sayo tinanggap ko! Simula nung ayaw mong sabihin sa Iba na tayo dahil professor mo ako, nung bigla mo akong iniwan dahil nagkaproblema tayo, pati yung kay Conrad. Tapos ngayon, eto?" Wala akong masabi. Dahil alam kong totoo lahat ng sinabi nya.

"Pero FCK, Gwen. I still love you and I hate that." Bulong nya.

All I could do was hug him and say, "I am sorry."

***********
Nang magising si Iya ay di ako kinakausap ni Blake.

"Mommy.." Iya uttered.

I smiled at her, "baby... This is your daddy.."

One Fateful Night Where stories live. Discover now