Chapter 3: Bonding Time (edited)

2.9K 45 16
                                    

Celine’s POV

 

Kahit kailan talaga, wrong timing si kuya pero bakit hindi man lang sinabi sa akin na dadating siya? Si kuya talaga, sobrang malihim. Hinarap ko na ang FAG para sabihin ang balita. And for sure magsisiiritan ang mga ito, paano may mga lihim na pagnanasa sa kapatid ko. Take note lihim na pagnanasa pero alam ko naman.

“Girls tara na, sa susunod na lang natin sila intindihin. King is back and he wants us to welcome him, so we need to go to our house.”  Biglang kumislap ang mga mata nila. Na animo'y mga bituin dahil sa sobrang pagkislap. Di na ako magtataka kung mamaya may dyamante nang malalaglag sa harapan namin.

“What? Your brother is back? As in for real? Nakauwi na ang kapatid mo?" My bessy yan. As always siya ang may malalim na pagnanasa kay kuya. 

"Alright, makikita na ulit namin ang King."

Girls will always be girls. Hayaan na natin sila sa kanilang lihim na pagnanasa sa aking kapatid. I forgot that it’s been 3 years since the last time we saw Kuya Geoff. Nasa ibang bansa kasi siya. Business matters.

Jazze’s POV

 


Nasa loob na kame ng sasakyan ni Celine. Iisang sasakyan na lang ang ginamit namin sa sobrang excitement nalimutan namin kunin ang mga sariling sasakyan namin. Oh well papel, kasya naman kame dito sa convertible car ng aking bessy. Yaman kaya nila, syempre like me and the other girls.

Ang di ko lang matake ngayon ay ang sobrang katahimikan. Wow ha? Bago ata ito. Ang mga kasama ko tumahimik? Anung nakain ng mga ito? Oh baka naman may anghel na dumaan kaya sila tahimik? Hmm. “Hoy mga babaita! Ano ba mabibingi na ko sa katahimikan! Napanis ba ang mga laway niyo kaya sobrang tahimik kayo? At pagugong lang ng sasakyan ang maririnig ko, natin.”

Alam niyo ung parang kapag nasa forest ka? Ganun, ganun ung maririnig ngayon dito. “Wag niyo na lang sila pansinin. Saka niyo na lang sila pagtuunan ng pansin. For the meantime may mas mahahalaga pa tayong asikasuhin kesa sa kanila kaya please ignore them. For now let's enjoy the night girls. It's party time." Isang mahabang speech mula kay Reenae. Wow nosebleed ako dun ah. Syempre joke lang.

Nagismula na kaming humakbang paalis ng bigla bigla na lang hinawakan ni Caden ang kamay ni Celine. Aba may balak pang tsansingan ang bessy ko. Baka sipain ko siya below the belt. Makita ng Caden na ito. Kainis. 

Napatigil naman si Celine at napaikot paharap kay Caden. "Pwede bang bitawan mo ako? Di mo ba nakikitang nagmamadali kame?" Mahinahong kinausap ni Celine si Caden.

Tumaas ang sulok ng labi ni Caden. Ugh nakakainis talaga itong lalaking ito. Bakit ayaw bitawan ang bessy ko. “Sa tingin mo san ka pupunta ha, Ms. Nerd?"

 

Inirapan at saka sinagot ni Celine si Caden. "Uuwi ako, bakit masama at may angal ka?” 

 

Lalong diniinan ni Caden ang pagkakahawak niya kay Celine. Handa na sana kaming sugurin si  Caden ng makita naming nalukot ang mukha ni Celine sa sakit. “Hindi pa tayo tapos mag-usap, kaya wag na wag mo akong tatalikuran hangga't kinakausap pa kita, nagkakaintindihan ba tayo, Nerd?"

By Chance, gangsters inlove?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon