Never click suspicious links
Reminder: Wattpad will never ask for passwords, payment information, or other sensitive account security details.

The Nerd

3.9K 33 7
                                        

(Note: If you know the story of Heerack and Miyoul in Bird Kiss then you'll probably notice that this was an adaptation of it. It's my own adaptation based on the story but was written in a different perspective.)





. . . . .









Ano nga ba meaning ng Love? Kailangan bang maganda/gwapo para magustuhan mo ang isang tao?

Ganun kasi ang nangyari sakin. Hindi ko napapansin yung taong matagal nang may gusto sakin. Eh pa'no ba naman! He was such a nerd! As in A NERD GEEK!

Ganito kasi yun...








-ISHA'S POV-

"Ano na naman bang kailangan mo?"

"Ah makikisabay lang sana pagpasok sa school."

Tsk! Ang kulit talaga nito ni Lyndon. Pero okay lang. Ako rin naman ang makikinabang *evil smile*

"Sige na nga!"

"Akin na 'yang bag mo. Ako na ang magdadala," alok nya.

"Eto oh!"

Inabot ko na sa kanya yung bag ko. Ang weird talaga nito! Ngumiti pa sya na parang ang gaan ng bag ko eh hello!? Ang bigat kaya ng bag ko! Well, sinadya ko yun. Alam ko kasing sasabay na naman sya sakin eh.

Tahimik sya habang naglalakad kami. Napatingin ako sa kanya. What a nerd! Big eyeglasses, bowl cut hairstyle...baduy!

Pa'no kaya kami nito naging magkaibigan?




Oo nga pala, 9 years ago lumipat kami sa street nila. Naghanda ang mama ko ng housewarming party sa neighborhood at invited ang family nya.




FLASHBACK

Nasa may patio ako nun at nagmumukmok. Ang ingay kasi sa bahay. Maya-maya may lumapit sa'kin na isang batang lalaki.

"Hi"

Di ko sya pinansin. 6 years old palang ako nun at medyo topakin.

"Anong pangalan mo? Ako nga pala si Lyndon. Pwede makipagkaibigan?"

Nilingon ko sya saka ko inirapan.

"Gusto mo laro tayo, bata?"

Tumayo ako at iniwanan sya. Pero ma-effort talaga sya at dahil magkaibigan ang parents namin, wala akong magawa kundi ang pakisamahan sya. Mabait naman kasi sya. Yun nga lang, nerd!

The Nerd PrinceStories to obsess over. Discover now