Chapter 8 Feeling Accomplished

Start from the beginning
                                    

Hinubad ko yung checkered polo na suot ko dahil sa init. Mahangin naman sa loob ng kubo at di naman kita sa labas kaya malakas loob kong tanggalin yun. Isa pa si Alexandra lang naman nandito.

What's there to hide anyway? Nakita na naman niya lahat lahat sa akin. Bulong ko sa sarili ko.

Parang narinig ko siyang hinigit niya ang paghinga. Napangiti ako ng makahulugan. Evil smile. Nagtutulog-tulugan lang naman pala ito eh.

"Ang init!" Kunwaring sabi ko at ipinaypay ko ang kamay ko sa mukha ko. "Tanggalin ko kaya tank top ko?" Parinig ko sa kanya.

Nakiramdam ako kung gagalaw siya o magsasalita. Pero lumipas ang ilang sandali ay nabigo ako. Ngunit alam kong gising siya.

Akma ko na sanang huhubarin iyon ng marinig ko siyang magsalita.

"Don't you dare." Makamandag na sabi niya.

Nanglumingon ako sa kanya, nakatingin na pala siya akin. At promise, ang sama ng ipinukol niyang tingin sa akin.

"Mainit eh." Kunwari'y dahilan ko sa kanya.

"Arabella." May diin ang pagkakabigkas niya ng pangalan ko sabay upo.

If I'm not mistaken, ngayon ko lang narinig na tinawag niya ako sa pangalan ko. At kahit pagalit ang pagkakasabi niya nun, parang ang sexy pa rin pag siya nagsasabi ng pangalan ko. She has this bedroom voice kasi.

"Ano gagawin mo kapag sumuway ako?" Hamon ko sa kanya.

Tumingin ako sa mga mata niyang naniningkit sa pagkakatitig sa akin.

"Are you trying to seduce me?" Kapagkuwa'y tanong niya.

I laugh at her sarcastically para pagtakpan ang biglang pagkaramdam ko ng kaba. Ayoko din naman na maghinala siya sa totoong pakay ko sa kanya.

"Hindi ka lang pala istrikto, assumera ka pa." Sarcastic na sabi ko.

Tumaas naman ang isang kilay nito saka tumingin sa akin ng may pagdududa. Iniwas ko naman ang tingin ko sa kanya.

"Hindi porke't may nangyari sa atin sa batis ibig sabihin nun ay gusto na kita." Mapagmataas kong sabi.

"Do you want me to remind you how you responded to me?" Parang nang-aakit na sabi niya. "To my every touch?" Mahinang sabi niya at pinadaan ang hintuturo niya sa braso ko.

Bigla ko yung iniwas sa kanya. Sa simpleng hawak pa lang kasi niya nagsitayuan na yata lahat ng balahibo ko sa katawan. Parang may kung ano siyang nakiliti sa katawan ko.

"Granted I am attracted to you... sexually," Parang natalong sabi ko. "Pero hanggang dun lang yun."

"So inaamin mo ngayon na attracted ka nga sa akin?" She smirked.

"Ba't ba ang yabang mo?" Naiinis na sabi ko para pagtakpan yung pagkapahiya ko dahil sa pag amin kong attracted ako sa kanya.

"Ako?" Sarkastiko niyang sambit. "Aminin mo na lang kasi na gusto mo ako."

"You wish!" Inis na sabi ko. "Anyway, kaya ako nagpunta dito para ipakita yung nabunutan kong niyog."

She smiled devilish. "So you're here to claim your reward?"

"What reward?" Takang tanong ko naman sa kanya.

"This." Seryosong sabi niya saka walang sabi-sabing hinalikan ako sa labi.

Mapagparusa ang iginawad niya sa aking halik. Pilit niyang ipinapasok ang kanyang dila sa loob ng bibig ko. She bite my lower lip at kusang nagbukas ang bibig ko. And I couldn't resist the loud moan that escaped from me. Para naman siyang nasindihang kwitis ng marinig yung ungol ko at mas lalo pa niyang nilaliman yung halik niya sa akin.

Seducing AlexandraWhere stories live. Discover now