Chapter 7 The Gravity Between Us

Start from the beginning
                                    

May naapakan akong maliit na sanga ng puno. Narinig kong nagsalita siya. I composed myself before I revealed my presence to her.

Ganun na lang ang kanyang pagkagulat ng makita ako. Para siyang natuklaw ng ahas. Pero ako din yata, para akong natuklaw at ang kamandag niya ay nanatili sa katawan ko hanggang ngayon.

I tried to control myself when she kissed me and played with my lips. Pero lahat naman yata nauubos eh. Pati na ang pagtitimpi. Hindi ko man maintindihan kung bakit niya ako hinalikan kanina, hindi ko na yun pinagkaabalahan pang isipin. I made love to her. No not made love. Dahil ang katagang iyon ay para lang sa dalawang taong nagmamahalan. So, let me rephrase, I had sex with her, a stranger, at sa gilid pa talaga ng batis.

I lost control. Amin ko sa sarili ko pagkatapos ng nangyaring iyon. At ang nakakadismaya, nakatulog siya pagkatapos! Wala na ako nagawa kundi bihisan siya at isinakay siya sa kabayo upang ihatid kina nana Idad. Sinabi ko na lang na nakita ko siyang walang malay sa may talon.

Napapikit ulit ako ng magbalik ang isip ko sa kasalukuyan. Okay, inaamin ko din na ang lakas ng epekto niya sa akin. And to think na sa lahat ng babaeng nakilala ko, siya pa lang nakakagawa nun sa akin. To lost my self control.

May mga nakaniig na rin naman ako, pero iba siya eh. Wala pa nga lang siyang ginagawa naaakit na ako sa kanya. The mere sight of her naked body just sent shiver to me down my spine.

Kailangan ko yata ng cold shower. Nadidismayang tumayo ako sa bath tub at nagtungo sa may shower. Buti na lang naapula na yung apoy kung hindi baka kung ano pa magawa ko.

Pagkatapos ko magpatuyo ng buhok, lumabas na ako ng banyo at nagtungo sa kama. Sanay na kasi akong nakahubad pag matutulog. At kagaya ng inaasahan ko, hindi na naman ako agad nakatulog dahil kay Arabella.

Kinabukasan, maaga ako nagising para kumustahin si Misty at para na rin kunin si Black papunta sa niyogan. Dun kasi ang balak kong unahin sa research ni Arabella.

"Kumusta na ho si Misty?" Tanong ko kay Mang Senyong, kasamahan ni Mang Amarilyo sa pagbabantay sa kabayo ko. Umuwi na siguro si Mang Amarilyo dahil wala na siya nung pumunta ako dun.

"Okay naman siya Alex." Sagot niya. "Medyo nagbabago minsan ang ugali niya di katulad dati na parang tahimik lang."

Hindi kasi ako sanay patawag ng señorita o ma'am lalo na sa mga nandito sa hacienda. Isa pa, simula ng mahawakan ko ang hacienda, sila na ang itinuring kong pamilya. At alam kong ganun din sila sa akin.

"Ganun daw ho talaga kapag manganganak na yung kabayo, sabi ni James." Sagot ko.

Nakita ko namang padating na si Mang Amarilyo. Nakaligo at bihis na ito. Sunod nun ay nagpaalam na din si Mang Senyong para umuwi din. Hindi kasi pwedeng iwang walang bantay si Misty lalo na't anumang oras ay manganganak na ito.

"Magandang umaga, Alex." Nakangiting bati sa akin ni Mang Amarilyo.

"Magandang umaga din ho, Mang Amarilyo." Ganti ko ding bati. "Kumusta ho ang bisita natin?" Tanong ko habang hinihimas ang mukha ni Black.

"Ayun tulog pa yata hanggang ngayon." Sagot naman niya.

Di ko napigilang tingnan yung relo ko. Alas siyete kinse na ng umaga, tiyak male-late yun sa usapan. Sa lahat pa naman ng ayoko yung nale-late! Wala kasi akong pasensya sa paghihintay.

Nagpasya na lang akong ilabas si Black mula sa kuwadra nito. Para naman itong nasiyahan ng iginiya ko siya palabas.

Nagpasya akong pumunta muna sa may bukid kung saan nakatanim ang iba't ibang klase ng gulay na siyang pinagkukunan ng ulam at maibebenta ng mga tao dito sa hacienda.

Seducing AlexandraWhere stories live. Discover now