Pumikit ako saglit at huminga ulit ng malalim. Kaya ko ‘to!

Nanginginig ang kamay ko na pinindot ang doorbell. Halos higitin ko na yung hininga ko ng makitang dahan-dahan itong bumukas ilang saglit. Parang slow-mo lang sa pelikula. Shemay!

Automatikong napatiim-bagang ako nang makita ko na isang babae pala ang nagbukas ng pinto. Nakangiti pa siya sa amin ng matamis. Did I mention that she’s really… Beautiful? Ayan na naman yang insecurity ko. Bakit ngayon pa gumana? Mas lalong nanginig ang mga kamay ko nang makitang suot pa niya ang t-shirt ni Dustin!

“Good morning,” nakangiting bati niya sa amin. “What can I do for you?”

 “Ah... uhmm.. I j-just----“

Naputol ang sasabihin ko nang biglang sumulpot si Dustin sa likuran ng babae.

“Who are they?” Sabi ni Dustin tapos tumingin siya sa amin. From poker face, nagulantang na yung expression ng mukha niya. “Mhine, what are you doing here???”

Lumabas na siya ng tuluyan mula sa condo unit. Umatras naman ako ng isang hakbang nung makita kong lalapitan niya ako. By the looks of them, hindi ako t*nga para hindi mahalata na may relasyon silang dalawa!

“N-Nothing. Let’s go, Gail,” hinila ko na yung kamay ni Gail at naglakad na palayo sa pesteng unit na yun! Patay malisya pa siya! Walangya siya!

“Chloe, you got it wrong.”

Pinigilan niya ako sa braso kaya hinarap ko siya ng taas-noo.

“Wrong? Enough of this stupidity, Dustin. Okay lang, ano ka ba. Mukha mo naman. Akala mo, maglulupasay ako dahil nakita kang may iba? Sus! I won't get wasted by a jerk like you.” Tumawa ako ng sarkastiko at tinitigan siya sa mga mata niya. “Sige, enjoy nalang.”

“Chloe, mali ka ng inii------“

“Hush.” Parang walang nangyaring hinarap ko naman si Gail. “May klase pa tayo. Mag-uusap pa kayo ng baby love mo diba?” *insert pilit smile here*

Hinila ko na ulit si Gail palayo dun nang may maalala ako kaya huminto ako sa paglalakad. Hindi makukumpleto ang araw na ito kung hindi ko ‘to magagawa sa kanya.

Humarap ako sa kanya ng may matamis na ngiti. “Oh, I forgot something important!” Lumapit ako sa kanya at walang sabi-sabi kong sinampal ang kaliwang pisngi niya. Ngumisi ako pagkatapos nun. “Thanks for everything!” And I blew a kiss goodbye.

***

Walang katapusang luha ang naibuhos ko habang nagdadrive ako papunta sa E.H.U. Geez! Ganito pala ang pakiramdaman ng pinagtaksilan?! Masakit! Bwsit! To think na first boyfriend ko yun?! Ang kapal ng mukha niya! Pagsisisihan niyang niloko niya ako!

Buti nalang, kasama ko si Gail. Hindi nga lang niya nagampanan ang pagiging back-up ko. Nagampanan naman niya ang pagcomfort sa akin. Kahit papaano, nababawasan naman ang sakit na nararamdaman ko. Korny, pero yun ang totoo!

Nung kumalma na ako, niyaya na ako ni Gail na pumasok sa campus. Ako? Ito, mukhang zombie na nakatulala sa kawalan habang naglalakad. Nakakainis ang sarili ko! Dapat hindi ko ipakita na apektado ako pero iba yung kinikilos ko. Promise ko, last na iyak na ito! Naibuhos ko naman na ang luha ko kanina. Tama na yun!

“Chloe, baka naman nagkakamali lang tayo ng akala. You should have let him explain.” Narinig kong sabi ni Gail habang naglalakad kami at kumakain ng Magnum. Pampabawas daw ito ng pagkabadtrip kaya nilibre ko siya.

Napangiwi nalang ako sa inis. “Asus! Mukha niya. Ganyan naman siya eh. Marami na kaming na-eencounter na ganun, katulad sa mall. Mga Ex’s daw niya ATA, tignan mo hindi sure. Hindi kilala ang mga naging Ex's. Pag nag break kami, magagaya lang ako sa mga Ex's niya, makakalimutan lang din. Atsaka hindi kasi ako kasing liberated ng mga ex niya kaya naghanap ng iba. Paki ko sa kanya!”

Hot And Cold [Completed]Where stories live. Discover now