Sana'y dumating na

7 0 0
                                    

Sanay dumating na

Mga panahon na hindi maipaliwanag ang nararamdaman.
Mga bagay na gusto mong mapasayo o makamtan.
Pangarap na kay hirap abutin dahil sa mga rehas na humaharang sa iyong kagustuhan.
Puro kathang isip na lang ba ang iisipin sa mga oras na kailangan natin ng pagmamahal.Sanay dumating na ang aking kailangan sanay dumating na ang pag-ibig na sasaktan ka at bibigyan ka ng importansya, sanay dumating na ang mga pangyayaring handa kang paluhain pero matututo ka, babangon ka at magiging matatag ka at sasabihing hindi ako nagkamali nadumating ito sa buhay ko. Sana'y dumating na ang babaeng walang pagkakaiba sa mga nasabi kong talata. Panahon ay lumipas, oras na tumatakbo na parang kumakaripas. Taon ang nagdaan, araw at buwan na nagpapalitan sa itaas at ako'y nakatingala at nagtatanong.. Dumating na ba? Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman pero biglang nagbago ang ihip ng hangin, nakikita ng aking dalawang mata ang isang diwata. Hindi makapaniwala sapagkat nagtatanong ako sa sarili na Ito na ba? Hindi ako makapaniwala dahil nasagot na ang mga katanungang umiikot sa aking ulo at dahang dahang nawawala na. Ipinaramdam ko sayo na ika'y mahalaga at ipinaramdam mo sa akin na ako'y may importansya. Ipinaramdam ko sayo na ikaw lang at wala ng iba, at ipinaramdam mo sa akin na nandito lang ako sa tabi at aalagaan kita at ipinaramdam ko sayo ng Mahal na mahal kita at ipinaramdam mo sa akin na mahal na mahal din kita. Ipinaramdam ko sayo na hindi kita iiwan pero ipinaramdam mo sa akin na tama na, ipinaramdam ko sayo na hindi kita pababayaan at ipinaramdam mo sa akin na ayaw mo na. Ngayon ay tinatanong ko ang aking sarili may mali ba akong nagawa? Ang ginusto ko lang ay mahalin ka at hindi ka mapunta sa iba pero wala, wala, wala akong nagawa dahil mas pinili mo ang iba kesa sa taong handa kang ipaglaban. Wala akong nagawa kung hindi ang palayain ka. Sa isip isip ko tama na pero ang puso ko'y lumalaban pa. Gusto kong managinip sa araw na iyon. Humiga ako sa aking higaan na may dalang daga sa dibdib at nangangarap na bumalik ka sa akin. Sa paghiga ko'y may nararamdaman akong luha na dumadaloy sa aking mukha na nagsasabing tama na. Iniisip na sana'y naging panaginip na lang ang lahat. Sanay naging panaginip ka nalang at doon ko na lang naramdaman ang mga bagay na dahilan ng pagluha, sakit at kalungkutang nadama. Sa paggising ko'y nangangarap ang isang tulad ko na makita pa ang babaeng katulad ng talata na binabanggit ko at muli akong mangangarap at sasabihing "Sana'y dumating na"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 01, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Isang ugnayan kasama ka (All in one)Where stories live. Discover now