Paglisan

3 0 0
                                    

Paglisan

Sa oras na tayo ay magkitang muli,
pangako ko sayo,
kakainin mo lahat ng mga pangako mong napako.
Ngunit sa isang dako,
ako ay di na muli mangangako
na babalik ang dating atin.
Dadating ang araw na kakain ako,
matutulog ako ng hindi ka naiisip.
Ikaw ay kakalimutan.
Nauuhaw man sa pagmamahal mo,
naguumapaw naman ang saya sa aking puso
nang ikaw ay di na maaninaw.
Ibinaon ko na sa lupa ang mga paang dati ay mahina upang maging matibay,
matutong tumayo at di na muli tutumba,
nangangakong sa tamang panahon,
puso ko ay babangon muli.

Isang ugnayan kasama ka (All in one)On viuen les histories. Descobreix ara