Babalik

3 0 0
                                    

Babalik

Isang salita na nagbibigay lungkot sa aking isipan. Babalik ka pa nga ba? O iiwan mo na ko ng tuluyan? Napapaisip ako kada binibigkas ang salitang babalik. Asan ka na ba? Asan na ba yung taong minahal ko ng sobra? Asan ka na mahal ko ako'y nandito lang naghihintay sayo. Marami ng taon ang lumipas pero ako'y naghihintay sa iyong pagbabalik at naaalala ko ang iyong mga labing dumadampi sa aking bibig. Oh mahal bumalik ka na sakin. Kahit matagal na kitang hinahanap ikaw ay aking tatanggapin. Dahil mahal kita. Oo mahal kita sa sobra kong pagmamahal sayo ako'y naging tanga na. Minsan napapaisip akong itigil na ang kakaasa na babalik ka pa. Pero dahil mahal kita ako'y umaasa parin na magiging tayo pa. Nasan ka na ba? Yung taong minahal ko ng sobra-sobra nandito lang ako umaasa. Pero kung hindi na pwede talaga sana masaya ka na. Sana nakangiti ka na ng walang nakaukit na sakit at pait sa iyong nadarama. Sana wala ng luha na naguunahan sa pagpatak mula sa mga mata. Sana wala ka ng nararamdamang takot at pagsisisi. Sana okay ka na. Sumugal ako ngunit talo na naman. Mali na naman ang aking ipinaglaban. Sa dami ng pwedeng basagin bakit puso ko pa? sa dami ng pwedeng paasahin mo, bakit ako pa? sa dami ng taong pwede kong mahalin, bakit ikaw pa? Bakit sayo pa? Bakit sa taong imposible akong saluhin dun pa ako nahumaling. Umasa na baka pareho ng nararamdaman. Sa huli, lupa lang ang sumalo sa mga durog na piraso ng puso ko. Hindi ko namalayan, simula palang pala. Lupa na ang sumalo nung nahulog ako sayo. Aaminin ko masakit. Sobrang sakit na akala kong meron pa. Pero wala na pala. Sana sa aking pag gising pangalan mo ang aking iibigin. Kasi mahal. Wala na akong ibang hahanapin. Sana masabi ko sa sarili ko na....BABALIK KA PARIN.

Isang ugnayan kasama ka (All in one)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon