PROLOGUE

6 3 0
                                    

TYRELL

"Uy Ty!" Napalingon ako sa kaibigan kong napakalakas ng boses. Ano nanaman ba ang kailangan ni Johann sakin?!

"Bakit? Busy ako, tropa. Mamaya na lang," sabi ko habang lumalapit sakanya at umakbay. "Nakakahiya ka. Ang lakas ng boses mong damuho ka!" Bulong ko sakanya.

"Hi kuya Ty!!!"

"Hi babe."

"OMG. HI PO."

"KUYAAAA"

"OMYGASH. TYRELL IS HERE."

"Hi," sagot ko sakanila at ngumiti. Nagtilian naman ang mga babae sa ginawa ko. Tsk. Tsk. Gwapo ko talaga.

"Tngina, pre. 'Wag kang umakbay sakin. Tinatakot mo yung fangirls ko e." Tumingin naman ako sakanya ng 'di makapaniwala.

"Pre. Kailan pa?"

Kumunot ang noo niya at takang tumingin sakin.

"Anong kailan pa?"

"Kailan ka pa naging ilusyonado?"  Sabi ko sakanya habang seryoso akong nakatingin sakanya.

Tumakbo agad ako pagkatapos kong sabihin yun. Tumingin ulit ako sa pwesto nya.

"TYRELL DEMARCUS G. BRENTWOOD!!!!!!"

Tawa ako nang tawa habang tumatakbo papalayo sakanya. Ang sarap nyang asarin dahil isa syang dakilang pikon.

Habang tumatakbo ako sa buong campus, may biglang tumawag sakin.

"Tyrell!" Tumingin ko sa likod ko pero wala naman. Familiar 'yong voice e.

"Tyrell!!" Tumingin naman ako sa kaliwa't kanan ko pero wala naman. Nababaliw na ba ako? Kasama na ba ako sa samahang ilusyonado ng damuho kong kaibigan?

"Ay pu--"

Muntik na akong mapamura sa sakit nang may tumamang sapatos sa ulo ko. SINO BA ANG MAY GALIT SA'KIN?! Pinulot ko ang killer heels. Tumingin ako sa harapan ko at muntik-muntikan na akong atakihin sa puso nang nakita ko yung tumatawag sa'kin.

Si Ms. Principal... Kasama ang parents ni Maui.

Naglakad ako papunta sakanila. Syempre, nakakahiyang tumakbo 'no. Lalo na't nandyan yung parents ni Maui at yung araw-araw na may mens naming Principal.

"Hi po. Hehehe," bati ko sakanila sabay bigay ng pamatay na heels kay Ms. Principal. Agad naman niyang hinablot at tinignan ako ng masama.

Ngumiti ako kay Ms. Principal na halos umabot sa tenga ang labi ko. Nag-peace sign naman ako at ngumiti na ng normal.

Inirapan ako ni Ms. Principal. Ang init ng dugo nya sakin. Idonate ko nga yung dugo ng mga isda sakanya para lumamig dugo nya sakin. Hehe.

"Tumahimik ka Mr. Brentwood! Nabubwisit ako sa pagmumukha mo!" Sabi nya at naglakad. Sumunod naman sina Tita kaya sumunod na rin ako. Tinawag ako e.

Nagtatakha naman akong tumingin kay Ms. Principal dahil nandito kami sa tapat ng Principal's Office.

"Tumahimik ka, Brentwood. Alam kong andami mong thoughts sa utak mo. Pumasok ka na lang. 'Wag mo akong bigyan ng sakit ng ulo ngayon," sabi nya at inirapan nanaman ako. Tignan mo 'tong principal namin. Ang taray. Sabagay, walang lovelife e.

Pumasok na ako sa loob ng Principal's Office at umupo sa couch. Pinatong ko ang paa ko sa babasaging lamesa.

"Brentwood!!!!"

"AAARAAAAAY!!"

Binato ba naman ako ng makapal na magazine?! Ansakit kaya! Siya kaya tamaan ko?!

Binaba ko ang paa ko sa lamesa atsaka umirap. Wala e. Mas mahal nya yung table nya kaysa sa pinsan nya e.

"I'm so sorry, Tyrell, anak..." Bungad sakin ni Tita Kaye, mommy ni Maui. Pero bakit? Anong sorry? Kakaupo ko lang naman dito sa upuan ah? "W-wala na s-si Maui." Wala na? Anong wala na? Kumunot ang noo ko.

"Tita, ano pong sinasabi nyo? Nung isang araw kasama pa namin sya ah?" Medyo kabado kong tanong.

"Wala na sya, Tyrell..." tumingin ako kay tito. Hindi ko maintindihan! Anong wala na?! "Patay na si Maui. Patay na ang anak namin." Patay? Si Maui? Ang baby girl namin? Ang baby girl ng tropa? Hindi pwede yun... "Pasensya na kung sinabi agad namin sa'yo kahit nagluluksa ka pa sa pagkamatay ng dalawa nyo pang kaibigan."

Tumulo ang luhang kanina ko pang gustong-gustong ilabas. Nawalan nanaman ako. Lagi na lang.

Tngina. Bakit umiiyak nanaman ako? Lalaki ba talaga ako? Hahahahaha. Kung nandito lang si Maui, sasabihin non, 'Ano ba Ty? Lalaki ka ba talaga? Sus! Kung buhay lang sila, pagtatawanan ka na nila. Stop crying na... ayaw ka nilang makita na umiiyak. Pati ako...'

"Tyrell, sorry..." umiiyak na sabi ni tita. "Sorry kung pati si Johann ilalayo namin sa'yo... may sakit sya, Tyrell. Kailangan niyang magpagamot sa ibang bansa." Parang sinaksak nanaman ang puso ko. Why do all my friends love to leave me?

"I'm so sorry, Ty. Parang anak ka na rin namin kaya masakit na iwanan kang mag-isa dito sa Pilipinas." Mahinang paliwanag ni Tita sa'kin.

"Okay lang po, Tita. Okay lang po ako dito basta gumaling si Johann," sabi ko at ngumiti ng pagkatamis-tamis na halos masuka na ako. Nakuha mo pa talagang magbiro, Tyrell?!

Biglang tumayo si tito sa upuan. May tumatawag yata sa cellphone niya.

"I'm so sorry, Tyrell but we need to go," sabi ni tito at ginulo ang buhok ko.

Napatulala ako nang sabihin niya 'yon. Takte, nag-wax pa naman ako! Pers taym pa naman! Sayang eport! Next time talaga 'di na ako mag-w-wax!

"Alam kong masakit, Tyrell..." sabi ni Ms. Principal habang hinahagod ang likod ko, "pero you should accept the truth."

Umalis si Ms. Principal sa tabi ko at pumunta sa table niya.

Pero wait... teka... anong pinagsasabi nito?! NAGDADRAMA LANG NAMAN AKO DAHIL SA PAGGULO NI TITO NG BUHOK KO E!

"Alis na ako, pinsan," sabi ko at tumayo. Wala rin naman akong gagawin dito e.

"'Wag kang magpapatiwakal ah? Madaming nagmamahal sayo, Tyrell. Kahit minsan ang sarap mong ihampas sa pader," sabi ni Ms. Principal habang mukhang concern sa'kin. I shrugged and don't mind what she was saying.

Kahit naman maloko ako at laging masaya, nasasaktan rin naman ako. Pero hindi naman ako magpapatiwakal! Gusto na niya yata akong patayin e!

#

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: Jun 11, 2017 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

The Souls Of SevenNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ