**1**

10 0 0
                                    

Yay! Hello 3rd year, 2nd sem!

“Wow, masyado ka naman atang excited na pumasok.” sabi ni Zara.

“Uy di naman masyado!” pero oo, excited na nga ako pumasok. Halos isang buwan rin ang sembreak namin at sobrang boring nung month na yun. Nagsawa ako sa itsura ng bahay namin sa Bulacan nang dahil sa wala akong magawa.

“Asus, di daw e ang OA mo maka-ngiti diyan habang nag-e-enroll” sabi pa nung isa kong kaibigan na si Yla.

“Eh bakit ka ba kasi ngiting-ngiti diyan ha?” tanong nitong si Zara.

“Duh? Sino bang hindi matutuwa dito? Patapos na tayo mag-enroll o! Considering na nasa University of Pila tayo, hello? Isang malaking himala ito ha!”

“Ay in fairness, Jianne, may point ka diyan! Apir!” at nag-apir nga kami ni Yla.

“Hala sige, magsama kayong mga baliw. Dapat lang mabilis tayo matapos dahil kaninang 7am pa tayo nandito, jusme.”

“Talaga ‘tong si Zara, di na naalis ang pagiging mataray. Na-enjoy mo ba sembreak mo?”

“Oo naman! Kaya nga ako naiinis e! Bitin masyado!”

“Eh di sana hindi ka na pumasok… kahit kalian! HAHAHA” loka rin ‘tong si Yla e. Pag siya tinamaan ng init ng ulo ni Zara, lagot na.

Anyway, medyo kanina pa kami nagdadaldalan dito ha. Hello! I’m Jianne Gabriel, 3rd year, BS Chemistry dito sa unibersidad na kilala sa mahahabang pila kapag enrollment. Kidding! Ngayon kasi, nag-improve na ang system kaya medyo keri na ang pag-e-enroll. Eto namang mga kasama ko ay mga best friend ko. Yung baliw na katulad ko, si Yla or Kamilla Manuel. Eto namang si Miss Sungit ay si Zara or Zara Asistio. Since 1st year, 1st sem, magkakasama na kaming tatlo. Mula enrollment hanggang sa pag-aasikaso ng final requirements per sem, magkakasama pa rin kami.

“Oh fudge. Don’t tell me magiging isang malaking meet and greet ang payment process natin?” biglang sabi ni Zara. Grabe, halatang naiirita na naman siya.

Pagtingin namin sa direksiyon kung saan siya nakatingin, na-gets na namin agad yung tinutukoy niya. Paano ba naman kasi, ang daming babae at binabae ang nagkakagulo sa gitna ng registrar’s office. Jusme, ano pa nga bang meron? Meet and greet nga ng isa sa pinagkakapitagang gwapo DAW sa school namin. Hay hay hay. Mga babae talaga sa panahon ngayon, walang taste.

“Gerald! Geraaaaaaaaaaaaaaalddddd!”

“Gerald ang gwapo mo!”

“Gerald tingin ka naman ditoooooooo!”

“Geraaaaaaalllllllddddd! Ako na magbabayad ng tuition fee mo, pansinin mo lang ako!”

At biglang tumingin yung lalaking tinatawag nila na Gerald sa babaeng huling nagsalita. Tumahimik ang karamihan. Yung iba nagbubulungan, naiinggit ata. Tapos, nilapitan niya yung babae.

“You.” sabi ni Gerald.

“Me?” kinikilig pang sabi nung babaeng nilapitan niya.

“Anong tingin mo sakin?”

“Ha? Ah---“

“Mukha ba akong mahirap? Tell me! Do I look like some poor guy wearing fake clothes? Di pa ba halata sa suot ko at sa kotseng binabaan ko at sa kasama kong driver na mayaman ako at di ko kailangan na bayaran mo ang tuition fee ko? At higit sa lahat, mukha ba akong mahirap para pansinin ka dahil sa alok mo na libreng tuition fee? TELL ME!”

“Ah S-so—“

“Di ko kailangan ang sorry mo. Sinira mo na ang araw ko.”

And then he walked out.

Nanahimik na ang crowd at unti-unti silang nawala. Yung babaeng sinigawan niya kanina, ayun, iyak na nang iyak. Grabe.

“Grabe talaga yung lalakeng yun.” sabi ni Yla.

“I know.” Hanggang ngayon shocked pa rin ako. Grabe talaga.

“AY NAKO ANG KAPAL NG MUKHA NG LALAKING YUN. GRABE SIYA MAGSALITA NAKAKAINIT NG ULO. MAYAMAN NGA BASTOS NAMAN. KAINIS. SARAP PATAYIN!” ayan, galit na naman si Zara.

“Hey Zara, ssshhhh baka marinig ka pa nun tayo pa masigawan niya.”

“HAY NAKO YLA, TRY LANG NIYA. DI KO SIYA UURUNGAN. BWISIT SIYA. MAS MAYAMAN AKO SA KANYA, BAKA IPABILI KO SIYA SA DADDY KO, DI SIYA MAKAPALAG. NAIISIP KO PA LANG NA GAGAWIN KO SIYANG HARDINERO SA MALAKI NAMING GARDEN, MWAHAHAHAHA”

“Hala, nabaliw na si Ateng.” sabi ko sabay tawa namin ni Yla.

Pero seriously, grabe talaga yung ginawa ni Gerald kanina. Naiintindihan ko naman na ang kulit na nga nung mga tao kanina pero tama bang ganunin niya yung babae? I don’t think so. Ewan ko ba, bakit ba kasi ganyan ‘yang lalaking ‘yan? Kahit sa institute namin, ganyan siya e. Lahat ng babae dun pinapahiya niya. And yes, galing kami sa same institute. Same kami ng course niyan. BS Chemistry din siya, may plano atang mag-med. Same sila ni Yla, diretso med school daw after undergrad.

Teka si Gerald “Grabe” Gallardo, mag-me-med? Hala. Kawawa naman mga magiging pasyente nito.

“Oh, ang lalim naman ng iniisip mo. Kanina ka pa tahimik ah.” sabi ni Yla.

“Ah wala. Wala naman. Naubos na ata energy ko kakangiti kanina.” sabi ko na lang.

Maya-maya, natapos din kami magbayad thus TAPOS NA KAMI MAG-ENROLL YEHEY!

“Tara naaaaaaa. Pagod na akoooooo.” reklamo ni Yla.

“ETO NA! TEKA LANG HA.” hala, mainit pa rin ang ulo ni Zara? Talaga ‘to.

“Mga Ateng, kain muna tayo ha? Gutom na ako eeehhh. Please.” sabay pa-cute ko.

“Jianne talaga, ang bilis magutom.” ayan, nagbago na naman ang mood ni Zara. Di na siya galit.

Dahil gutom na kami, or ako lang, naglakad na kami papunta sa pinakamalapit na kainan sa campus. Siyempre habang naglalakad, chika chika lang kami forever.

“Mga Ateng, saglit lang!” ngayon ko lang kasi napansin, tanggal na pala pagkakasintas ng sapatos ko.

At may isa pa akong di napansin habang nagsisintas,

“JIAAAAAAAAAAAANNNNNNNEEEEE!” sigaw nila Zara at Yla.

Syempre sa kanila ako napatingin. Sabi ko pa, “Bakit?” pero di na nila ako kailangang sagutin nang narinig kong may kotseng pumreno sa may gilid ko. Sakto, medyo natumba ako pagilid kasi nakakagulat na wala nang isang ruler ang layo nung kotse sa face ko.

Sorry naman, nasaktuhan pala na sa labasan mula sa parking lot ako nagsisintas ng sapatos.

“Nako Miss, okay ka lang ba? Natamaan ba kita? Sorry!” sabi nung driver na bumaba sa kotse. Hmmm, parang nakita ko na si Manong.

*click*

May bumaba sa kabilang side nung kotse. Takte, bigla akong kinabahan. >__<

Meeting the Worst Guy [ONHOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon