Chapter 8

11.3K 241 1
                                    

Ilang minuto pa bago ako bumaba.Naglakad ako patungo sa lamesa ng makita ko si Sid na nag iisa.Bigla akong tumalikod para umakyat ulit sa itaas.Kainis!

"San ka pupunta?"Si Leo.Nakita kong lumapit na siya ng mesa.

"Hahanapin sana kita eh."Sabi ko nalang.Hinila niya yung upuan para maupo ako sa tabi niya.

"Ang sweet talaga ng kapatid ko."Sabi ni Sid habang kumukuha ng juice.Pero hindi ko siya tiningnan.

"Ganyan dapat tratuhin ang magandang babae."Sabi naman ni Leo.

"Yeah like a princess."Sabi niya saka siya sumubo ng pagkain.Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.Unang araw palang ako dito pero parang hindi ko yata makakaya lalo na't nandito yung walang kwentang tao na'to."So paano kayo nag kakilala ni kuya?"Tumitig siya sakin na para bang may krimen akong nagawa.Ang tapang ng hiya!Kung may dapat tumingin ng ganyan hindi ikaw kung hindi ako!Pero hindi ko yun sinabi at hindi rin ako sumagot sa tanong niya.

"Sa trabaho."Yun lang sabi ni Leo.

"Mukhang magkakaroon ako ng sister in law na hindi marunong magsalita ah."Ramdam 'kong nang iinsulto siya sa tono ng boses niya.

"Sid!"Saway sa kanya ni Leo.

Buti nalang at hindi na siya nagsalita.Ang laki ng pinagbago ng ugali niya hindi katulad ng Sid na nakilala ko noon o baka ito talaga yung totoong ugali niya.Sabagay nagawa nga niya 'kong lokohin at iwan ng walang paalam noon eh ano pa nga ba ineexpect kong ugali niya.

Pakiramdam ko ang haba ng araw ngayon.Pero hindi parin ako dalawin ng antok.Namimiss ko yung mga kapatid ko.Sana ok lang sila lalo na si
Jaymie buntis pa naman.Isa lang ang dahilan kung bakit ako nandito yun lang.Sabi ko sa isip ko.

Habang nakahiga ako nakaramdam ako ng uhaw kaya bumangon ako.Pero wala na palang tubig sa ref kaya bumaba ako para kumuha.Maingat akong naglakad at baka may magising ang ingay pa naman ng tsinelas 'kong suot.

Muntik ko ng mailaglag yung hawak kong pitsel ng may humawak sa balikat ko.Bumilis tuloy yung tibok ng puso ko.

"Shit.Napamura 'ko ng habulin ko yung pitsel.Bwisit muntik na yun ah.

"Oh bakit hindi ka pa natutulog."Nakangiting bati sa'kin ni Sid.Pero hindi ko siya pinansin at naglakad lang ako palayo.Naging mabilis ang pag kilos niya kaya nagawa niya 'kong pigilan

"Ano ba bitiwan mo nga ako!"Inalis ' ko yung pagkakahawak ng kamay niya sa braso ko.

"Sabihin mo sa'kin paano mo nakilala si kuya!"Dama ko ang galit niya at higpit ng kamay niya sa braso ko ng muli niya akong hawakan.

"Maliit ang mundo Sid kaya kami nagkatagpo."Yun lang ang sinabi ko.Pinilit 'kong maging kalmado sa pagkakataong 'yun.At ayokong gumawa ng ingay baka may makarinig pa sa'ming dalawa.

Napangisi siya."Maliit?Bakit hindi kita nakita."Hindi ko alam kung ano yung nakikita 'kong reaksyon ng mukha niya.Pero kahit ano.man 'yun wala akong pakialam.

"Paano mong makikita kung hindi ka naman nag hanap."Saka ko din siya nginitian."Kaya pwede ba bitawan mo 'ko!"Gigil 'kong sabi sa kanya.

"Ganyan ba ang pagtrato sa taong dati mong minahal."Hawak parin niya yung braso 'ko at pakiramdam ko lalo pang humihigpit.Shit ano ba yung kailangan niya bakit ba siya ganito!

"Na magiging asawa ng kuya mo!"Madiin 'kong sabi.Sa sinabi 'ko na yun siguradong matatahimik na siya.

Nang pinilit 'kong makawala "Cess mag usap ta'yo."

"Wala na tayong dapat pag usapan at wag na wag mo kong tinatawag nyan at may sarili kong pangalan."Madiin 'kong sinabi

"Meron tayo !Tatawagin kita sa ano mnag gusto kong itawag sayo!

"Ano pa ba'yung gusto mo ha ikakasal na'ko sa kuya mo!"Inis kong sabi sa kanya.Talagang nabubwisit na'ko at hindi na ko makapag pigil.

Pero hindi siya nag salita bigla niya 'kong hinila papalapit sa kanya at hinalikan madiin ang paghalik niya.Pinigil niya 'ko ng sinubukan 'kong makawala.Kaya nag ipon ako ng lakas para maitulak siya.

"Hayop ka ang kapal ng mukha mo!"Saka ko siya pinagsasampal.Saka ako tumalikod paalis.

"Pag welcome ko yun sa'yo.Sa pagbabalik mo sa buhay ko."Yun lang ang sabi niya habang hinihimas ang pisngi niya na pinag sasampal ko.Narinig 'kong napamura siya ng ihagis niya yung baso

Ang kapal ng mukha niya!Nagpapasalamat ako at nakita 'ko yung totoong ugali niya!Yan siguro ang dahilan kaya hindi na kami nagkita noon!Sana hindi ko na rin siya nakita ngayon!

Hindi ko alam kung makakatagal ako dito!Pero wala akong choice.Nandito na 'ko at paninindigan 'ko na'to.

Kakayanin 'ko para sa mga kapatid ko at para maibalik 'ko yung natitirang alaala nila mama sa'min.Isa pa marami ng naitulong si Leo hindi ako pwedeng umatras basta basta.At hindi ang katulad niya ang magpapabago ng desisyon ko.

Magpapakasal ako kay Leo yun ang usapan kaya 'yun ang gagawin 'ko.

My Ex Next Door (COMPLETED)Where stories live. Discover now