Chapter 1

32.9K 520 3
                                    

CINDY'S POV

Puro rosas na puti ang dinadaanan ko habang papalapit ako ng altar.Ang daming tao na nakatingin sakin.Siguro gandang ganda sila sa suot kong gown kaya mas lalo kong ginandahan ang pag rampa ko.Para akong isang Prinsesa habang naglalakad papalapit sa lalaking nag hihintay sakin at dahan dahan niyang inaabot ang kamay ko.

"Ayyyyy!aray ko naman manong dahan dahan naman sa pag ddrive muntik ng tumurit yung katawan ko sa tabi mo ah!"

"Aba miss kanina ka pa sa jeep ko natutulog!Naka tatlong ikot na ko dito sa Divisoria ah!

"Eh ba't hindi niyo ho ako ginising!"Bakit kaya ang sakit ng panga ko.Hinimas himas ko.

"Hoy miss sampong tao na yung gumigising sayo hindi ka parin nagigising.Dinumihan mo pa yung jeep ko!

"Hindi ho ba siyam lang?At bakit ko naman ho dudumihan yung jeep mo eh nakatulog lang naman ako!

Napapainit ni manong yung ulo ko jusko wala pa naman akong tulog.Bakit ba ayaw lumakad ng jeep na 'to nakakainis.

"Tingan mo nga yung sahig ko puro tulo ng laway mo kanina ka pa nakanganga habang natutulog."Kaya pala masakit yung panga ko nangawit pala hehe.Bilib din ako kay manong naka focus parin sa pasahero habang kinakausap ako.

Ilang pasahero yung mga nagsakayan sa jeep.

"Miss dito ka nalang bumaba marami ng nagsasakayang pasahero.Tumingin sakin si manong pero sa salamin lang.

"Manong konti nalang yan oh."Malapit palang kasi kami ng Tutuban Mall malayo pa ng konti yung lalakarin ko.

"Manong naman sa tapat na ng 578."

"Miss hindi palengke ko yung jeep ko para tumawad ka.Bumaba kana at sayang yung isang pasahero sayo."

"Ok akina yung sukli kong limang piso twenty yung binayad ko sayo kanina."Wais to 'no isip isip ko."Akala niya siguro makakalimutan ko porke nakatulog ako."Mahina kong sabi.

"Hoy miss naka tatlong ikot ka na sa jeep ko abay kulang pa nga yung bente mo sa layo ng narating mo eh!"Tssssk lunes na lunes bumaba nalang ako ng jeep.Badtrip hindi ko na talaga kayang maglakad kanina pa ko lakad ng lakad sa Sta.Cruz dapat sa Binondo nalang ako sumakay eh..Naglakad ako papunta sa pilahan ng pedicab.

"Kuya sa Perla lang po magkano.?

"trenta lang miss."

"Trenta?Kuya tumaas lang yung gasolina pati ba yung pag padyak mo tumaas na rin?"Yan ang hirap sa ating mga pilipino kapag may nauso gagayahin na ayan nauso lang ang taas ng pamasahe pati mga padyak boys nakigayana na.

"Miss matagal ng trenta yung Pamasahe."Sus porke nag iisa lang siya sa pila mananaga na ng pamasahe.Tssk.Pero kailan nga ba ko huling masakay sa padyak?Mula yata ng magtira kami dito apat na beses palang ako nakasakay.Puro lakad lang kasi yung ginagawa ko sayang kasi yung pamasahe.Nilayasan ko nalang yung pedicab driver tutal may sakayan pa naman ng jeep sa kanto doon syiete lang.

Nang makarating ako ng bahay hinubad ko agad yung sapatos ko ang sakit kasi sa legs ng may takong.

"Hoy Joe ang agang tv niyan ah alam mo namang nagtitipid tayo sa kuryente wala ka bang pasok"Tuloy tuloy ang pagsasalita ko habang hinahanap ko yung tsinelas ko.

"Ate naman oh Nba Finals ngayon mamaya pang tanghali yung pasok ko."Nasa tv parin ang tingin niya.

"Ang isipin mo yung finals mo sa school hindi yang basketball at hindi ka naman yayaman dyan."Kumuha ko ng lalagyan para isalin yung dala kong ulam.

"Jamie magsandok ka na ng kanin at kakain na tayo.Pero hindi niya ko Pinansin.Mukha yatang walang naririnig to ah.

"Hoy Jaymie!Tama na yang facebook na yan makakakita ka lang ng boyfriend dyan eh."Nilagay ko yung mga plato sa mesa . "Pakikiligin ka tapos hindi naman kayo magkikita wala ring kwenta baka may asawa pa yung makilala mo dyan."

"Hay si ate naging ampalaya na naman.Kakamot kamot sa siya ulo.

"Ano yung sabi mo?"Kunot noo ko.

"Wala sabi ko ang sarap ng ampalaya"

"Hoy Jaymie alam ko yung sinabi mo ha porke hindi ako mahilig sa mga ganyan akala mo hindi ko alam yung mga hashtag bitter hashtag hugot na yan ha."

"Uy si ate alam pala yung mga yun naka uso ka na ah?."

"Naririnig ko lang sa mga kasamahan ko sa trabaho ko yon."Pero wala akong time sa mga ganon ang gusto lang kumita ng pera yun lang.

"Joe kailan ka magbabayad ng tuition?

"Nextweek na ate.Hay jusko gustuhin ko mang magpahinga hindi pwede.Ako lang ang inaasahan ng mga kapatid ko.Buti nalang malapit na si Jaymie makatapos.Si Joe 3rd year na.Pinipilit ko silang makatapos kahit isang taon silang nahinto sa pag aaral.Dahil sa sunod sunod na gastos.

"Ate mag apply nga pala ko sa Jollibee mamaya."

"Huwag na mamaya hindi ka pa maka graduate niyan."

"Ate kaya ko yun walong oras lang naman yun at isa pa para matulungan na rin kita diba?Hindi naman pwedeng ikaw nalang lagi."Napatigil ako sa pagkain at napabuntong hininga.

"Ok sige pero kung hindi mo kaya ihinto mo agad ha."Sabi ko nalang sa kanya

"Sige ate ,ate magrelax ka naman kahit minsan 24 ka palang para ka ng 34 sa wrinkles mo eh.

"Hay kumain ka na nga lang ,Joe sumabay ka na samin.

Kailangan kong sipagan para kahit papaano may matira sa naipuntar nila Mama.Yun nalang yung nag iisang alala ng pamilya namin.Nawala si Mama ng ipanganak niya si Joe.At mula ng mawala si Mama si Papa naman naluko sa sugal at babae.Tapos bigla siyang nagkasakit kaya naibenta namin lahat ng ari arian namin at iniwanan pa kami ng maraming utang.Kaya nga napadpad kami dito sa Maynila yung iba tinakasan nalang namin dahil sa araw araw na paniningil nila.Yung beach house nalang namin yung natitira sa Pangasinan at malapit ng ma ilit ng bangko.Hinuhulog hulugan ko naman kasama yung tubo kaso ilang buwan na kasi kong hindi nakakabayad. Naging sunod sunod kasi yung gastos namin.Pinauupahan naman namin yun para maidagdag sa bayad sa bangko.Kaso pinangbabayad ko din minsan sa naiwang utang ni Papa sa mga kamag anak namin ang higpit kasing maningil.

"Ate,Ate.."Unti unti kong dinilat ang mata ko ng marinig ko yung tawag ni Joe.

"Oh bakit ba."Mahina kong sabi parang walang lumalabas na boses sa bibig ko.

"Papasok na ko ate."Tumango lang ako."Wala pa kong baon".Oo nga pala hindi ko pa siya nabibigyan.

"Kuha ka sa wallet ng otsenta."Medyo naidilat ko yung mata ko nung lumapit siya sa bag ko."Joe isang daan yan."Sabi ko sa kanya.

"Ate naman hustuhin mo ng one hundred kinakapos ako eh."

"O siya sige."Napangiti siya sakin.

"Thanks ate pasok na ko."Hawak hawak ko ang ulo ko kulang pa kasi ko sa tulog.Tiningnan ko yung oras hays papasok na naman ako sa isang trabaho.

Dalawa kasi yung trabaho ko yung isa sa convenience store yung isa dito lang sa may Tutuban mall buti kakilala ni Tsang Myrna yung may ari kaya pumayag kahit limang oras lang ako.Sayang kasi yung oras kung hihiga lang ako dito at tatanga.Minsan kapag restday ko naman nag aalok din ako ng bra,make up katulad ng avon at personal collection etc..



PLEASE LIKE AND FOLLOW ...

My Ex Next Door (COMPLETED)Where stories live. Discover now