Tiningnan ko silang lahat. Si Lester namumutla na habang nanginginig. Ewan ko pero parang nanginginig sya eh. Si Kats naman hindi makatingin ng diretso kay Daniel. Palinga linga sya sa paligid at iniiwasan nyang tumingin sa direksyon nya. Si JC, biglang kinuha yung magasin na nasa table tapos kunghari nagbabasa pero halata namang kinakabahan sya. Pinagpapawisan kasi sya tapos palipat lipat ng pages sa magasin. Pero si Seth napaayos lang sya ng upo. Para nga syang isda kasi binuka nya yung bibig nya pero sinarado din agad. Parang may gusto syang sabihin pero di nya magawa. Tiningnan ko naman si Daniel na nasa gilid ko. Nakangisi sya habang tinitingnan yung apat. Pero yung ngisi nya parang....

Parang may gagawing syang masama.

"U-uh Kyle"

"A-ano kasi Daniel"

"G-ganito kasi y-yun"

"U-uhmm wait"

Sabay sabay na sabi ng apat. Parang nag aanlinlangan pa sila sa mga sasabihin nila. Tapos medyo nanginginig pa yung mga boses nila. Para nilang kaharap si kamatayan tapos nagmamakaawa sila dito na wag muna silang kunin. Eh si Daniel lang naman kaharap nila. Oo alam ko namang kinatatakutan 'tong si Daniel pero sa itsura nila ngayon ay parang papatayin sila anytime eh wala namang hawak na patalim tong isa. Nakaupo lang sya tapos seryosong nakatingin sa apat.

Habang tinitingnan ko sya ay bigla naman syang tumingin sakin. Biglang tumaas lahat ng balahibo ko tapos parang may dumaang malakas na hangin sa harap ko nung tumingin siya sakin. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng takot. Sobrang seryoso ng mukha nya at parang papatay talaga sya ngayon.

Ngayon. Nararamdaman ko na ang nararamdaman ng SHAYDON nung sila ay tinitingnan ni daniel. Para syang si kamatayan. Walang umiimik saming lima. Tahimik lang kaming lahat at wala gustong magsalita o kumausap kay Daniel.

"SHAYDON" pagkasabing pagkasabi nun ni Daniel ay biglang napaayos ng upo yung apat. Para silang soldiers kasi sabay sabay silang gumalaw nung binanggit ni Daniel yung pangalan ng grupo nila. Nakatingin lang sa kanya yung apat at nag aantay sa susunod nyang sasabihin. Pero walang sinabi si Daniel na kahit ano. Inikot nya lang ang ulo nya ng kaunti. Pagkatingin ko sa apat, lahat sila ay parang nawalan ng hangin sa katawan. Ang putla putla ng itsura nila. Parang may naintindihan sila sa simpleng kilos lang nun ni Daniel na hindi ko maintindihan kung ano ba yung nais nyang iparating. Grupo nga talaga sila.

"Base" simpleng sabi nito. Sabay sabay naman silang apat na napabuntong hininga. Parang nabunutan sila ng tinik sa katawan. Bumabalik na din yung itsura nila sa dati. Ano kayang meron sa base kuno ni Daniel at parang nawalan ng napakabigat na problema itong apat? Pero kahit na hindi na sila gaanong maputla ay kitang kita mo pa rin sa kanilang kinakabahan sila. Pinagpapawisan kasi, kaya nasabi kong ganon.

"You know what, poor people is not allowed here" biglang nabaling ang atensyon ko kay Daniel. Mukhang ako naman yung sunod nyang target. At ang sakit ng sinabi nya ha, alam ko naman yun eh kaya nga nahiya akong pumasok dito nung una kasi parang mas maganda pa yung mga damit ng maids nila dito kaysa sa damit ko sa bahay. Pero napaka straight forward nya sa lahat ng bagay. Walang paligoy ligoy eh.

"A-ano s-sorry" feeling ko hindi ko pwedeng labanan si Daniel dito. Sa kanya itong bahay kaya wala akong karapatang bastusin sya. At isa pa, mayaman sya at mahirap lang ako. Baka kasi kapag kinalaban ko sya, tumawag sya ng pulis at ipadakip ako. Mahirap na noh! Wala akong pangpyansa sa sarili ko kapag nangyari yun.

"Get out of here." ha? Paano na yung project namin? Akala ko ba gagawa kami?. Napatingin tuloy ako kay Lester. Nakatingin din sya sakin. Ay mali. Nakatingin pala silang lahat sakin. Nakita ko namang may sinabi sya pero hindi gaanong malakas. Pati sila Katsumi ganun din yung sinabi.
Sorry. Tapos sabay sabay silang yumuko at umiwas ng tingin matapos nilang sabihin iyon sa akin.

That Guy [KN]Where stories live. Discover now