17. Finally

1K 26 0
                                    


***

Kathryn's POV

"Ano ng gagawin ko?Ha?ha?"

"Kalma ka lang okay? Kalma"

"Uwi na lang kaya ako?"

"Kath nandidito ka na eh"

"Shit! Shit! Kinakabahan ako!"

Huhu. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Yung......yung nangyari sa kwarto ni Daniel, hindi....hindi ko alam. Ba't hindi ko kasi sya tinulak kaagad eh. Huhu paano ko na sya haharapin ngayon? Shit!

"Hahaha alam mo, congrats! Hindi ko alam na ganun pala si Daniel kapag may pinapasok kang babae sa kwarto nya hahaha" hindi na nga ako makapag isip ng maayos, sasapawan pa ni Kats ng pangaasar nya. Ayaw naman akong pauwiin nitong mga to kasi daw ako yung nakiusap na gumawa sila ng project tapos ako pa daw yung unang aayaw. Sino ba kasing hindi aayaw dahil sa nangyari kanina? dba? Nanginginig pa rin yung tuhod ko hanggang ngayon at feeling ko namumula pa rin ako.

"Hahaha. Tama na Kats! Kasing pula na ni Kath yung kamatis oh!" Oo na! Alam ko na yun JC. Kailangan talagang ipagsigawan pa eh noh!

Nawawala na nga ako sa sarili ko ngayon eh.

"Haha. Ano kayang mangyayari kung hindi natin binuksan agad yung pintuan ano? Siguro may kababalaghan ng nangyari doon. Diba Kath?" Sinamaan ko na lang ng tingin si Kats. Pero aba't- ang mga siraulo, pinagtawanan lang ako!

Bigla naman silang napatingin sa hagdan at tumahimik. At sa oras na yun... alam ko na kung sino ang tinitingnan nila. Para akong naestatwa sa kinauupuan ko ngayon dahil hindi ako makagalaw. Gusto kong tumakbo pero hindi ko maigalaw yung katawan ko. Parang wala din akong naririnig bukod sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko at sa yabag ng mga paa nya papunta samin.

"What now?" Nakita ko naman syang umupo sa single couch sa gilid ko. Nakatingin lang sya kanila Seth kaya alam kong hindi ako ang kinakausap nya. Buti na lang kasi hindi pa din ako handa. Ano ba kasing pumasok sa isip nitong mokong na to at ginawa nya yun?

"Let's start the kiss-- I mean the project" nakita ko namang ngumisi si Lester kay Daniel at narinig ko din ang hagikhik ng apat dahil sa sinabi ni Lester. Langya ka Lester!. Pasimple ko namang tiningnan ang reaksyon ni Daniel pero nakataas lang ang kilay nito habang nakasandal sa couch na inuupuan nya. Bakit ang cool cool mo matapos ang nangyari? Samantalang ako halos atakihin na sa puso dito!

"Hahaha oo nga. Saan bang mas maganda gawin yung kiss-- I mean yung project. Sa kwarto mo-- I mean sa garden o dito na lang sa sala?" Pinagtitripan talaga kami ng apat na to ah! Papatayin ko talaga kayo Kats kapag nakaalis na ko dito! Kahit ibully nyo pa ko, magantihan lang kita.

"What do you mean?"

"Saan ba natin gagawin yung project?"

"For what?"

"Ayyy naku! Yung para sa history! Baka yung kiss-- I mean yung missions mo lang yang naiisip mo ah!" namumuro na sakin to si Kats ha! Pero anong missions yung pinagsasabi nya? Ayyt bahala nga sya dyan. Halata namang sinasadya talaga nya yung pagsabi ng kiss eh.
Lahat sila sinasadya yun. Mga siraulo talaga. Dapat pala hindi na lang ako pumunta dito eh. Huhu.

"Why are you here? Did I ask you to come here?" nagulat ako ng kinausap ako ni Daniel. At nagulat din ako sa tinanong nya. Akala ko ba sya yung may sabi na sunduin ako? Ano yun?

"Ha? Sabi ni Les--"

"Lester huh?" Tumingin si Daniel kay Lester na ngayon ay namumutla na. Ewan ko kung bakit naging ganun yung reaksyon nya eh ang saya saya nya nga kanina eh. Siguro natatakot sya dito kay Daniel kasi ang sama ng tingin ni Daniel kay Lester tapos nababalutan pa sya ng black aura nya. Nakakakilabot tuloy kahit ako natatakot sa kanya. Pero bakit naman matatakot si Lester kay Daniel?

That Guy [KN]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang