Natigilan ako at napakunot noo.

Ano? Hindi ganun ang plano niya?

"Gusto kong maging legal na Escaner si Althea. Sa legal at mapayapang paraan. Pero ayaw ko naman na malaman ng pamilya ko na naghihirap ang pamilyang pinanggalingan ng anak ko. Baka isipin nila na kaya ngayon mo lang naisip na ilagay sa apelyido namin ang anak ko ay dahil sa pangangailangan. I don't want that to happen. Kaya nga habang maaga pa. Inaayos ko na ang problema ninyo." 

"Nang iinsulto ka ba o ano?!"    Bulyaw ko sa kanya.

"I'm just stating a truth. Kailangan mo ako ngayon, Milca. At simple lang naman ang hinihiling kong kapalit di ba? Actually, it's benificial pa nga sa part ni Thea ang hiling ko. It's all for my daugther's sake."

Mabigat akong napahugot ng hangin.      "Why are you so eager for this?"      

"Walang ibang dahilan. I just want to give Thea what she really deserves to have from the start."      Seryoso at malumanay niyang wika.

Natahimik naman ako.

Bumuntung hininga siya ng malalim at umiwas ng tingin. Nanatili naman ako sa pagtitig sa kanya. Pilit kong binabasa ang nasa isip niya pero..... Pero... Hindi ko siya maintindihan.

Bakit? Bakit pa siya nag abalang magpunta dito? Bakit kailangan niya itong ipilit sa akin? Ganito ba kahalaga si Thea sa kanya. Akala ko ayaw niya ng anak. Ayaw niya ng responsibilidad na katulad nito.

Muli niya akong tinignan at agad nagkonek ang mga mata namin. Napasinghap ako ng lihim. Kumalabog ang puso ko sa kaba. There's something in his eyes that i still cannot figure out.

"Karapatan din ng mga magulang ko  at Lolo na makilala ang apo nila hindi ba, Milca? Bakit ipagkakait mo sa anak mo ang isang magandang buhay?"      Biglang wika niya.

Nanggi-guilty pa toh!??

"Dahil hindi yun ganun kasimple!"    Sagot ko.

"Simple lang ito kung iisipin mo lang si Thea. Si Thea lang Milca."      Madiin niyang sabi.

Mariin akong napapikit sandali.

"Let's have a contract marriage!" 

Gulat na gulat ko siyang tinignan.   "What??!" 

"Contract marraige. Pagpapanggap lang. Then after na maging Escaner na si Thea we can null and void the contract."     Walang anumang dugtong niya pa.

One Hand, One Heart [Escaner Legacy 3]Where stories live. Discover now