Page 19

371 13 0
                                    

Page 19

Faith

*****

Maaga kami ni Thea sa tindahan ni Nanay. Kami ang bantay ngayong araw dahil lumuwas si Nanay para mamili ng paninda. Isinama niya ang batang katu-katulong niya rin dito sa tindihan.

Nasa isang sulok ng store si Thea at naglalaro ng kanyang manika. Abala naman ako sa paglilinis nang may dumating na unang customer namin.

"Good morning."        Bati nang babaeng pumasok. Tinignan ko ito ng mataman. Maganda siya, maputi at petit. Mahaba ang hair niya na copper brown ang kulay at may bangs siya. Bumagay sa pa-oblong niyang mukha ang kanyang bangs.

Tumayo ako ng deretso at hinarap siya na may ngiti.      "Good morning. Anong hanap nila?" 

Ngumiti ito at ng lumapit pa ito ng konti at naamoy ko ang kabanguhan nito.

"Kukuha sana ako ng labinlimang set na pan-gantsilyo."        Tumingin siya sa akin.       "Wala si Ka Marya?"

"Namili siya sa kabilang bayan." 

"Aahhh... I see."    Napatango ito.

"Ako ang anak niyang babae kaya ako muna ang pinagbantay niya."

"Oh?"      Napangiti siya ng malapad.      "Ahh, ikaw yung anak niyang nagta trabaho sa Manila. Ang nag iisa niyang babae."

"Oo."    Tango ko.

"Ang hirap maging unica hija, hindi ba? Nakwento kasi ni Ka Marya na isa ka nga lang na babae niyang anak then dalawang lalake ang panganay. Alam ko ang feeling kasi ganun din ako."      Ngumiti siya.      "Nag iisa lang din akong babae tapos puros lalake ang kapatid ko."

Napangiti ako,     "Talaga?"     Nakasumpong pa yata ako ng bagong kaibigan.

"Syangapala. Ako si Bianca."      Saka siya naglahad ng kamay sa akin na agad ko namang tinanggap.

"Milca."     Tapos ay ibinaling ko ang aking tingin sa pwesto ni Thea.       "And, siya ang anak ko. Si Thea."  

Nilingon kaagad ni Bianca si Thea at namangha.      "Wow! Ang pretty niya. "  

One Hand, One Heart [Escaner Legacy 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon