Page 18

324 11 0
                                    

Page 18

Mabait

*****

"Good morning!" 

Napa-angat ako nang tingin mula sa ginagawa kong pag-aayos ng ilang stocks ni Nanay sa estante nito. Nakita ko si Thea na tumakbo agad upang salubungin iyong bagong dating na walang kundi si Emman.

Napangiti ako.

Nagmano kaagad si Thea kay Emman at ngiting ngiti naman ang huli.

"Breakfast delivery for two."     Wika pa ni Emman saka ipinakita kay Thea ang paper bag na dala niya.

"Anu po yan?!"      Curious na tanong ng anak ko.

Sumandal ako sa may estante at minasdan silang dalawa.

"Hulaan mo?"     He sniff na parang tini-tease si Thea.

"Chi-ken?"    Naki-sniff rin sa paper bag si Thea. Natawa ako ng tahimik.

"Favorite mo ba ang chicken?"    

"Opo!"      Kinuha na ni Thea yung paper bag at sinilip ang laman niyon.      "Chi-keeeennn!!! Mommy!!"

Natatawang nilapitan ko na sila. Tumayo naman ng deretso si Emman at humarap sa akin na may magandang ngiti.

"Masyado mong ini-spoil ang anak ko sa pagkain."      Ngumiti ako at humalukipkip.

"Okay lang."      Wika ni Emman.     "Madali lang naman siyang i-please hindi katulad ng Nanay niya."     He playfully pout after.

Natawa ako ng mahina.     "Sira."

Inabot sa akin ni Thea ang pagkaing dala ni Emman then inaya ko na sila na kumain.

Magkatabi kami ni Emman sa harap ng make-shift na mesa habang pinapanuod namin na sarap na sarap sa kinakaing sphagetti at chicken si Thea. Favorite kasi niya ang Jollibee at yun pa ang binili ni Emman.

"Galing ka pa sa kabilang bayan?"   Tanong ko. Wala pa naman kasing branch ng Jollibee dito sa bayan namin so kung nakabili siya nyan....

"May hinatid kasi ako sa kabilang bayan then nadaanan ako dyan. Naalala ko kaagad si Thea."     Tumingin siya sa akin sabay ngiti.     "Ang thoughtful ko ba?"

"Tss."    Yabang. Nangiti ako.      "Sige na. Since napasaya mo naman si Thea eh. Oo na lang ako."

"Grabe naman siya."     Natawa siya.    "Napilitan pa ah."

Natatawang nailing na lang ako.

"Ayaw mong kumain?"      Inabot niya yung isang fries at inilahad sa tapat ng face ko.

"Ikaw na lang."

"Kain na. Say aahhhh...."        Nakangising aniya saka inilapit sa bibig ko yung fries. 

One Hand, One Heart [Escaner Legacy 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon