Chapter 16

2.6K 43 10
                                    

Photoshoot

Beatrice POV

Knock Knock.......
"Bi? Pinapatawag na tayo nila dean. Aantayin kita sa labas" sigurado akong si xi yun. 

"Okay, maliligo lang ako!" sigaw ko sakanya. 

"Okay"

Tumayo na ako at nag inat tsaka pumasok ng banyo , ilang minuto ang tinagal ko sa banyo tsaka ako lumabas para humanap ng damit.  Napag disisyonan kong mag short at Lose shirt nalang , nag ayos na din ako ng buhok at nag nag lipgloss nung sa tingin ko okay na yung mukha ko kinuha ko yung  sunglass ko at lumabas na. 
Pero paglabas ko ng kwarto wala ng tao sa nipa hut.  Hay.  Siguro lumabas na yun si xian .
Pagkalabas ko sinalubong ako ng init ng araw.  Hindi ko nga pala natignan kung anong oras na.  Habang nililibot ko yung tingin ko sa lugar may tumawag sakin.

"Beatrice?" pagkaharap ko si jk pala . Tumatakbo habang nakangitin.  Nung makalapit sya "Alas dos na , tara na pumunta na tayo dun sa cottage natin para kumain" pag aaya niya sabay turo dun sa cottage na malaki. 

"Alas dos na pala , Hindi kasi talaga maganda ang lagay ng katawan ko kaya ang haba ng tulog ko" sabi ko sakanya habang naka tingin sa cottage na sinasabi nya. 
Nagulat naman ako nung dumapo yung kamay nya sa leeg at noo .
"May sinat ka nga" habang kapa kapa nya yung noo ko

"Sinat lang to"naiilang na lumayo ako sakanya

"Uminom ka ng gamot pagkatapos kumain" sabi nya nang nakarating na kami sa cottage.  Inalalayan nya akong umupo.  Namangha naman ako sa dami ng pagkain na nakahain.  Ngayon lang ako makaka kain ng madaming kasabay . Sa bahay kasi Hindi ako nagpapaluto ng madami dahil ako lang naman kumakain mag isa , kung may makakasabay naman si ally at natz lang. 
Natigil ako sa pag iisip nung nagsalita si Jk
"Okay ka lang" parang nag aalala .

"Yeah , Natutuwa lang ako na madami akong kasabay sa kainan" at ngumiti ako sakanya.  Magsasalita pa sana siya nung nag salita si dean

"Goodafternoon everyone.  Sigurado nakapag pahinga kayo, pagkatapos kumain ay mag uumpisa na ang shoot.  May mga sarili kayong spot at photographer kaya magkakahihiwalay kayo . Pero shempre magkasama ang partner.  nandito rin ang representative ng iba't ibang school . I want you to give your best. Is that clear ?" nakangiti syang sabi nya. 

"Yes Dean" sabi naming apat pero nangingibabaw ang boses ni Celine

"Okay let's eat" sabi ni dean , ganun nga ang ginawa ng lahat . Nag umpisa na silang kumain.  Ako naman nag sign of the cross at pumikit para magdasal , pagkadilat ko nakatingin sila sakin lahat . Napawi nalang yun nung nag salita si JK

The Fearless Queen GangsterWhere stories live. Discover now