Unti-unting dumausdos ang pocketbook revealing that innocent, sleeping face. He doesn't mean to, but he stared at her face for a long while.
Umungol ito ng bahagya. "Whareyoulookingat.."
Kinabahan siya. Anong isasagot niya? Handa na siyang tumakbo palayo dito ng bigla itong ngumiti.
"I'mnotreznying.." she said and snored lightly.
He huffed in relief. "She's dreaming." He silently laughed and continued staring at her. Natauhan lang siya nang tawagin siya ng librarian.
"Ah, that student..." tinuro niya ang natutulog na babae.
"Oh, that's Louella. Just let her be. She was excused from her class due to abdominal pain. I told her to go home, but she insisted to stay here." sabi ng matandang ginang.
Napatangu-tango siya. "Ah... Louella." Tiningnan niya pa ito ng isang beses, saka ngumiti.
The second time was when he visited his brother's classroom. Doon niya nalaman na magkaklase pala ang dalawa. Simula noon, lagi nang hinahanap ng mata niya ang presensya ng babae. Naging suki din siya ng library, madalas kasi ito doon. Ginagawa yata nitong tambayan ang library kapag free time nito.
Doon niya nabuo ang planong gawing study buddy ito.
> > > > >
"YOU'RE just too good to be true... Can't take my eyes off you."
"Panot, sintunado ka. Tumahimik ka nga." saway niya dito habang naglalakad sila sa grounds papuntang exit gate ng campus. Kakatapos lang ng last subject nila at ngayon nga ay pauwi na sila.
"'Di baleng sintunado, basta tama ang lyrics ko." proud pang sagot nito. "Look, oh."
Ininguso nito ang kumpol ng mga basketball players sa bench. Napatingin siya sa gawing iyon.
Unang nahagilap ng mga mata niya ang nakaupong si Venger na tila nakatingin sa kawalan. Biglang kumabog ang dibdib niya. Ganito na talaga lagi ang epekto nito sa kanya kapag nakikita niya ang lalake.
"Hindi kasi yan.." Naramdaman niyang hinawakan ni Steff ang ulo niya saka ipinaling sa ibang direksyon, "Yun oh!"
Kapagkuway nakita niyang nakangiti sa kanya si Jayle. Maya-maya ay kumakaway na ito sa kanya saka parang sumenyas ng 'sandali.' Ipinasa nito ang bolang hawak nito kay Venger na waring natauhan.
Napatingin siya kay Venger, na ngayon ay nakatingin na rin sa kanya.
"Louella. Pauwi ka na?" ani Jayle. Nakalapit na pala ito sa kanya.
Tumango siya. "Uhm-um." She smiled.
"I see. Ahm.. Are you.. f-free, tomorrow?"
Napaisip si Louella. Sabado bukas, wala naman siyang maalalang gagawin.
"Yes kuya, why? Do you still need the book?" Nagtaka siya, sa pagkakaalam niya, kanina ang deadline ng research nito. Sa monday naman ang sa kanya.
"N-no. Actually, I already submitted my research, this afternoon."
Kunot-noong napatingin siya rito. "That's good." sabi na lamang niya.
"I was hoping I could invite you out, tomorrow."
Napatanga si Louella. Invite me out?
Bago pa man siya makapagtanong kung anong ibig sabihin nito, ay biglang may tumamang bola sa may bandang balikat nito. Nagulat silang pareho.
Inis na nilingon nito ang nagtapon niyon. "What's wrong with you?!"
"Tawag ka ni coach." salubong ang kilay na sabi ni Venger.
Nagkatinginan pa ulit sila saka ito tumalikod, pabalik marahil sa upuan nito.
"I'll just text you the details, Louella." sabi nito saka nagmamadaling pinuntahan ang coach.
Napatingin siya dito nang may pagtataka, saka namalayan ang sariling tinatanguan na pala niya ito.
"Jealous of the one who finally found you. Made your sun and your stars collide."
"Panot! Tone deaf ka nga. Wag mo na ipilit."
"So ano na? Anong score niyo ni Senpai?"
"Anong score ba pinagsasabi mo? Hindi ko pa nga napapasa project ko. Tsaka malay ko sa score niya. Hindi mo ba narinig, kakapasa niya lang kanina."
"Hayy! Maganda ka sana, pero tangengot ka."
"Pogay ka sana, pero sintunado ka." ganti niya rito.
> > > > > N E X T C H AP T E R C O M I N G U P < < < < <
ANDA SEDANG MEMBACA
It Started With A Text
Cinta"Kung ako sayo, habang maaga pa, itigil mo na yan." Seryosong suhestyon nito. "Paano kung hindi ka nga mabuking, pero na-in-love naman sayo yung tao. Gaya nga ng sabi mo, lately parang nagpapahiwatig na siya. Oh, anong gagawin mo?" "Hindi ko alam, '...
CHAPTER 4
Mula dari awal
