TUMUNOG ang cellphone ni Louella habang naglalakad siya patungo sa locker niya. Nagtaka siya. Walang ibang magsasayang ng load para tawagan siya kundi ang pamilya niya. Dali-dali niyang hinagilap ang cellphone sa bag. Nang mahanap ay tiyempo namang natapos ang tunog nito.
Number lang ng tumawag ang nakapaskil sa screen. Kaya malamang ay hindi niya kilala kung sino ang tumawag. Wala din siyang load para mag-call back, kaya hinintay na lang niyang tumawag ulit iyon.
Binuksan niya ang locker niya saka kinuha ang mga librong gagamitin para sa susunod na subject niya. Pagsara niya ng pinto ng locker, ay nagulat siya. Nasa likod niyon si Venger at matamang nakatitig sa kanya.
Bumilis ang pintig ng puso niya. Nababahala siya na baka marinig nito iyon. So she loudly cleared her throat and reverted to her original self.
"What are you looking at?!" she fearlessly asked.
Venger looked like he had something to say or ask. And before he could do it, someone called out his name.
"Venger!" it was Celyn. Lumapit ito saka humawak sa siko ni Venger. "I saved you a seat sa AVR. Tara, dumadami na tao." sabi nito, saka ngumiti sa kanya ng bahagya.
"Right!" sabi niya nang hindi natinag sa kakatitig sa kanya si Venger. "Mauna na ako, baka wala na akong maupuan." sabi niya sabay tumalilis palayo sa dalawa.
What was that? Louella pondered.
Halos kainin na siya ng kaba kanina. Parang nagka-trauma yata siya kay Venger. Sa tindi ng guilt na nararamdaman niya, idagdag pang hindi pa nabubunyag dito ang lahat, pakiramdam niya habang tumatagal mas lalong lumalaki ang kasalanan niya kahit pa sabihing itinigil na niya iyon.
Pagkatapos ng huling text niya dito ay nagpalit na siya ng sim. Kasabay din niyon ay ang pagbalik ng lahat sa dati. Maging ang seating arrangement sa bus ay bumalik rin.
Ang nakakatawa, parang siya ngayon ang naiwan sa ere. Hindi na kasi bumalik sa dating lugar nito ang puso niya.
Hindi narin muling naungkat ang tungkol kay Rezny. Siguro dahil naawa rin dito ang mga classmate niyang bruha, lalo pa noong namayapa ang mommy ni Venger.
Hindi niya alam, but Venger still manages to make her feel like she broke his heart kahit pa hindi naman nito alam na siya si Rezny. Siguro dahil bilang si Louella, isa siya sa nagsuggest dito na kalimutan na si Rezny. Kaya siguro ganoon ang nararamdaman niya kapag kaharap si Venger.
Dahil doon, napagdesisyunan niyang iwasan ang lalake. Mejo nakahinga naman siya ng maluwag dahil hindi na rin siya kinikibo nito. Kahit magkasalubong na sila sa hallway o kahit saan, ni-hindi siya tinitignan nito.
But what was that, just now?
> > > > >
NASA library ngayon si Louella at nagre-research. Biglang naging maingay ang atmosphere sabay nakarinig siya ng saway mula sa librarian.
Napalingon siya sa kinaroroonan ng ingay. Grupo ng seniors iyon sa kabilang table na nakatingin sa entrance ng library at tila may kinakawayan. Sinundan niya ang tingin niyon at nakita niya ang 'study buddy' niyang nakatayo lang roon. Nakatingin din ito sa kanya saka ngumiti ng pagkatamis-tamis.
Ngumiti siya bilang ganti. Nagsimulang maglakad ito papalapit. Ibinalik niya sa librong binabasa ang mata. Akala niya kasi ay sa kabilang table ito papunta. Nagulat nalang siya nang may umupo sa tabi niya.
YOU ARE READING
It Started With A Text
Romance"Kung ako sayo, habang maaga pa, itigil mo na yan." Seryosong suhestyon nito. "Paano kung hindi ka nga mabuking, pero na-in-love naman sayo yung tao. Gaya nga ng sabi mo, lately parang nagpapahiwatig na siya. Oh, anong gagawin mo?" "Hindi ko alam, '...
CHAPTER 4
Start from the beginning
