Unlike Venger, palakaibigan at palangiti si Jayle. Maraming nagkakagusto dito hindi lang dahil gwapo ito, kung hindi dahil na rin sa charming na personality nito. Matalino rin ito at magaling sa lahat ng extra curricular sa school.
Ang ipinagtataka ni Louella ay kung bakit nagpapakilala ito ngayon sa kanya. Maliban sa kapatid nito ang kaklase niyang si Venger, wala na silang konek.
Tahimik lang siyang naglalakad sa hallway habang binabasa ang pocketbook na hiniram niya sa library kasama ang iba pang reference book na kailangan niya sa project nila.
Ano't biglang kinausap siya nito?
"And you're...?" nakangiting tanong nito.
"Ah, Louella po."
Nagtataka man, agad niyang kinamayan ito bago pa man maging awkward ang lahat.
"I know." sagot nito na mas lalo pang nagpalapad ng ngiti nitong nagpalalim ng husto sa mga biloy sa magkabilang pisngi nito.
"Po?" naguguluhan niyang tanong.
"I know you're Louella."
"Oh," Napansin niyang hindi pa nito binibitawan ang kamay niya, kaya pasimple niyang hinila ito.
"I'm sorry." sabi nito nang mapansing hinihila niya ang kamay niya na hawak nito. "Uhm, I just want to ask you when are you going to finish that book?"
Napatingin si Louella sa pocketbook. "Ito po?"
"Oh, no... That one, Emergence of Gravity." sabay turo nito sa librong kipkip ng kaliwang kamay niya.
"Ah... This one." Naalala niya, nag-iisang kopya nalang pala iyon sa library. "Do you need it po? I can lend it to you. May ibang reference pa naman po ako."
"No, it's okay. I can wait." maagap na tugon nito.
"Hmm, if it's for Sir Nathan's subject, I think we both have the same deadlines po." she figured. "You can have it, graduating ka pa naman po. You need it more than I do."
"I have a better idea," sabi nito na may kislap sa mata. "Why don't we just study together?" dagdag nito na ikakunot ng noo niya.
"Ahh.." Napaisip si Louella. Hindi ba awkward. Hindi naman kami magkaibigan, tsaka, fourth year siya, third year ako. "Our schedules don't match, so I think it's impossible po." palusot niya na medyo totoo naman.
"I'll adjust!" maagap na sagot nito.
Wala nang maisip na palusot si Louella na hindi nakakaoffend pakinggan, kaya napapayag siya nito.
"Can I have your number?" sabi nito saka abot ng cellphone nito sa kanya.
Tinignan niya ito nang may nagtatanong na mata.
"So we can contact each other about our free time, is that okay, study buddy?" he smiled.
How can she say no to those dimples.
> > > > >
YOU ARE READING
It Started With A Text
Romance"Kung ako sayo, habang maaga pa, itigil mo na yan." Seryosong suhestyon nito. "Paano kung hindi ka nga mabuking, pero na-in-love naman sayo yung tao. Gaya nga ng sabi mo, lately parang nagpapahiwatig na siya. Oh, anong gagawin mo?" "Hindi ko alam, '...
CHAPTER 4
Start from the beginning
