L.t.DJP - Unang Sulat

162 8 4
                                    

Dear DJP,

You may be clueless kung sino ako. Sino nga ba naman kasi ako? Simpleng fan. Simpleng babae. Simpleng tao...

Simpleng tao lang ako na nagmamahal sa iyo.

Hindi nga ako sure kung mapupunta pa sayo 'to eh. At kung malalaman mong may ganito pala sa mundo. Sa sobrang busy mo, sa sobrang dami ng projects mo, sa sobrang dami ng fans mo, magkakaroon ka kaya ng time para mabasa mo 'to?

Ang imposible lang naman kasi, diba?

Pero, heto ako, abalang nagsusulat nitong letter. Ang adik lang, diba? Yung alam kong wala naman talagang pag-asa na mabasa mo 'to, pero, ayan, tuloy tuloy lang ako sa pagttype. 

Ang hopeless ko talaga.

Pero, wala eh. Umaasa pa rin ako na sana, malaman mo ang tungkol dito. Malaman mo ang existence nitong L.t.DJP. Haaay, ano bang ginawa mo at nagkakaganito ako? Pero, alam naman nating lahat na hindi mo kasalanan 'to. Actually, parang ako pa nga ang may kasalanan eh. Di mo naman ako pinilit na maging fan mo. Di mo naman ako pinilit na i'save lahat ng photos mo. Di mo naman kasalanan kung bakit puro kanta mo ang nasa playlist ko. Di mo naman kasalanan kung bakit puro posters at magazines mo ang nasa kwarto ko.

Di mo naman kasalanan yun eh.

KASALANAN MO BANG POGI KA? Hindi naman diba?

Grabe, bakit ko nga ba sinusulat 'to? Para sumikat? Para magpapansin sayo?

Pwede. Kaso hindi.

Ginagawa ko 'to kasi gustong maramdaman mo kung gano kita kamahal. Alam mo ba yung distansya ng North Pole to South Pole? Ganun kalawak! Ganun kalawak ang sakop ng pagmamahal ko para sayo. I'google mo para malaman mo yung exact ha?

Siguro dito ko muna tatapusin ang unang sulat ko sa iyo. Di mo naman siguro mapapansin 'to ngayon and that gives me more time to write more lettters for you.

Basta, DJP, always remember that I love you and you'll always be my Batman, my Dedge, my Dindin. ♥♥♥

Letters to DJPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon