Chapter 30 - Realize

7.4K 129 6
                                    

Dia POV

Nandito na ako ngayon sa lugar na alam kong walang makakakila sakin kung saan pwede ako magsimula at buuin muli ang sarili ko.

Nang makarating ako dito unang pumasok sa isip ko kaya ko kaya ang buhay na hindi ko nakasanayan?

Nandito ako sa maliit na balcony ng bahay na tinitirhan ko.

"baby promise ko sayo kakayanin ni mommy kahit wala si Daddy"

hinihimas ko ang medyo maliit pa na umbok sa tiyan ko.

"aalagaan kita at mamahalin kahit tayo lang dalawa"

kakayanin ko para sa baby ko.

"pero baby di ko maipapangako na makakalimutan ko si Daddy mo kasi alam ko siya na ang lalaking mamahalin ko habang buhay"

napakasimple lang ng buhay dito hindi katulad sa manila na magulo.

Pumasok na ako sa kwarto para magpahinga bukas dadating si Lucio para samahan ako dito.

- - - -

RENCE POV

"Rence dude tama na lasing ka na eh!"Lance

"kaya ko pa"

"dude alam ko nasasaktan ka ngayon pero kasalanan mo naman diba?" Pat

tahimik lang ako nakikinig, alam ko kasalanan ko tanga kasi ko.

At yung huling araw na nakita ko si Dia at iniwan siya? Yun ang pinakamalaking katangahan ang nagawa ko.

"Pat tama na"Lance

"hindi Lance, dapat malaman niya na ang tanga tanga niya dahil mas pinili niya pa yung babae na kaya siyang iwan kahit anong oras kesa sa taong simula palang minahal na siya ! Tama naman diba Rence? Nung iniwan ka ni Jen? Masyado kang nasaktan pero nandyan si Shanz na simula palang kahit sobrang sama ng ugali na pinapakita mo sa kanya kahit ilan beses mo siya ipahiya di ka niya nagawang iwan!"

*boogsh*

"shut up Pat!!"

"bakit?! Galit ka?! Galit ka kasi totoo?! Na kahit kailan di mo siya binigyan ng halaga!! Diba narealize mo nga lang na mahal mo si Shanz nung muntik na siyang mamatay dahil sa Car accident niya?!! "

hawak hawak ko lang yung kwelyo niya tama siya, tama sila narerealize ko lang si Dia tuwing may masamang nangyayari sa kanya.

"ano Rence?! Suntukin mo ko hanggang gusto mo pero tingin mo babalikan ka ni Shanz kung ganyan ka?!! Hindi!! "- Pat

"Rence ano nga bang dahilan mo bakit mas pinili mo si Jen kesa sa sarili mong asawa?!"-Lance

"She is sick"

- - - - -

My Crush is MY Husband?! - FIN-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon