Chapter 3

354 13 13
                                    

Nang gabing iyon, hindi siya makatulog nang maayos. Kahit na dumapa siya, tumihaya o tumagilid sa pagkakahiga sa kaniyang kama ay 'di pa rin siya  dinadalaw ng antok. Ala una na ng madaling araw, ayon sa kaniyang orasan na nasa bedside table.

Bumangon siya at binuksan ang TV, ngunit wala siyang magustuhang palabas kaya pinatay  niya ito. Nananakit na ang kaniyang ulo sa sobrang pag- iisip tungkol sa lalaking tumawag sa kaniya sa telepono.

Hindi niya alam kung nagsasabi ito ng totoo o nagsisinungaling para makuha ang kaniyang atensiyon. May isang parte sa kaniyang utak na nagsasabi na paniwalaan ito kahit wala siyang matibay na ebidensiya para doon. Ano ang makukuha ng lalaking iyon kung sakaling makipagkita siya dito?

Gamit ang dalawang kamay, sinapo niya ang kaniyang ulo at naupo sa sofa na malapit sa pintuan ng kwartong iyon. Hindi siya mapalagay, aircon ang kaniyang silid ngunit pinagpapawisan siya. Gustong lumabas ng kaniyang wolf pero kailangan niyang pigilan ito. Hindi ito pwedeng lumabas sa mga ganitong sitwasyon. Kailangan niya itong makontrol para hindi maulit ang nangyari noon.

Sa mga nagdaang taon ay unti-unti niyang napag-aralan kung kailan pwedeng lumabas at 'di pwedeng lumabas sa kaniyang katawan ang sariling wolf. Minsan ay 'di sila magkasundo nito dahil kabaliktaran  nito ang kaniyang pag-uugali.

Napakabagsik nito kaya ibayong pag-iingat  lagi ang kaniyang ginagawa. Kailangan niyang mapasunod ito ayon sa kaniyang kagustuhan para na rin sa ikabubuti niya at ng Moonville Pack. Pinipigilan niya ring magalit dahil kapag nagagalit siya ay parang tinatraydor siya nito dahil bigla na lang lumalabas sa kaniyang katawan ng hindi niya namamalayan.

Natatakot ang mga miyembro ng Moonville Pack sa tuwing lalabas ang wolf ng kanilang alpha dahil mala demonyo ito sa bangis!

Oo, sinusunod siya ng kaniyang mga nasasakupan, ngunit mas gusto ni Alpha Jonas ang ideya na sinusunod siya ng mga ito dahil sa kaniyang kakayahang mamuno at hindi dahil sa takot ng mga ito sa kaniya.

Iniangat niya ang kaniyang paningin nang marinig niya ang alarm clock. Alas tres na ng madaling araw. Oras na para sa kaniyang ehersisiyo. Pinakalma muna niya ang kaniyang sarili at tumingin sa labas ng bintana.

Napakaganda ng panahon! Maraming bituin sa langit sa animo'y nagpapaligsahan sa kanilang angking liwanag. Mula sa kaniyang bintana tanaw niya ang malawak at masukal na kagubatan na pag- aari ng kanilang pamilya. Naengganyo siyang lumabas sa siya namang ikinatuwa ng wolf na nasa loob niya.

"Sa wakas, makakalabas na rin ako," wika ni Feroz, ang pangalan ng kaniyang wolf. Dumadagundong ang boses nito sa kaniyang isipan. "Ilang araw na rin tayong hindi tumatakbo, Jonas. Inip na inip na ako dito sa loob. Labas na tayo para makapag ensayo na." Mababanaag mo ang excitement sa boses nito at kulang na lang ay hilain niya si Jonas palabas ngunit hindi niya iyon magagawa dahil kontrolado siya nito.

"Pinag-iisipan ko pa kung dapat ba kitang palabasin ngayon, Feroz. Natatakot sa 'yo ang karamihan sa mga miyembro ng pack dahil sa ginawa mo noong huli kitang pinalabas."

"Kasalanan nila iyon! Kung hindi nila ako ginalit, hindi iyon mangyayari."

"Shut up, Feroz. Ayokong makipagtalo sa 'yo ngayon. Hindi na dapat maulit ang nangyari dati kaya ako ang masusunod sa lahat ng oras." Pinal na saad ni Jonas.

Bantulot man, sumang-ayon na rin si Feroz kaysa naman manatili siya sa loob. Mabubulok siya kung magbibilang pa ng araw bago siya palabasin.

Lumabas ng k'warto si Jonas at mabilis na tinungo ang hagdan pababa. Dumiresto siya sa likod-bahay. Hinubad niya ang kaniyang saplot at ipinatong sa halamang naroroon.

Ilang sandali ang lumipas, maririnig ang lagutok ng tila mga nababaling buto sa katawan. Ang kaniyag braso ay napalitan ng paa na gaya ng sa aso pati ang kaniyang mga kuko ay humaba. Humaba rin ang kaniyng tainga, tinubuan siya ng buntot at nagkaroon ng makapal na balahibo sa buong katawan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 29, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Cry Of A Lone WolfWhere stories live. Discover now