Chapter 1

511 15 1
                                    

Lumipas ang mga araw, buwan at taon subalit sariwa pa rin sa isipan ng batang iyon ang nangyaring trahedya. Ang trahedyang pilit niyang kinakalimutan ngunit pilit namang sumasagi sa kaniyang isipan. Halos gabi gabi, natatagpuan niya ang sariling nagigising mula sa isang bangungot. Masakit para sa kaniya na masaksihan ang ganoong pangyayari at wala siyang nagawa para ipagtanggol ang kaniyang mga mahal sa buhay dahil siya mismo ay hindi niya kayang ipagtanggol ang kaniyang sarili. Wala siyang magawa kundi umiyak ng umiyak kapag naaalala niya ang kaniyang mga magulang.

Ano nga ba ang nangyari sa kaniyang mga magulang? Ano ang pakay ng lalaking iyon sa kaniyang ama? Bakit biglang sumugod ang lalaking iyon sa kanilang bahay-bakasyunan? Maraming mga katanungan sa kaniyang murang isipan ngunit ni isa ay walang makapag-bigay sa kaniya ng kasagutan.

Pinilit niyang maging matatag sa kabila ng kaniyang mapait na karanasan. Nagkaroon siya ng trauma sa nangyari at isa iyon sa mga dahilan kung bakit mababa ang kaniyang self-esteem.

Mahirap para sa isang batang kagaya niya na lumaking walang gabay ng tunay na magulang. Walang magulang na maghahatid-sundo sa paaralan. Walang magulang na magsasabit ng medalya sa tuwing hihirangin siyang first honor sa kanilang klase. At ang pinakamasakit na nangyari sa kaniya ay ang i-bully ng kaniyang kaklaseng si Andrew sampu ng mga kaibigan nito sa kadahilanang wala siyang mga magulang. Araw araw lagi siyang napagti-tripan at hindi buo ang araw ng mga iyon kapag hindi siya nakikitang umiiyak. Buti na lang naroon lagi sa tabi niya ang kaniyang Tito Ismael para umalalay sa kaniya. Parang tunay na anak na rin ang turing nito sa kaniya.

Ang kaniyang Tito Ismael ay malapit na kaibigan at kanang-kamay ng kaniyang ama sa kanilang negosyo. Malaki ang tiwala dito ng kaniyang ama kaya naman palagay ang loob niya sa taong nagligtas sa kaniya mula sa trahedyang iyon. Oo, ang kaniyang Tito Ismael ang taong iyon. Nang makaligtas siya sa trahedyang iyon, ito na ang nagsilbing magulang nila ng kaniyang nakababatang kapatid na babae. Mabait ito sa kanilang magkapatid ngunit ang hindi niya lubos maisip ay kung bakit lagi sila nitong pinababantayan sa mga gwardiya lalong lalo na ang kaniyang kapatid na babae. Kahit saan sila magpunta ay laging may kasamang gwardiya.

Papalapit na ang kaniyang ika-labindalawang taong kaarawan, nang malaman niya kung ano siya, ang kaniyang pinagmulan at kung bakit gano'n na lang ang pag-aalaga sa kaniya ng kaniyang Tito Ismael. Katatapos pa lang nila maghapunan nang ayain siya nito papunta sa opisina ng kaniyang ama. Pinauna siya nitong pumasok sa loob ng silid na iyon. Matapos ipinid ang pinto ay umupo na ito sa katapat ng upuang inuukopa niya.

"Jonas, anak," Panimula nito. Mataman siya nitong tiningnan, nag-aalangan kung itutuloy pa ba ang sasabihin. "Malapit na ang iyong kaarawan. Gusto ko sanang sabihin sa iyo na maging matatag ka sa mga pagbabagong mangyayari kapag sumapit na ang araw na iyon."

"Of course, tito. I'm very much prepared for that. Pero hindi ko po iyon inaalala sa ngayon kasi po ika-labindalawang kaarawan ko pa lang po. Sabi po ng teacher namin, mararamdaman daw namin ang mga pagbabagong iyon kapag tumuntong na kami sa edad na thirteen at---"

"Ibang pagbabago ang sinasabi ko, hijo."

"Ano pong pagbabago? Hindi ko po kayo maintindihan," Naguguluhang tanong ni Jonas. Kinakabahan siya sa mga susunod na sasabihin ng kaniyang tito. Parang may hindi magandang mangyayari.

"Ganito kasi iyon, hijo. Gaya ng iyong ama, ipinanganak ka upang maging pinuno. At dahil wala na ang iyong ama, narito ako para gabayan ka sa mga pagbabagong mangyayari sa iyong buhay."

"Pero hindi ko po kayang pamunuan ang kompanya ni Dad. Kayo na po muna ang bahala doon. Napakabata ko pa po para mamuno."

"Hindi ang pamumuno sa kompanya ang tinutukoy ko, hijo. Siguro panahon na para sabihin ko sa iyo ang lihim na pilit na itinago ng iyong mga magulang. Huwag mo sanang sisihin ang iyong mga magulang, pero inilihim nila iyon sa iyo para mapangalagaan ka at ma-enjoy mo ang pagiging bata hanggang sa sumapit ka sa tamang edad. Alam ko ito na ang tamang panahon para malaman mo." Lalong naguluhan si Jonas sa sinabing iyon ng kaniyang tito. Nakatungo lamang siya at parang nahihiwagaan sa kaniyang kausap.

A Cry Of A Lone WolfWhere stories live. Discover now